Nanaginip ako kagabi..

Dahil sa malapit na akong umuwi ng pinas, nasa isang mall daw ako at nagso-shopping ng kung anu-ano.

Sapatos. Pantalon. T-shirts. Jacket. Brip..

OO. BRIP. Iba’t-ibang kulay ng brip.

Nasa isang section daw ako ng department store. Napapaligiran ng iba’t-ibang kulay ng undergarments na panlalaki.

Iba’t ibang yari. Iba’t ibang tatak.. Calvin Klein, GinchGonch, Rips, Joe Snyder, Bench at ang aking paborito.. Hanes.

Habang abala ako sa pagpili, may lumapit sa aking saleslady na nakaputi.

“Good morning sir! May napilili na po kayo? Para sa inyo po ba?” ang tanong nya habang napansin kong nakatitig sa aking bukol sa harapan.

“Ah.. eh.. oo” ang sabi ko. “Loyal Hanes user ako miss. Kaya dito ako pumipili. Ang problema nga lang hindi ko alam ang size ko dahil malaki na rin ang inilaki ng aking bewang mula ng nagtrabaho ako sa ibang bansa. Si misis kase ang bumibili ng mga sinusuot kong panloob kaya wala ako talagang alam dito”

“Sir, try nyo itong bagong labas ng Hanes. Kung tutuusin hindi po allowed na isukat, pero dahil boxers naman ito (at nananaginip lang naman kayo), sige po isukat nyo muna ng malaman nyo kung ok ba” ang sabi ni cute saleslady.

“Ah talaga?? Ayos! Sige miss pipili ako ng mga tatlong klase pa, ok lang? Para isang biyahe na lang sa fitting room!” ang sabi ko. habang nakatitig sa dede, este sa mukha ni saleslady. “Saan ba ang fitting room? Dederecho na lang ako dun” ang tanong ko sa kanya.

“Ah… sir.. nire-renovate po ngayon yung area na yun. Bale ang lahat po eh pansamantalang nagpi-fit dun sa quarters naming mga salesladies” ang sagot nya.

Mabilis ang pangyayari. Ang naalala ko na lang, hawak ko ang may tatlo o apat na pirasong brip sa isang kamay, at ang isang kamay ko naman ay hawak ni saleslady habang hinihila ako na parang isang bata sa isang hall na medyo may kadiliman. Binuksan nya ang isang pinto at tulad nga ng sinabi nya, ito ay ang pahingahan ng mga salesladies sa department store na yun.

Ginala ko ang aking mga mata. Ang daming babae sa loob! May mga kumakain. Nagkekwentuhan. Nagbubungisngisan. Nagyoyosi. Nagto-tongits. Nag-iinuman. Mayroong mga naka bra at panty lang na nakahiga sa kama at natutulog. Meron ding naka bra at panty lang pero sa lamesa naman nakahiga. At may iba ring nagkakapaan ng kanilang mga ano sa isang madilim na sulok ng kwartong yun. Kung bakit yan ang nakita ko putangena hindi ko alam dahil himbing na himbing ako sa pagtulog ng mga oras na yan.

Naglakad ako at pilit hinanap ang maliit na silid kung saan pwede kong isukat ang mga brip na bitbit ko. Nakahanap ako ng isang maliit na kwarto. Mismong si saleslady pa ang nagbukas nito. “Sir, nasa labas lang po ako kung may kailangan kayo” ang sabi nya. Nginitian ko lang sya at dinedma na lang ang namumungay nyang mga mata at ang kanyang kagat-labi look. Naisip ko, hindi ako ganun kabilis pumatol sa temptasyon kung sakali mang may balak sya sa akin, at isa pa… Goodboy ako at isang mabuting asawa. :cool:

SInara ko ang pinto ng silid. Unti-unti akong naghubad ng suot sa katawan hanggang sa ang suot na brip na lang ang natitira. Nagdalawang isip sa gagawin dahil parang hindi ata tama na isukat ko ang isang bagay na hindi naman ako siguradong bibilhin..

Eh pano kung may bulbol na maiwan dun at matapos kong ibalik kay saleslady at tupiin nyang muli para ilagay sa plastic, bigla nyang makita ito??? Yaiks! Nakakahiya! O kaya naman, paano kung hindi lang pala ako ang binigyan ng ganung pribilehiyo na ‘try before you buy’? Tapos ang unang nagsuot pala eh isang mama na may galis sa etits o kaya may garapata colony sa yagbols???? O_o

Pero huli na ang lahat para maisip ko pa ang mga yan. Napansin ko na lang na unti unti akong naghuhubad ng aking lumang brip habang kumekembot at gumigiling na parang ahas sa ‘piped in music’ ng kwartong yun..

*insert macho dancer music here ___________*

Tumalikod ako sa salamin at bahagyang yumuko upang isuot ang dalawang paa ko sa dalawang butas ng brip. May narinig akong palakpakan sa background. Nasa tuhod pa lang ang brip, napatigil ako bigla at humarap sa salamin. Tumigil ang palakpakan. Sa wari ko, nag-iimagine lang ako at hindi totoo ang aking naririnig..

Itinuloy ko ang pagtaas ng sinusukat na brip, at ng nasa bandang hita na sya.. May mga nagpalakpakan na naman! May mga sumisipol pa!

“Hindi na tama ito!” ang sabi ko.. “Bakit may mga pumapalakpak??! Miss miss hello miss saleslady nasan ka na?!” ang sigaw ko..

Biglang parang magic na nagbagsakan ang apat na dingding sa maliit na kwartong yun. Nakita ko na lang na nasa gitna ako ng entablado, natututukaan ng sandosenang spotlight, at pinagpipiyestahan ng mga manonood.

Putangena! Wala akong kaalam alam nasisilipan na pala ako! At ako pala ang main attraction sa isang cabaret na pang-matrona! :worry:

Buti na lang! Alerto pa rin ako at naitaas ko ang brip na isinusukat! Mabilis kong natakpan ang mga bagay na asawa ko lang dapat ang nakakakita!

Pero…..

Dahil sa panaginip nga ito….

Nakita ko si saleslady na nakanguso sa akin.. Nangungusap ang kanyang mga labi.. May gustong ibulong.. May gustong sabihin..

“Ano yun miss??!” ang sigaw ko.. habang patuloy ang palakpakan, pagsipol at tawanan ng mga babaeng nanonood..

“SIR!” ang sigaw nya…

“YUNG HOTDOG AT ITLOG MO, NAKALABAS PA RIN!!!!”

dsc00473

Dahil dyan, napabalikwas ako sa kama! Panaginip lang pala. Isang Bangungot!

WHEWWWWWWWW! Buti na lang!

——————————–

Sya nga pala. Good Morning sa inyong lahat! Kagigising ko lang at gutom na ako.

BRB at magluluto lang ako ng scrambled egg at magpiprito ng hotdog….

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!