Huli kong nakita si Aila noong Pebrero pa ngayong tao na ito. Baby na baby pa ang pinsesa ko nun! Wala pang kamuwang-muwang sa paligid nya dahil almost 6 months pa lang sya noon. Puro tawa at bungisngis lang ang makikita mo sa mukha dahil hindi pa naman marunong makipag-usap.

Ang huli kong naaalala sa pagkaganda-gandang anak kong ito, eh yung pagkagising ko sa umaga, sinasabayan din nya ako. Ewan ko ba bakit ganun, basta lagi kaming halos magkasabay gumising at naging routine na naming mag-ama na salisihan naman kami sa paggambala sa pagtulog ng reyna, dahil late magising si misis azrael. Nandyan yung hampasin ni Aila sa mukha ang mommy nya, o kaya naman dakmain yung dibdib ni misis para manggising. Ako naman, syempre hindi ko naman kayang hampasin ang mukha ni Misis Azrael, kaya hanggang dakma na lang ako sa mga parteng hindi dapat dinadakma :B

Eto si Aila noon (click for a bigger picture)

Aila with Dada

Nakasimangot ang prinsesa dahil alam nya na paalis na ako ng araw na yan. Sya nga pala, ako yung may karga kay Aila pero hindi na ako humarap sa camera kahit na pagod na pagod na si misis azrael kasisigaw ng ‘cheese’ dahil sa totoo lang, lalong sumingkit ang mata ko noon sa kaiiyak. :worry:

Matapos ang kulang-kulang na isang taon sa pagtatrabaho dito sa ibang bansa, uuwi na naman ako para magbakasyon. Makakasama ko na naman si misis azrael at si Aila.

Mag-aadjust na naman ako dahil sa sobrang tagal naming nagkahiwalay, ang dami ng pagbabago.

Malaki na si Aila ngayon. 1 yr and 5 mos na sya sa disyembre. Lumaki si Aila na hindi ako nakagisnan, at yan ang isang matinding challenge para sa akin ngayon.

Paano kami magsasamang mag-ama sa mahigit na isang buwan na ilalagi ko sa pinas?

Hindi maalis ang kaba. Kabado ako dahil baka matakot si Aila sa akin sa unang kita nya. Syempre, maninibago yun. Malamang kung magakakapagsalita yun, sasabihin nya, “sino kaya tong gwapong mama nato na laging nakatitig sa akin at kapag nalingat naman ako ng tingin, eh kung saan saang parte ng katawan hinihipuan ang mommy ko?”  O_o

At iba na si Aila ngayon. Hindi na sya yung pangiti-ngiti lang pag kinakausap ng tao. Dumalaldal na ang anak ko. Marunong ng makipagsigawan at makipagtalo sa mga kaharap nya kapag hindi nya nakuha ang kanyang gusto. Naglalakad na. Hindi lang pala lakad, tumatakbo na at delikado ng iwan kahit sandali lang dahil nanghahabol ng tao ang prinsesa kapag hindi nya trip. Namumulot ng bato at pinupukpok ito sa ulo nga mga kaaway nya. Ilang bata na sa lugar nina misis ang umuwing luhaan at nagsusumbong sa kanilang mga magulang dahil naging biktima sila ng kakulitan at kasigaan ng anak ko bwahahahaha!

Kung datirati, magkakasundo kayo ni Aila na naglalaro lang sa bahay, ngayon hindi na. Gusto nun laging nasa galaan. Ayaw sa basta-basta park o playground. Ayaw sa bakuran ng mga biyenan ko. Gusto sa mall! Market Market, Boni High St, Greenbelt, Glorietta at kung saan saan pa. At ang prinsesa, sya na mismo namimili ng isusuot nya. Pag nagpunta sa toys section ng department store, sya ang namimili ng gusto nya at pag hindi mo binigay, hindi naman sa iiyak o magwawala yun, pero hindi ka kikibuin. Kapag tinanong mo kung bakit hindi sya namamansin, sasabihin lang nun, “yoko! galit!” :lol:

Eto si Aila ngayon (again, click for bigger pictures)

img_1891 img_1895 img_1898

img_1921 img_1906-2

O di ba ang laki na ng anak ko?! At ang ganda di ba???

Sya ang namili ng shades na yan. I guess, nakuha sa ama dahil mahilig ako sa ganyan. Yung damit nyang orange, sya din ang namili nyan. In fact, pati pambahay nya sya ang namimili kung ano ang isusuot nya. Pag alam nyang lalabas sya at makikipaglaro sa ibang bata, ang gusto nya isuot pants or pajama. Pag tinanong mo kung bakit, sasagot yun, “baka dapa!” (baka raw sya madapa) :lol: Pag sa damuhan para yang kiti-kiti sa kalikutan. Palibhasa alam nyang malambot ang babagsakan nya in case na matumba sya. Pero pag sa semento, hindi yan maglakad ng walang nakahawak sa kamay nya. Minsan sinabihan si Aila ng tita nya, “Aila, walk ka na, kaya mo naman na eh!” Sumagot si Aila, “ayaw! takot!”

Aaaw Teh Cuteness! bwahahahaha!

Iba pang karagdagang impormasyon kay Aila ngayon:

1. Gusto nya lagi may pasalubong mommy nya pag-uwi ng bahay. Favorite nya congee ng Hapchan.

2. May isang siga dun sa lugar nina misis azrael. Kinakatakutan ng lahat ng bata. Pero pag dumadaan yun, dinidilaan ni Aila at minsan kapag minamalas malas at may hawak si Aila, pinanghahampas nya yun dun sa mama.

3. Aila knows my name, and where I’m at. Kapag tinanong mo yun kung sino dada nya, sasagot yun “Robin!”. Pag tinanong mo kung nasan si dada, sasabihin nun, “Oman!”

4. Walang hilig si Aila sa dolls. Gusto nya books and learning toys. Mahilig din sya mag-drawing at ang katunayan nyan, lahat ng bedsheet nya tadtad ng drawings gamit pentel pen. Yung haligi sa kwarto nagmukhang graffiti wall! :lol2:

5. Pag tinanong mo kung ano ang favorite nya sa jollibee, sasagot yun, “fench fies!”. Hindi naman nya alam kung ano ang french fries at hindi sya pinapakain nun. Narinig nya lang yan sa mga batang nag-uusap sa labasan.

6. Sinasabayan ni Aila ang mommy nya sa mga ritwal na ginagawa lang ng babae sa umaga at sa gabi. Pag umaga, habang nagme-make up si misis, si Aila nagpupulbos.. Sa gabi, habang nagtatanggal ng make up si misis, si Aila may hawak na bulak at pinapahid sa mukha nya. O_o

7. Nakakatulog si Aila ng mahimbing pag may background music na Classical, Jazz, Downtempo o kaya Chillout.. Watta!

8. Marunong sya magbukas at magpatay ng TV gamit ang remote. At alam nya ang button para sa kanyang favorite channel, ‘Discovery Channel’. Ayaw nya ng teleserye, nanggugulo yun pag lahat ng tao busy sa panonood at 99 percent si Aila ang nananalo bwahahaha!

9. May tinutukso na isang batang lalaki kay Aila sa lugar nina misis. Sinasabi nila, “Aila dyan na boypren mo!” Sumasagot si Aila, “ayaw! galit dada!” :lol2:

10. Mabait na baby si Aila. Naisasama ni misis azrael sa sunday mass. Yun nga lang pag nagkakantahan na, imposibleng hindi magtinginan kay Aila dahil nakikisabay sa pagkanta ang prinsesa sa kanyang pinakamatinis na boses at lagi yung sumisigaw ng “amen! amen!”, kahit na hindi naman kinakailangan ito. :lol2:

Saan kayo nakakita ng 1 yr and 4 mos na bata na ganyan umasta?? :lol:

Yan ang problema ko ngayon..

Magbabakasyon akong muli sa pinas para makapagpahinga naman dahil pagod na rin ako sa kata-trabaho dito. Gusto kong maghapon lang nakahilata sa kama at nagpapagulong-gulong dun, habang nakikipag-batuhan ng unan sa asawa at anak ko. Gusto kong matulog at gumising kung kailan ko gusto.

Paano ako makakapagpahinga kung ganyan kakulit ang anak ko waaaaaaaaaaaaaaaah!

Patay akong matanda ako. :meh:

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!