Note from AZRAEL: Isang submitted entry na naman para sa “INVITATION” gimik. May mahigit isang linggo ko nga itinatago ang ‘piece’ na ito. Sa tuwing nababasa ko, namamangha pa rin ako sa estilo ng isang kaibigang blogger na hindi ko inaakalang ganito ka-astig magsulat. Dalawa ang kanyang nai-submit na entries para sa pakulo kong ito (na hanggang ngayon eh hindi pa rin ako sigurado kung itutuloy), pero napagdesisyunan ko na ito muna ang unahin.

Short, at swak na swak lalo na ngayong lahat ng kilala ko ay halos nasa ‘emong’ mode bwahahaha! Pero teka, this is not an emo post mind you.. May pagka.. uhmmm.. pagka.. errr! Basahin nyo na nga lang!

A very nice entry from a blogger friend from Kuwait.

Let’s give it up for, TIMI of CRIMSON HEAVENS.

——————————————————-

Rosas…

Tatlong puti at tatlong pula. Di ka na nagbago. Mahal mo pa rin ako.

Nakakatuwa nga eh, simula kasi ng naging tayo, tuwing anniversary natin, di mo nakakalimutang bigyan ako ng bulaklak. Naalala mo ba nung na-late kang dumating dun sa anniversary dinner natin? Tampo nga ako nung una eh, pero nung nalaman ko na na-late ka sa paghagilap ng bulaklak para sakin, nawala agad ang tampo ko.

At tulad ng dati, nagsimula ka na magkwento. Ang daldal mo talaga, pero okay lang, nakakaaliw ka naman talaga pakinggan. Ang dami mo pang jokes. Pati nga si daddy na over-protective nabilog mo ang ulo dahil dyan sa pagka-mabiro mo. Si mommy naman, pag pinupuri mo ang luto nya, ay sus! daig pa ang teenager kung magblush. Lahat ng kamag-anak ko, gustong-gusto ka, inggit nga mga pinsan ko sa’kin eh. Ako naman, proud na proud at ikaw ang naging boyfriend ko.Sabi ko nga sa’yo eh, isa ka sa mga natitirang matinong lalaki sa mundo. Lahat na kasi ata ng katangian ng hinahanap ng mga babae sa lalaki nasa iyo na. Swerte ko lang din siguro yun ano? Na mahalin ng isang taong tulad mo?

Naalala mo ba nung nag-aya ka pakasal? Sabi mo may ipapakita ka sa’kin, tapos dinala mo ako sa isang subdivision na malapit lang sa pinagtatrabahuan natin. Tapos nag-park ka dun sa harap nung isang bahay dun, two-storey house at may garahe, sabay sabing binili mo na yan kaya bawal humindi na pakasal sa iyo. Binatukan pa nga kita dahil akala ko nagbibiro ka. That is, until pinakita mo yung singsing.

Umuwi ka nga palang nag-iisa nung araw na yon. Pitong taon na nga pala ang nakalipas ano? Ang pagkakaiba lang siguro ngayon, minsan na lang kita makita ngumiti. Lagi ko nakikita ang lungkot dyan sa mga mata mo. Sa totoo lang, kasalanan ko naman talaga kung bakit ka nagkakaganyan. Pero kahit gano’n, ni minsan, di ako nakarinig ng sumbat galing sa’yo. Sorry talaga, dahil sa akin hindi ka na masaya. Minsan nga iniisip ko, kung pwede lang kita ipagtabuyan eh ginawa ko na.

Pero hanggang ngayon… mahal na mahal mo pa rin ako… Kaya nga nandito ka at bitbit mo pa rin yang mga yan di ba? Inakap kita at hinalikan…

Sayang… Hindi mo maramdaman.

Rosas…

Tatlong puti at tatlong pula sa tabi ng puntod ko.

Di ka pa rin nagbabago. Mahal mo pa rin ako.

——————————————————-

*sniff sniff………..

Langya, muntik nako maiyak dun ah!

Galing ni Timi di ba?

Thanks bespren Timi for this one!

Kung gusto nyong silipin si Timi, eto ang blog nya. Click image below!

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!