NOON:

Mga apat na buwan na rin ang nakalipas ng huli kong makakwentuhan ang nanay ko tungkol sa kung anu-anong isyu tulad ng politika, showbiz, sports at kung anu-ano pa. Tinawagan nya ako sa telepono at nakipagtelebabad ang nanay ko saken. Kung ibe-breakdown mo ang minutong naubos naming dalawa sa loob ng isang oras, ganito ang resulta:

AZRAEL: 5 minutes

Nanay ni AZRAEL: 55 minutes

May sinat pa ata ang nanay ko nun, at halata sa boses nya na may sore throat din sya, kaya hindi sya gaano nakapagsalita.

Anyway, since nasa politika, showbiz at sports ang aming usapan, may isang bagay ako na naitanong sa nanay ko na nagpainit ng ulo nya. Alam mo naman yun, madaling maiirita. Buti na lang hindi ako mana sa kanya. :P

At ang issue???

Si MANNY PACQUIAO bilang isang magaling na boksingero na may paparating na laban ngayong disyembre..

AZRAEL: “Mi! Ano na balita kay Pacman??? May laban sya sa disyembre di ba? Kalaban nya yung paborito nyong boksingero, si Dela Hoya?”

Nanay ni AZRAEL: “Hay naku! Wala yang si Manny! Madami na ang naiinis dito dyan kasi hindi na lang mag-concentrate sa boxing! Pinasok pa ang politika, at ngayon artista at singer na din yata! Ayoko sa kanya kahit champion pa sya na boksingero! Nayayabangan na ako! Pababagsakin ni Dela Hoya yan dahil hindi papayag si Oscar na mabugbog ang kanyang pretty face dahil kay Manny! Tsaka sa laban nila sa december, ipagdadasal ko na matalo si Pacman!”

Sa puntong yun, nahalata ko talaga ang inis ni ermat kay Manny. Ewan ko ba. Nagsimula yan noong pinasok ni Pacman ang politika at naalyansa sa kampo ni GMA. Eh numero unong galit kay GMA si ermat.

Natapos ang usapan namin sa binitawang salita ni ermat na parang ganito:

“Sa akin ka maniwala. Sa December, talo yang si Pacquiao! Dahil ayoko sa kanya at ang ichi-cheer ko eh si Dela Hoya!”

———————————————————————-

NGAYON:

Kagagaling lang ng tatay at nanay ko sa Amerika. Imbes na ang unang ikwento eh yung mga trips nila sa Disneyland, Frisco, Vegas, Lake Tahoe, Hoover Dam, Grand Canyon at kung saan saan pa, eto ang bumulaga sa akin:

Nanay ni AZRAEL: “Pag-uwi mo sa pinas ng Dec. 5, tamang tama mapapanood mo laban ni Pacquiao at Dela Hoya!!!! Hay nako excited na ako at sinisigurado ko sayong pababagsakin ni Manny yung kalaban nyang hindi naman kagwapuhan! Ngayon ko lang na-realize na si Manny pala eh gwapo! At magaling sya talaga dahil dedicated sya sa kanyang pagiging boksingero at sa katunayan, pukpok sya sa ensayo at training ngayon! Pupusta ako, hindi aabot ng 5 rounds babagsak yung panget na si Dela Hoya!”

AZRAEL: “Ah eh.. mahal kong ina, mawalang-galang na po.. Eh di ba dati galit kayo kay Manny? Bakit parang nagbago na ang ihip ng hangin at mukhang iniidolo nyo na yata sya?”

Nanay ni AZRAEL: “Dahil nakausap ko sya ng masinsinan.. Binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti… At may picture kaming dalawa” *kilig*

100_6775

100_6776

Dahil sa isang photo-op, bumalimbing ang nanay ko. O_o

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!