Madaming dahilan kung bakit tinatamad na akong mag-blog. Iisa-isahin ko…

1. Ayoko ng mag-share ng mixes. Bukod sa mahirap gumawa nito, wala na rin akong oras. At isa pa, wala na akong kailangan patunayan pa. I have made some people smile at tama na yan. I’ve given slices of a pie wholeheartedly to those who asked to be fed. I just can’t give the whole thing, sorry

2. Na-realize ko na mas masaya ako sa Photography kesa sa blogging. I can express more through Photography. With blogging, every single fucking word I say elicits different meanings and reactions from people. Ang daming bagay na hindi ko masabi, hindi mai-kwento. Dahil pagmumulan ng away mag-asawa.

3. Na-realize ko ulit na past time lang talaga ang blogging para sa akin. Ngayon, kung busy ako sa trabaho at sa iba pang bagay, alangan naman na unahin ko pa ang past time?? Kagaguhan.

4. Malapit na akong umuwi ulit sa pinas para magbakasyon. Hindi ko na mahaharap ang blog na ito para lang mag-update sa mga bagay-bagay na interesado man kayong marinig, eh wala naman akong balak na ikuwento pa.

At ang pinakamalaking dahilan kung bakit talagang tamad na tamad na akong mag-blog………

5. Dismayado ako sa isang imbitasyon na dinedma bwahahahahaha!

Sa isang banda, mali din ako dyan. Hindi ko gaanong pinag-isipan. Walang planning at poor ang execution. Mabilisan kasi. Lasing ako noong naisip ko yan, at para lang may mai-blog, sinubukan kong gawan ng gimik.

I realized one thing though..

Kapag gagawa pala ng ganitong gimik, kailangan ipagkalat ang impormasyon sa buong blogosperyo with matching adverts, announcements, banners, buttons, prizes, giveaways. etc…

Yun bang mag-blog hop ka tapos anyayahan mo lahat ng madaaanan mo para lumahok. At kung kulang pa yan, eh ano ba naman na gumawa ka ng ‘meme’ or ‘tag’ at ipasa mo sa lahat ng nasa blogroll mo. Utusan sila na ipasa din sa lahat ng nasa blogroll nila dahil pag hindi nila ginawa, katulad ng mga chain letters at forwarded emails sa inbox mo na may litrato ni Virgin Mary, o kaya ng isang batang malnourished sa Africa, eh may masamang mangyayari sa kanila at sa kanilang pamilya. Sigurado yan! Sa isandaang taong makakabasa, mayroong isang taong papatol!

Ang problema, tamad akong mag-blog hop. O_o

Pero seryoso, unti-unti kong nararamdaman ang sampal ng realidad. Masakit pala bwahahaha! At ang reality eh eto:

1. Hindi na ganun kalawak ang ‘reach’ ng aking blog. Kung dati eh panis saken ang 800-1200 hits a day, napansin ko na ngayon eh nasa 250-500 na lang. Ang ibig sabihin nyan, marami ng nag-alisan na dating mambabasa. Wala nakong magagawa dyan. Ang dami kayang bago at makulay na blog ngayon na pwede nilang basahin. Hindi ko na rin kasalanan kung mas pinili nila na tambayan ang mga nag-aastig astigang mga blog na ito.

2. Ang dami ngayon na tinatamad na rin sa mismong blog nila, tapos mag-eexpect pa ako na makikigulo sa blog ko? That’s asking too much. Kahit sa kaibigan sa totoong buhay, hindi ka pwedeng humirit ng ganyan dahil pagmumulan yan ng pagkatabang sa inyong samahan.

3. Madaming tao ang naaksidente. Dadaan sa blog mo at sasabihing, ‘oy! ayos to! sali ako dito! magpapadala ako ng entry!’ At pagkatapos mag-iwan ng ganyang komento, pupunta sa kabilang blog para doon naman maki-chika at sa hindi inaasahang pangyayari, habang tumatawid sa blog super highway, mabubundol ng sasakyan at mababagok ang ulo sa espaltadong daan.. Blag! AMNESIA!

Dahil sa mga dahilan na yan, nagdesisyon ako na wag ng ituloy ang pakulo ko na wala namang kwenta kung tutuusin. My decision to turn that ’spur of the moment’ thing into an actual blog entry was a mistake.

Mayroong nagpadala ng entries kahit paano. The problem is, they are all crap. Ayokong maglagay ng guest blogger/submitted entries sa blog ko tungkol sa iba’t-ibang kulay ng bulaklak at kung ano ang simbolo ng mga ito, ng mga usaping kesyo dapat na pinahihintulutan ang 3rd sex marriage dahil putangina hindi ako sang-ayon dyan, at ang pinakamatindi… Hindi ko kayang sikmurain na ilagay sa blog ko ang isang fantasy sex story kung paano nagtalik ang isang ama at ang kanyang dalagitang anak, habang nanonood ng palihim sa kabilang kwarto ang buong angkan.. PWE!! So fucking tasteless!

Posting these crap entries will not correct a mistake. It will only make things worse. I therefore announce that all invitations previously sent are now cancelled.

Possibly Related Posts:



A Z R A E L :  Husband. Father. Son. Expat. DJ. Storyteller. Amateur Photographer. Vermin Exterminator. Bounty Hunter. Asskicker. Pornstar. Hustler. Professional Bullshitter.


Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!