Post-Halloween Special: by Glesy the great
Note from AZRAEL: I just can’t pass this on. A blogger submitted this entry a few hours after I cancelled the “INVITATION” gimick. Binasa ko ang attached word document, at naramdam ko ang pagod, tyaga at effort ng isang kapwa blogger kaya minarapat kong i-publish ito. Wala akong binago sa submitted entry, all I did was format the whole thing para naman swak sa aking blog (you know how bad an entry looks like if it was copied and pasted from word right?). Credit goes to GLESY THE GREAT for this nice piece.
Without further ado, here’s what Glesy wrote:
——————————————————————————————–
Ladies and gentlemen… Magandang three times a day sa inyong lahat… Excited ako ngayon dahil parang first day of school ang feeling ko sa first post ko dito sa Azraelworld… Meron na po akong Halloween Special na pinublish sa blog ko at dahil parang batang napaaga ang christmas ang pakiramdam ko ngayon, sabihin na nating post-Halloween Special “The Repeat” ko ito…
Siyempre dalawa lang naman ang pwedeng topic tuwing Halloween: either kaluluwa or patay… at dahil ang topic ko sa blog ko ay tungkol sa naliligaw kong kaluluwa tuwing class picture at ang pagdalaw ng kaluluwa ni Pot sa blog ko gamit ang kanyang agimat na class picture.. therefore, it follows na tungkol sa kamatayan ang ating lesson for today dahil walang all of the above sa choices…
So let’s make this post more fun but less scary…
How to Entertain Your Guests at Your Own Wake!!!
In tagalog: Paano mo aaliwin ang mga bisita mo sa sarili mong lamay!!!
1. Mamatay ng nakangiti and I mean it literally. Sabi nga nila “Just smile and the whole world smiles with you”… at kapag namatay kang nakangiti siguradong ang mga nakikilamay will smile though their hearts are breaking…
Important instruction: Friendly smile ha, wag wacky or seductive katulad ng mga picture ngayon na parang wink smile with matching nakadila effect… Promise, nakakatakot yan tingnan lalo na kung nasa loob ka na ng kabaong… baka ipa-cremate ka na lang kung ganyan rin lang ang posing mo… Kaw din, baka mag-flop ang lamay mo…
2. Eat All You Can… sabi nga nila “The way to a man’s heart is through his stomach”… Yun na nga lang ang huling pa-treat mo sa mga mahal mo sa buhay tapos ang ipa-pakain mo pa eh kape at biskwit lang… Eh talaga namang di ka pa nakaka-isang buwang patay tapos na ang grieving process nila!!! Eto na ang grand finale party mo kaya ilabas na ang mga recipe ng mga kanunu-nunuan ng pamilya mo at ipa-ngudngud sa mga bisita… Walang lalabas ng lamay hanggang di nadadagdagan ang timbang…
3. It’s a Game…. at dahil mahilig ang mga pilipino sa mga laro o kaya sugal tuwing lamay pagbigyan natin sila… pero iwan na natin ang mga old traditions… Gawin nating game show!!! Kaya ilabas na ang mga tambyolo at mga roleta dahil iimbitahin natin ang PCSO at PAGCOR under the supervision a DTI representative para mag manage ng ating mga palaro… Kung kaya ng budget.. Invite natin si Kris Aquino o Edu Manzano para mag-host sa ating mga games… at para sa mga mahilig sa videoke hanapin nyo lang si Cesar Montano at iaabot nya ang mic sa inyo…
4. Oktoberfest extension… di talaga mawawala ang mga grupo ng mga tumador sa isang populasyon… kaya pabahain ng alak ang mga lamesa… uminom na parang wala ng atay… para sa mga taong mukha ng inihaw ang atay, para sa mga taong mala-palasyo na ang bahay alak, para sa mga taong kasing tigas na ng semento ang lalamunan, para sa mga taong di na kelangan ng chaser, para sa mga taong combustive na sa sobrang dami ng alkohol sa katawan!!!! CHEERS TO ALL…
5. I cordially invite you… Ngayon pa lang gawa na kayo ng list ng mga taong gusto nyong sumipot sa lamay nyo… Bahala kayo kung gusto nyong may 18 candles, gifts or roses… Pero wag na 18 roses kasi baka di sila magsipunta, baka akalain nila kelangan ka din nilang isayaw… Wag mo ng lagyan ng picture mo kasi nakakatakot yun… pero kung gusto mo talaga, then do it!!! but please strictly follow Instruction # 1 (mamatay ng nakangiti) at siguraduhing nakaharap ang part ng mukha mo kung saan yun ang anggulo mo… Magpamake-up kay Ricky Reyes at hindi sa kung saan-saang furenaria… Magparebond sa David’s… Be in your best get-up, this is your party kaya nobody should shine brighter than you…
6. Pictures paint a thousand words… Baka kasi sa sobrang kasiyahan ng mga bisita eh malimutan na ang nananahimik na celebrant.. kaya lahat ng guests eh required na magdala ng picture ng celebrant… yun bang may kwento sa likod ng picture… pipili sila ng spot sa wall kung saan nila gustong isabit then lalagyan nila ng caption.. example: “ang cute talaga ni glesy kahit nakapikit”… o diba parang exhibit lang tapos ikaw pa ang bida.. PANIS!!!
7. Eulogy… give chance to others, dapat lahat ng bisita eh may chance na parangalan ka at bilugin ang ulo mo sa kahuli-hulihang sandali (be their most bolero/a self)… pero utang na loob wag naman sana mas mahaba pa sa SONA ang speech!!! Idasal mo na lang sa sarili mong oras kung magdradrama ka… Beware that you don’t speak ill of the dead… masama akong magalit ng buhay, ano pa kaya kung patay na!!! baka bigla na lang kitang hubaran ng pants in front of many people para magtanda kang gumalang sa patay…ahehehe… Every speech ng bisita eh may toast para sa namatay before and after the speech para lahat lasing pagkatapos ng party…
8. In memory of… siyempre dapat may memorabilia na ihahandog para sa mga bisita… it’s nice to be remembered… relax, relax hindi ko isa-suggest na mamimigay ng hibla ng buhok o kaya bits and pieces ng mga kuko… i have a better idea!!! bigyan sila ng replica ng lapida nyo… para di nila talaga kayo malilimutan… sana man lang lagyan nila lagi yung ng flowers… kahit santan lang masaya na ako…
9. For the final presentation… di talaga ako magaling mag-ending, kaya for the final surprise… Let’s give the mic to the celebrant… let your presence be felt naman… kung sinusundo na siya ni Lord at kelangan ng i-end ang party… punta na lang si celebrant sa mic.. Keep it short and simple… parang ganito “Thank you all for coming…. Remember me always or else I’ll remember you… Good night and don’t let the bedbugs bite!” Sabay ngiti then kindat to the max!!! tapos vanish plus hampas ng malamig na hangin at amoy kandila or sampaguita… That’s how the party ends hahaha… kung mawawala ka na rin lang sa mundo, then leave it with a BANG!!!! Masayang mang-laugh trip kung alam mong yun na ang kahuli-hulihan mong itatawa…
Di ba nakakataba ng puso kung maririnig mo mula sa langit ang isa sa mga bisita mong magsabi na “Grabe, I had a great time last night, galing ako sa lamay… Sobrang Saya!!!” —> Ironic mang pakinggan, pero nakakakilig naman di ba? Sabi nga nila “The best is always at the last part”
Sino gusto pumunta? Taas ang kamay…
Cheers!
——————————————————————————————–
Salamat sa submission na ito Glesy!! Walang premyo sa gimik na ito, pero habambuhay na nakaukit ang iyong pangalan sa dingding ng AZRAELWORLD. Dahil sa entry na ito, at dahil na rin sa sulsol ng ilang kaibigan, nagugulo ang utak ko ngayon at parang gusto kong ibalik ang gimik
Kailangan lang ayusin ang ibang anggulo kung paano ito iimplement at ano ang mga guidelines/rules/procedure sa pag-submit ng entry. Bahala na….
Again, thanks Glesy for taking part!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!

Kailangan lang ayusin ang ibang anggulo kung paano ito iimplement at ano ang mga guidelines/rules/procedure sa pag-submit ng entry. Bahala na….

41 comments
glesy the great
on
November 10, 2008 at
9:59 am
ahehehe…. salamat naman at pinagbigyan nyo po ang request ko… siyempre love your own kaya ako unang magcocomment… wg po kayo alala kahit mukhang pera ako, di ko po kayo hihingan ng papremyo… kung kelangan nyo po ng tulong sa mga guidelines/rules/procedure na yan, happy to help po… i’m all yours!!!! cheers at salamat ulet-glesy the great;p
http://anakngpiso.wordpress.com/
glesy the greats last blog post..photo gulat…
Reply
A Z R A E L
reply on November 12th, 2008 1:07 pm:
dahil sa submission mo, nasundan ng iba pa wahahahaah! ngayon nalilito ako kung itutuloy ko pa ba tsk.. email mo nga saken suggestions kung pano maayos na maiimplement ito, pag-aaralan ko. salamat!
Reply
timi
on
November 10, 2008 at
10:08 am
Ang galing mo Glesy!
Napakalawak ng imahinasyon mo! Iniisip ko tuloy na i-hire ka na “lamay”-coordinator ko wahahaha!
timis last blog post..Timi’s vegetable fried rice…
Reply
glesy the great
reply on November 11th, 2008 3:24 am:
syur!!! kontakin nyo lang po ako pag namatay na po kayo (dyok). eh madalas po kasi siguro akong magmuni-muni at mag-observe kaya masyadong kiti-kiti ang imagination ko… cheers…;p
glesy the greats last blog post..photo gulat…
Reply
khzr4u
on
November 10, 2008 at
10:15 am
astig ang entry mo glessy..
ibang level talga mapabilang sa mundo ni azrael..
BLHAG!!!
Reply
glesy the great
reply on November 11th, 2008 3:26 am:
thanks din po… at talagang ibang level talaga.. kaya nung nagkaroon ng invitation, di na ako nagpatumpik-tumpik pa kaHIT muntikan ng mapurnada… ahehehe.. cheers;p
glesy the greats last blog post..photo gulat…
Reply
b00bsy
on
November 10, 2008 at
10:17 am
az di ka nagkamali sa naging decision mo na ipost ang entry ni glesy the great dito sa blog mo. galeng galeng!!! very creative! bravo ! good job glesy!
Reply
glesy the great
reply on November 11th, 2008 3:27 am:
thanks po sa compliment!!! ahehehe…. kakilig naman.. cheers;p
glesy the greats last blog post..photo gulat…
Reply
A Z R A E L
reply on November 12th, 2008 1:09 pm:
wow, coming from a blog critique that means something… hehe glesy may fan ka na bago lol
Reply
calibre
on
November 10, 2008 at
3:34 pm
tama c timi pwede n syang lamay coordinator!!!
Reply
glesy the great
reply on November 11th, 2008 3:28 am:
dalawa na ba ang customer ko? cheers;p
glesy the greats last blog post..photo gulat…
Reply
Jules
on
November 10, 2008 at
5:19 pm
galing naman ni glesy! naluha ako sa kakatawa
thanks for sharing az!
Juless last blog post..OMG
Reply
glesy the great
reply on November 11th, 2008 3:36 am:
salamat… dahan-dahan lang po baka lumobo po sipon nyo sa kakatawa.. cheers;p
glesy the greats last blog post..photo gulat…
Reply
jules
reply on November 12th, 2008 3:56 am:
muntik-muntikan lang glesy haha
may kontrata na ba pag ma-hire ka as lamay coordinator? haha
ay naku az, aliw na aliw talaga ako sa guest blogger mong ‘to
juless last blog post..OMG
Reply
brotherutoy
on
November 11, 2008 at
1:50 am
hayan, alam ko na ang dapat gawin para maging blockbuster at well-attended ang lamay ko.ü
after four deaths in my family in the span of six years, I have two words for a successful lamay: Boy Bawang.
At syempre, I’ve got tree letters too for a creative pagpupuyat sa harap ng kabaong: PSP
great post, glesy!
brotherutoys last blog post..Of God, Atheists and Christmas Mornings
Reply
glesy the great
reply on November 11th, 2008 3:29 am:
ahehehe. may sariling version ka pala ng pag-eentertain… PSP at boy bawang lang pala ang katapat ang haba pa ng pinost ko.. cheers;p
glesy the greats last blog post..photo gulat…
Reply
potsquared
on
November 11, 2008 at
4:04 am
ang saya.. sana maimbitahan ako sa lamay mo glesy.. ilista mo na pangalan ko ha.. siguradong aattend ako.. papapicture pa ako sa iyo.. akbayan mo ako ha.. hihihi tagay mo glesy!
at kay pareng az… lab yu pre!
potsquareds last blog post..present and distraction…
Reply
lei
on
November 11, 2008 at
5:22 am
wow! wala akong masabi. I love it! Sosyal! Hehe. Bilib ako kay glessy.. the great talaga! cheers! (Ooops! Trademark pala ni ate glessy un. hehe)
leis last blog post..What if your name is Godzilla?
Reply
glesy the great
reply on November 12th, 2008 4:39 am:
sosyal ba? so gusto mo na ring maging sosyal lei? ahehehe…. sige lang maki-cheers ka rin!!!
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
I came, I saw, I posted- Glesy the Great « Anakngpiso’s bahay-palasyo on November 11, 2008 at 12:06 pm
[...] so mga friends iniinvite ko po kayong pasukin, makigulo, at makitawid din ng bakod sa Azraelworld… eto yung pinost ko Post-Halloween Special: by Glesy the great [...]
Lhay
on
November 11, 2008 at
12:15 pm
tsk..si glesy iba talaga ang level ng utak, magkano arkila sau?
Reply
glesy the great
reply on November 12th, 2008 4:38 am:
as much as your budget can afford… ahahahha..
wag ka namang ganyan lhay parang pinapalabas mo may kakaibang sayad ung utak ko eh… cheers;p
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
pusa
on
November 11, 2008 at
12:56 pm
ang gleng gleng naman ng lamay na ito glesy the great
Reply
glesy the great
reply on November 12th, 2008 4:36 am:
thanks… at least di nyo po ako inaarkilang lamay coordinator.. that means mahal mo pa ang buhay nyo.. cheers;p
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
sommer
on
November 11, 2008 at
5:46 pm
..nyahahah..hagalpak ako sa mga hirit ni glesy the great! magaling! magaling! magaling! (baka maya kaw na hanapin ng mga readers ni pareng az..nyahaha!).
hmmm…glesy..pede bang kaw gawin kong coordinator para sa lamay ko?=)
Reply
glesy the great
reply on November 12th, 2008 4:35 am:
syur, pwedeng-pwede!!! ang lagay eh magkano ba ang kayo nyo po…. hehe joke… talaga namang parang excited ka ng mamatay ah… cheers;p
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
A Z R A E L
reply on November 12th, 2008 1:11 pm:
si glesy coordinator.. ako sagot ko photo coverage tsaka mobile nyahahaha!
Reply
sommer
reply on November 12th, 2008 2:36 pm:
…OK pareng az…basta siguraduhin mong maganda pagkakakuha (not that im doubting your talent!) kasi me anggulo ako..left ang angle ko..kaya wag sa right ha? sa left!!nyaahhaah!!
sommers last blog post..si bunso bow!!
Reply
Helena
on
November 11, 2008 at
7:04 pm
Gles, payo naman ano magandang motive este motiff sa lamay? Ni hindi kasi ako naka-attend ng js prom. Kung mamatay ako ng hindi pa ko kinakasal,ito na ang huling magiging bonggang celeb ko diba?
Anyway, puntahan na nga lang kita sa bahay mo para personal ang consultation. 
Helenas last blog post..Text Scam
Reply
glesy the great
reply on November 12th, 2008 4:33 am:
ahehehe.. kung pupuntahan mo ako magpa-abiso ka naman kung buhay ka pa nun o patay na…para makakuha ako ng tagapamagitan kung sakaling deadbol na pala ang next customer ko… ang pangit naman kung parang wedding set-up ang kasal mo kasi mahirap maghanap ng papayag na maging groom sa patay di ba? hahahaha.. cheers;p
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
Helena
reply on November 13th, 2008 2:17 am:
May punto ka dyan! So maipapayo mo ba na maghanap na ko ng groom ngayon na mapapatay? Ayos ang concept mala-black widow diba.
Reply
mang badoy
on
November 12, 2008 at
6:36 am
anak ng piso ka glesy the great… binago mo pa ang name mo! kilala ka na namin… hakhakhak!
ayoko nagpupunta sa lamay kasi payabangan lang ang dating socializing sa mga kamag anak mo tapos ungkatan ng mga na accomplish mo sa buhay, kung may anak ka na may asawa ka na, san ka na nagta trabaho, kung manager ka na ba or kung naka punta ka na sa ibat ibang bansa… diko talaga trip magpunta sa lamay.
mang badoys last blog post..SURVIVOR PHILIPPINES FANS: EPISODE 41
Reply
kengkay
on
November 12, 2008 at
12:00 pm
basta ako salad bar kapag lamay ko, hahaha
kengkays last blog post..walang silbing gold card
Reply
mumu sa kanto
on
November 12, 2008 at
6:27 pm
i like the smiling part xD pag namatay ako gusto ko kabaong ko penk! beri gud!
mumu sa kantos last blog post..God’s ABC
Reply
siangelnawalangpakpak
on
November 13, 2008 at
1:44 pm
the best talaga tong si glessy. in fairness, parang ang saya saya siguro ng lamay na yan. feel ko talagang pumunta araw-araw sa vigil kahit na hindi naman ako madalas bumibisita ng patay kahit kamag-anak ko pa.
gusto ko ding magkaroon ng mga game shows sa lamay ko pero dapat si Tito Pepe ng Kwarta o Kahon ang mage-Emcee =)
siangelnawalangpakpaks last blog post..Ang Doktorang May Memory Gap
Reply
eloiski
on
November 14, 2008 at
6:18 am
Wahahaha!
Napatawa mo ako dito!
Ang galing ng banat mo.
Magandang ideya yan.
Sama ako!
eloiskis last blog post..Akala mo lang nawala ako, Pero Hindi Hindi Hindi!
Reply
vhincent
on
November 19, 2008 at
9:38 am
wow na wow mukha ginanahan ng todo sa pagsusulat itong si glesy!
galing ..
at ganda din ng idea ni azrael .. guest writer sa blog? hmmm makasagot kya ito sa problema ko ngayon … hehe
vhincents last blog post..Slight Changes at chizmosa lounge
Reply
Jorge (Master Ooqay)
on
November 20, 2008 at
7:42 am
Wahahaha, astig nmn to! galing ni glesy d great!
Kakatambling to ah, sabayan pa ng split! aaww!
Jorge (Master Ooqay)s last blog post..Pagkain 101
Reply
romance me not… « Anakngpiso’s bahay-palasyo on December 29, 2008 at 7:02 pm
[...] yung pinost ko sa azraelworld na (Post-Halloween Special: by Glesy the great) eh binasa nyo sana eto rin basahin nyo at sana wag nyong kalimutan na mag-comment… mejo [...]
ifoundme
on
December 29, 2008 at
7:57 pm
feeling ko mauuna akong tumakbo pag nangyari lahat ng sinulat dito
ifoundmes last blog post..margarita
Reply
Flowers For You!!! (by a celebrity guest blogger) « How Brother Utoy Failed Salvation History on April 19, 2009 at 12:28 am
[...] HALLOWEEN SPECIAL BY GLESY THE GREAT (for Azrael) 2. GLESY THE GREAT’S OWN VERSION: THE STORY OF NATIVITY (for Heleyna) 3. [...]