Patay kang matanda ka
Huli kong nakita si Aila noong Pebrero pa ngayong tao na ito. Baby na baby pa ang pinsesa ko nun! Wala pang kamuwang-muwang sa paligid nya dahil almost 6 months pa lang sya noon. Puro tawa at bungisngis lang ang makikita mo sa mukha dahil hindi pa naman marunong makipag-usap.
Ang huli kong naaalala sa pagkaganda-gandang anak kong ito, eh yung pagkagising ko sa umaga, sinasabayan din nya ako. Ewan ko ba bakit ganun, basta lagi kaming halos magkasabay gumising at naging routine na naming mag-ama na salisihan naman kami sa paggambala sa pagtulog ng reyna, dahil late magising si misis azrael. Nandyan yung hampasin ni Aila sa mukha ang mommy nya, o kaya naman dakmain yung dibdib ni misis para manggising. Ako naman, syempre hindi ko naman kayang hampasin ang mukha ni Misis Azrael, kaya hanggang dakma na lang ako sa mga parteng hindi dapat dinadakma
Eto si Aila noon (click for a bigger picture)
Nakasimangot ang prinsesa dahil alam nya na paalis na ako ng araw na yan. Sya nga pala, ako yung may karga kay Aila pero hindi na ako humarap sa camera kahit na pagod na pagod na si misis azrael kasisigaw ng ‘cheese’ dahil sa totoo lang, lalong sumingkit ang mata ko noon sa kaiiyak.
Matapos ang kulang-kulang na isang taon sa pagtatrabaho dito sa ibang bansa, uuwi na naman ako para magbakasyon. Makakasama ko na naman si misis azrael at si Aila.
Mag-aadjust na naman ako dahil sa sobrang tagal naming nagkahiwalay, ang dami ng pagbabago.
Malaki na si Aila ngayon. 1 yr and 5 mos na sya sa disyembre. Lumaki si Aila na hindi ako nakagisnan, at yan ang isang matinding challenge para sa akin ngayon.
Paano kami magsasamang mag-ama sa mahigit na isang buwan na ilalagi ko sa pinas?
Hindi maalis ang kaba. Kabado ako dahil baka matakot si Aila sa akin sa unang kita nya. Syempre, maninibago yun. Malamang kung magakakapagsalita yun, sasabihin nya, “sino kaya tong gwapong mama nato na laging nakatitig sa akin at kapag nalingat naman ako ng tingin, eh kung saan saang parte ng katawan hinihipuan ang mommy ko?”
At iba na si Aila ngayon. Hindi na sya yung pangiti-ngiti lang pag kinakausap ng tao. Dumalaldal na ang anak ko. Marunong ng makipagsigawan at makipagtalo sa mga kaharap nya kapag hindi nya nakuha ang kanyang gusto. Naglalakad na. Hindi lang pala lakad, tumatakbo na at delikado ng iwan kahit sandali lang dahil nanghahabol ng tao ang prinsesa kapag hindi nya trip. Namumulot ng bato at pinupukpok ito sa ulo nga mga kaaway nya. Ilang bata na sa lugar nina misis ang umuwing luhaan at nagsusumbong sa kanilang mga magulang dahil naging biktima sila ng kakulitan at kasigaan ng anak ko bwahahahaha!
Kung datirati, magkakasundo kayo ni Aila na naglalaro lang sa bahay, ngayon hindi na. Gusto nun laging nasa galaan. Ayaw sa basta-basta park o playground. Ayaw sa bakuran ng mga biyenan ko. Gusto sa mall! Market Market, Boni High St, Greenbelt, Glorietta at kung saan saan pa. At ang prinsesa, sya na mismo namimili ng isusuot nya. Pag nagpunta sa toys section ng department store, sya ang namimili ng gusto nya at pag hindi mo binigay, hindi naman sa iiyak o magwawala yun, pero hindi ka kikibuin. Kapag tinanong mo kung bakit hindi sya namamansin, sasabihin lang nun, “yoko! galit!”
Eto si Aila ngayon (again, click for bigger pictures)
O di ba ang laki na ng anak ko?! At ang ganda di ba???
Sya ang namili ng shades na yan. I guess, nakuha sa ama dahil mahilig ako sa ganyan. Yung damit nyang orange, sya din ang namili nyan. In fact, pati pambahay nya sya ang namimili kung ano ang isusuot nya. Pag alam nyang lalabas sya at makikipaglaro sa ibang bata, ang gusto nya isuot pants or pajama. Pag tinanong mo kung bakit, sasagot yun, “baka dapa!” (baka raw sya madapa)
Pag sa damuhan para yang kiti-kiti sa kalikutan. Palibhasa alam nyang malambot ang babagsakan nya in case na matumba sya. Pero pag sa semento, hindi yan maglakad ng walang nakahawak sa kamay nya. Minsan sinabihan si Aila ng tita nya, “Aila, walk ka na, kaya mo naman na eh!” Sumagot si Aila, “ayaw! takot!”
Aaaw Teh Cuteness! bwahahahaha!
Iba pang karagdagang impormasyon kay Aila ngayon:
1. Gusto nya lagi may pasalubong mommy nya pag-uwi ng bahay. Favorite nya congee ng Hapchan.
2. May isang siga dun sa lugar nina misis azrael. Kinakatakutan ng lahat ng bata. Pero pag dumadaan yun, dinidilaan ni Aila at minsan kapag minamalas malas at may hawak si Aila, pinanghahampas nya yun dun sa mama.
3. Aila knows my name, and where I’m at. Kapag tinanong mo yun kung sino dada nya, sasagot yun “Robin!”. Pag tinanong mo kung nasan si dada, sasabihin nun, “Oman!”
4. Walang hilig si Aila sa dolls. Gusto nya books and learning toys. Mahilig din sya mag-drawing at ang katunayan nyan, lahat ng bedsheet nya tadtad ng drawings gamit pentel pen. Yung haligi sa kwarto nagmukhang graffiti wall!
5. Pag tinanong mo kung ano ang favorite nya sa jollibee, sasagot yun, “fench fies!”. Hindi naman nya alam kung ano ang french fries at hindi sya pinapakain nun. Narinig nya lang yan sa mga batang nag-uusap sa labasan.
6. Sinasabayan ni Aila ang mommy nya sa mga ritwal na ginagawa lang ng babae sa umaga at sa gabi. Pag umaga, habang nagme-make up si misis, si Aila nagpupulbos.. Sa gabi, habang nagtatanggal ng make up si misis, si Aila may hawak na bulak at pinapahid sa mukha nya.
7. Nakakatulog si Aila ng mahimbing pag may background music na Classical, Jazz, Downtempo o kaya Chillout.. Watta!
8. Marunong sya magbukas at magpatay ng TV gamit ang remote. At alam nya ang button para sa kanyang favorite channel, ‘Discovery Channel’. Ayaw nya ng teleserye, nanggugulo yun pag lahat ng tao busy sa panonood at 99 percent si Aila ang nananalo bwahahaha!
9. May tinutukso na isang batang lalaki kay Aila sa lugar nina misis. Sinasabi nila, “Aila dyan na boypren mo!” Sumasagot si Aila, “ayaw! galit dada!”
10. Mabait na baby si Aila. Naisasama ni misis azrael sa sunday mass. Yun nga lang pag nagkakantahan na, imposibleng hindi magtinginan kay Aila dahil nakikisabay sa pagkanta ang prinsesa sa kanyang pinakamatinis na boses at lagi yung sumisigaw ng “amen! amen!”, kahit na hindi naman kinakailangan ito.
Saan kayo nakakita ng 1 yr and 4 mos na bata na ganyan umasta??
Yan ang problema ko ngayon..
Magbabakasyon akong muli sa pinas para makapagpahinga naman dahil pagod na rin ako sa kata-trabaho dito. Gusto kong maghapon lang nakahilata sa kama at nagpapagulong-gulong dun, habang nakikipag-batuhan ng unan sa asawa at anak ko. Gusto kong matulog at gumising kung kailan ko gusto.
Paano ako makakapagpahinga kung ganyan kakulit ang anak ko waaaaaaaaaaaaaaaah!
Patay akong matanda ako.
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!








38 comments
timi
on
November 17, 2008 at
3:03 pm
Ang bibo naman ng anak mo…at halatang proud daddy kaw! Mukha ngang mapapasubo ka sa kalikutan ng anak mo…Inom ka marami vitamins…
timis last blog post..My other blog
Reply
A Z R A E L
reply on November 17th, 2008 8:57 pm:
dedo ako neto sigurado. pero ok lang. pag hindi ko nakayanan, ipaaalaga ko sa iba!
Reply
ayreen elque
on
November 17, 2008 at
3:03 pm
waaaahhh..ang laki na ni aila. patay ka talaga! at patay ang wallet! ahah! ok lng yan, they are the reason why ur working naman! enjoy sa bakasyon!
Reply
A Z R A E L
reply on November 17th, 2008 8:58 pm:
tama! hindi naman ako nagrereklamo eh.. medyo lang bwahahaha! at isa pa, hindi ko ipagpapalit ang isang araw na kakulitan ng anak ko sa kahit na ano pa mang bagay sa mundo. priceless yun!
Reply
Lhay
on
November 17, 2008 at
4:24 pm
Reply
A Z R A E L
reply on November 17th, 2008 9:00 pm:
mayaman ur face! pag-uwi ko ng pinas, may naiisip na akong strategy para baguhin ang lifestyle ng anak ko.
araw araw ko syang yayayain sa talipapa! ok na yun!
Reply
a.r.d.y.e.y.
on
November 17, 2008 at
7:40 pm
lahat nang pagod mo ay mapapawi sa ngiti at halik ni aila at misis azrael.
a.r.d.y.e.y.s last blog post..please release it, let it go
Reply
A Z R A E L
reply on November 17th, 2008 9:00 pm:
oo nga pre. malapit na hehe
Reply
glesy the great
on
November 17, 2008 at
7:57 pm
ehehe.. walang duda proud dada si kuya az…. aba aba aba balak ding maging DJ… kaya ganyan na siya ngayon kasi papalapit na siya sa terrible two’s… tingnan natin kuya az kung pano ka magiging dada sa batang puro “no” at “ayaw ko” ang laging isasagot sa’yo…. cheers;p
malamang nagcocount down na pamilya mo ngayon….
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
A Z R A E L
reply on November 17th, 2008 9:02 pm:
handang handa na sila sa pag-uwi ko. at may sked na silang ginawa para sa mga pupuntahan namin na sa pakiwari ko, eh sila lang naman ang mag-eenjoy
pero syempre, excited na rin ako. gusto ko ng kulitin ang anak ko at magkasubukan kami kung sino ang tunay na siga sa pamilya! bwahaha!
Reply
potsquared
on
November 18, 2008 at
5:18 am
napakaswerte mo naman az at napaka ganda at bibo ng anak mo.. napaka swerte rin ni aila for having a proud father like you… masaya ang magiging bakasyon mo.. yun nga lang sulitin mo kasi kapag babalik ka na sa Oman.. mamimiss mo uli si aila ng sobra sobra…
potsquareds last blog post..Wi-Fi..
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:45 am:
oo nga pot. pero ayoko muna isipan yan. at kung sakali man hindi ko tlaga kayanin, di nako babalik dito at mag-aalaga na lang ako ng anak bwahahaha!
Reply
siangelnawalangpakpak
on
November 18, 2008 at
10:28 am
hayyy… ang cute naman ng anak mo! i’m sure miss na miss ka na rin niya. sa edad niyang yan, i’m sure ang saya-saya talaga niyan sila pag kasama.
kung teenager na kaya siya at tinutukso tungkol sa mga lalaking gustong maging boypren niya, magsasabi pa kaya siya ng “galit! dada!”?
ehehehe… panic mode ang daddy.
siangelnawalangpakpaks last blog post..Mr. X
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:47 am:
ngayon pa nga lang panic mode na eh. ayokong isipin muna ang boypre boypren na yan dahil nagpapakabait na ako at nangakong hindi mambubugbog ng mga manliligaw.. pipitikin ko lang sila sa ilong
Reply
mrs azrael
on
November 18, 2008 at
11:00 am
my lab may nakalimutan ka, dapat sinama mo rin yun pag nasa grocery si aila ng tita nya na super smile sha with matching make face pa sa lahat ng customers kya halos lahat ng customers gusto sha kurutin sa pisngi super friendly kasi hay manang mana talaga sa akin ang anak natin napaka sweet at lovable at maganda pa heheheh
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:49 am:
aba, ang maganda kong asawa napadpad
honga no! nakalimutan ko yun ah! meron pa pala.. si aila di sumasakay ng sasakyan pag di nakasuot shades nya nyahahaha!
Reply
katcarneo
on
November 18, 2008 at
12:03 pm
Natutuwa naman ako sayo kasi kahit malayo ka talagang inaalam mo ang kalilit-liitang detalye bout Aila–Good daddy!
At astig si Aila, Discovery Channel ang pinapanood, at mahilig sa books at learning toys. Mabuti yan, yan din ang mga trip ko nung bata ako.
I’m sure kahit na mapagod ka sa kakahabol kay Aila, you’ll enjoy every minute of it.
katcarneos last blog post..Dinner with Vince
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:52 am:
may posibilidad pala na lumaki si aila na tulad mo teacher kat!
actually, baby pa lang si aila napansin na namin yan. keen sya sa mga bagay na hindi normal na pinagkakainteresan ng mga babies na ka-age nya. at isang bagay na rin siguro kaya sya naging ganyan dahil nung nasa tyan pa lang sya ng mommy nya, gabi gabi nakapatong sa tyan ni misis yung mini-speakers na classical music ang lumalabas na tugtog.
Reply
libay
on
November 18, 2008 at
12:27 pm
wow si Dora! … ang bilis ng panahon ang laki na niya… sana makita ko din siya
and sensya na idol tag lang po…
http://wouldificould.wordpress.com/2008/11/18/award-daw/
libays last blog post..Award daw!
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:53 am:
may utang akong tag sayo libs!
anyway, uuwi ka naman dec eh. pag may time at pwede si aila bakit hindi? pati si misis azrael hahatakin ko syempre para ma-meet mo din hehe
Reply
sommer
on
November 18, 2008 at
1:31 pm
wow! ang bilis talaga ng panahon noh? ang laki na ni aila…syet..malapit ng magboyfriend yan!!!bwahahahah!!!
…sa 3rd pix di na kaw kamukha nya..si misis na.=)
..bakit di sya pinapakian ng fench fries?
..yang ganyan age nakakwindang isabay maligo..dami tanong! try mo.hehehe!
sommers last blog post..dirty sanchez et.al.
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:55 am:
boypen mo muka mo! hindi pwede!
pero teka, kaya sya hindi pinapakain ng french fries dahil mamantika yun. ayoko. tama na sa kanya steamed veggies at fresh fruits.
at sa 3rd pic, nag make faces lang yan kaya kamukha ng mommy nya!
Reply
echo
on
November 18, 2008 at
1:47 pm
I’m sure ser sulit ang bakasyon mo, isang gabi lang siguro at aaamo na naman sa iyo si baby. Ayos ang anak mo ser, ang daling i-train, at logical ang preference!
echos last blog post..Happy Birthday Mama RL!
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:57 am:
sana ng echo. sana totoo yung tinatawag na “lukso ng dugo” (tama ba yun?)
magkakaalaman sa disyembre 5 hehe. salamat sa pagbisita. at nakita ko nga pala multiply site mo. cute baby! at regards sa iyong pamilya!
Reply
kengkay
on
November 18, 2008 at
2:08 pm
patay kang matanda ka talaga, hahaha. sigurado kong magigi kang alipin ng iyong prinsesa sa mga araw na andun ka sa pinas, pero am sure, e ready ka rin!
kengkays last blog post..panalo ang tabo
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:58 am:
hindi ako ready kengkay huhuhuhu. ngayon pa lang na-warningan ako ng lahat, tlagang makulet daw anak ko, at walang kitatatakutan! patay ako neto!
Reply
mj
on
November 18, 2008 at
8:44 pm
PROUD DADA!!!
Kuya don’t worry kaya mu yan ikaw pa?
hehehe..be good lang baka mabatukan ka ni Aila..nyahahha
Keep it up Kuya…sana magkaroon na din ako next year..
or 2010 ok na un…
Godbless po sa FAMILY nyu…
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:59 am:
pano ka magkakaron eh matignan ka lang ni joven, nagtatalukbong ka na.
Reply
abhie
on
November 19, 2008 at
9:17 am
infairness… pretty ang princess mo huh!
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 8:59 am:
oo naman. mana saken eh!
Reply
vhincent
on
November 19, 2008 at
10:43 am
long way to go kme 2months p lang ang baby chizmosa namin pero malamang kasing bibo din ng baby mo paglaki nya ;)
cherish every minute pag-uwi dapat walang minuto ang masayang …
bakit nga pla hinde sila ang magbisita sayo minsan dyan sa oman para medyo dumalas ang inyong bonding?
vhincents last blog post..Slight Changes at chizmosa lounge
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 9:02 am:
hala! meron na rin pala kayo?? congrats!
hindi sila uubra dito. unang una ayaw nila sa mainit. pangalawa, hindi maiiwan ni misis azrael ang trabaho nya sa pinas. pangatlo, mas gusto kong lumaki si aila sa atin na nagagabayan ng iba pang kamag-anak nya.
pero baka sa isang taon magbakasyon sila dito kahit isang buwan lang. itataon ko na malamig ang panahon para naman hindi magreklamo yung dalawa
Reply
Helena
on
November 19, 2008 at
8:37 pm
Ang cute cute naman ni babay Aila. Naaalala ko tuloy mga pangalan naming magkakapatid “Ai” lahat nagsisimula. Yung bunso nga namin baby pa sya nung umalis ang papa ko. Pagkarating nya, ayaw lumapit sa kanya. Ang teknik namin eh iniwan namin silang dalawa sa bahay. Nagtatago lang ang kapatid ko sa isang sulok.
Paguwi namin ayun nagyayakapan na ang dalawa at ayaw ng maghiwalay.
Sana maging masaya at mainit ang mga gabi este ang bonding moments ninyong tatlo.
Helenas last blog post..The Annihilation of my OS
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 9:05 am:
magandang teknika yan ah. pero sadyang makulit daw tlaga anak ko. baka pag naiwan kaming dalawa sa kwarto, mag-away lang kami at mabato lang ako nun ng kung ano ano
pero may isa akong naisip na epektibong paraan.. habang nasa opisina mommy nya, dadalhin ko sya sa mall at dun ko gagamitan ng strategy!!!
kaya lang, malaki ang chance na ako ang ma-stategize ng prinsesa at maubos laman ng wallet ko katuturo nya bwahahaha!
Reply
issey
on
November 20, 2008 at
11:41 am
eh pano kapag humingi na ng kapatid? masusunod ba anag kahilingan ni princess Aila?
Reply
A Z R A E L
reply on November 24th, 2008 9:22 pm:
oo naman!
Reply
mumu
on
November 24, 2008 at
10:24 am
aww hanswet! ngayun ko lang to nakita.. ang cute talaga ni aiza, este aila
yung bunso kong kapatid kuya az ndi rin nakagisnan tatay namen kaya nung dumating galing taiwan ayaw lumapit, pero ilang araw lang yun kaya im sure mageenjoy ka sa bakasyon mo
happy trip!
mumus last blog post..I Blog for a Reason
Reply
A Z R A E L
reply on November 24th, 2008 9:24 pm:
binigyan ko si aila ng isang linggo para maging malapit sa akin.. pag ayaw nya, pwes…
ie-extend ko ng isang linggo pa bwahahaha!
Reply