Rosas: by Timi
Note from AZRAEL: Isang submitted entry na naman para sa “INVITATION” gimik. May mahigit isang linggo ko nga itinatago ang ‘piece’ na ito. Sa tuwing nababasa ko, namamangha pa rin ako sa estilo ng isang kaibigang blogger na hindi ko inaakalang ganito ka-astig magsulat. Dalawa ang kanyang nai-submit na entries para sa pakulo kong ito (na hanggang ngayon eh hindi pa rin ako sigurado kung itutuloy), pero napagdesisyunan ko na ito muna ang unahin.
Short, at swak na swak lalo na ngayong lahat ng kilala ko ay halos nasa ‘emong’ mode bwahahaha! Pero teka, this is not an emo post mind you.. May pagka.. uhmmm.. pagka.. errr! Basahin nyo na nga lang!
A very nice entry from a blogger friend from Kuwait.
Let’s give it up for, TIMI of CRIMSON HEAVENS.
——————————————————-
Rosas…
Tatlong puti at tatlong pula. Di ka na nagbago. Mahal mo pa rin ako.
Nakakatuwa nga eh, simula kasi ng naging tayo, tuwing anniversary natin, di mo nakakalimutang bigyan ako ng bulaklak. Naalala mo ba nung na-late kang dumating dun sa anniversary dinner natin? Tampo nga ako nung una eh, pero nung nalaman ko na na-late ka sa paghagilap ng bulaklak para sakin, nawala agad ang tampo ko.
At tulad ng dati, nagsimula ka na magkwento. Ang daldal mo talaga, pero okay lang, nakakaaliw ka naman talaga pakinggan. Ang dami mo pang jokes. Pati nga si daddy na over-protective nabilog mo ang ulo dahil dyan sa pagka-mabiro mo. Si mommy naman, pag pinupuri mo ang luto nya, ay sus! daig pa ang teenager kung magblush. Lahat ng kamag-anak ko, gustong-gusto ka, inggit nga mga pinsan ko sa’kin eh. Ako naman, proud na proud at ikaw ang naging boyfriend ko.Sabi ko nga sa’yo eh, isa ka sa mga natitirang matinong lalaki sa mundo. Lahat na kasi ata ng katangian ng hinahanap ng mga babae sa lalaki nasa iyo na. Swerte ko lang din siguro yun ano? Na mahalin ng isang taong tulad mo?
Naalala mo ba nung nag-aya ka pakasal? Sabi mo may ipapakita ka sa’kin, tapos dinala mo ako sa isang subdivision na malapit lang sa pinagtatrabahuan natin. Tapos nag-park ka dun sa harap nung isang bahay dun, two-storey house at may garahe, sabay sabing binili mo na yan kaya bawal humindi na pakasal sa iyo. Binatukan pa nga kita dahil akala ko nagbibiro ka. That is, until pinakita mo yung singsing.
Umuwi ka nga palang nag-iisa nung araw na yon. Pitong taon na nga pala ang nakalipas ano? Ang pagkakaiba lang siguro ngayon, minsan na lang kita makita ngumiti. Lagi ko nakikita ang lungkot dyan sa mga mata mo. Sa totoo lang, kasalanan ko naman talaga kung bakit ka nagkakaganyan. Pero kahit gano’n, ni minsan, di ako nakarinig ng sumbat galing sa’yo. Sorry talaga, dahil sa akin hindi ka na masaya. Minsan nga iniisip ko, kung pwede lang kita ipagtabuyan eh ginawa ko na.
Pero hanggang ngayon… mahal na mahal mo pa rin ako… Kaya nga nandito ka at bitbit mo pa rin yang mga yan di ba? Inakap kita at hinalikan…
Sayang… Hindi mo maramdaman.
Rosas…
Tatlong puti at tatlong pula sa tabi ng puntod ko.
Di ka pa rin nagbabago. Mahal mo pa rin ako.
——————————————————-
*sniff sniff………..
Langya, muntik nako maiyak dun ah!
Galing ni Timi di ba?
Thanks bespren Timi for this one!
Kung gusto nyong silipin si Timi, eto ang blog nya. Click image below!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


42 comments
issey
on
November 20, 2008 at
10:02 am
nakakaiyak naman… mas magaling sya…ehehehehehe
Reply
A Z R A E L
on
November 20, 2008 at
10:07 am
mas magaling si timi saken sa pagususulat?
oo naman!
at issey, kahit dito nang-aasar ka pa rin. gusto kitang kurutin sa singit
Reply
Written work on Azrael’s blog | Crimson Heavens on November 20, 2008 at 10:10 am
[...] been re-published quite a number of times already in the web. Anyway, you can read it here… http://azraelworld.com/2008/11/20/rosas-by-timi/ Thoughts, Written [...]
Jorge (Master Ooqay)
on
November 20, 2008 at
10:28 am
Wow! Kakaiyak nmn to. Parang biglang bumigat ung dibdib ko, huhuhu…
Jorge (Master Ooqay)s last blog post..Pagkain 101
Reply
timi
on
November 20, 2008 at
10:30 am
Sa totoo lang naman eh lahat ng written works ko eh may pagka-emo, mushy at malanggam na subject lang…
Wala akong ibang alam isulat.
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 10:33 am:
galing nga eh. namangha tlaga ako dito. akala ko ang ending yung tipong honeymoon at rawwwwwwwwwwwwwwwwr eh.. sementeryo scene pala
Reply
issey
reply on November 20th, 2008 11:55 am:
ang utak natin magkapareho kala ko erotika ang dulo neto…
at oo nga pala wag mo ko sa singit kurutin may kiliti ako dun eh…nyahahahahahaha
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 12:00 pm:
isa lang ang ibig sabihin nyan:
pareho kayong mas malaki ang imahinasyon kesa sa akin!
(di ko naisip na danun pala ang dating ng kwento sa nagbabasa nyan…)
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
potsquared
on
November 20, 2008 at
12:19 pm
ang galing… napakahusay ng pagkakakwento… pwede bang i matrix ang utak mo timi sa utak ko.. para matutunan ko ang talentong ganyan.. napakahusay… more! more!
potsquareds last blog post..Wi-Fi..
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 12:46 pm:
Salamat Potporotpotpot…I-matrix ba daw…
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 2:15 pm:
isali natin sa grupo si timi! ano pot?
Reply
calibre
on
November 20, 2008 at
2:08 pm
san mo ba hinihugot ung lalim ng pagsusulat mo? ng mahugot ko rin!
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 2:14 pm:
sa pagkalalim-lalim na balon ng EMOLAND ata pre
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 2:52 pm:
EMOLAND….Hmmm…siguro nga…Mapaglaro (at ma-drama) lang siguro ang isip ko..
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
ayreen elque
on
November 20, 2008 at
3:05 pm
oh shet! ano kinamatay?
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 3:18 pm:
hulaan mo ayreen :)…
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
ayreen elque
reply on November 20th, 2008 3:29 pm:
hmmm…siguro pag amoy nya ng rosas, napa-aching cya! tumama ang noo sa manibela ng koche at nagkainternal bleeding ang utak. patay! tama ba??!!
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 3:39 pm:
Mapaglaro din pala ang imahinasyon mo ayreen!
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
ayreen elque
reply on November 20th, 2008 4:37 pm:
hindi totoo yan. nililinlang ka lang ng iyong paningin
Reply
A Z R A E L
on
November 20, 2008 at
3:32 pm
*kuha popcorn at sopdrinks… nood ng susunod na mangyayari..*
Reply
mei
on
November 20, 2008 at
4:39 pm
grabe.. ang longkot naman nun.. ahihihi.. nice one timi
makikiraan rin pala kay azrael.. *waves*
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 6:23 pm:
Hi mei! salamat at nadaan kaw!
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
Maldito
on
November 20, 2008 at
5:25 pm
the post is so cool!!!so cool i wanna die nao!ahaha..joke..
congrats kay timi..kahit indi tayu close..aehhe
Malditos last blog post..Gluttony and the Lemur
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 6:22 pm:
salamat malditos…
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
libay
on
November 20, 2008 at
6:20 pm
*singhot* dapat inde ako maging emo… si timi kasi tsk.
libays last blog post..Award daw!
Reply
timi
reply on November 20th, 2008 6:23 pm:
At ako pa daw sisihin!
Hmm…sensya na di ako marunong magsulat ng comedy eh…
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
mumusakanto
on
November 20, 2008 at
7:44 pm
aba tekaaaaa! ok to ah! bravo timi!
mumusakantos last blog post..Quite a Second Life
Reply
timi
reply on November 21st, 2008 11:34 am:
Alu mumu! Buti naman at nagustuhan mo..
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
glesy the great
on
November 20, 2008 at
8:10 pm
grabe magaling.. sobra three thumbs up!!! katats!!! cheers timi…. ;p
pakipost nung isa pang pinasang entry!!!! kuya az I demand!!!! ahehehe.. cheers ulet at isa pang cheers;p
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
timi
reply on November 21st, 2008 11:35 am:
bisita ka na lang sa bahay ko meron pa ako mga tatlo o apat dun…pati na rin yung binigay ko kay bespren.
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
Lhay
on
November 20, 2008 at
8:28 pm
nakananaman ni timi yap, kagaleng namang emo entry yan,, isa pa isa pa isa pa!!!!
Reply
timi
reply on November 21st, 2008 11:36 am:
Timi yap ha!
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
siangelnawalangpakpak
on
November 21, 2008 at
9:52 am
akala ko nung una, si gelpren ang mamamatay. si boypren pala.
nice. Emo.
siangelnawalangpakpaks last blog post..Mahirap Maging Babae
Reply
timi
reply on November 21st, 2008 11:36 am:
Err…yung boypren ba? Akala ko rin yung gerlpren eh :).
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
Angel
on
November 21, 2008 at
10:17 am
aacckkk nakakaiyak
grabe naman.. sayang
Reply
timi
reply on November 21st, 2008 11:37 am:
Wak po kayo umiyak…dahil pag umiyak kayong lahat iiyak din ako…Magiiyakan tayong lahat nyan…
timis last blog post..Written work on Azrael’s blog
Reply
mayui
on
November 22, 2008 at
4:19 pm
wah!! ang ganda-ganda! galing-galing ng plot!
mayuis last blog post..Lemonade Award *daw*
Reply
timi
reply on November 24th, 2008 11:29 am:
salamat mayui-chan…am glad nag enjoy ka sa pagbasa…
Reply
rhap
on
November 24, 2008 at
8:57 am
galing galing tlga ni timi sistah!!!
Reply
timi
reply on November 24th, 2008 11:30 am:
oi san ka nagtago at ngayon ka lang sumulpot wahahaha…salamat rhappie
timis last blog post..The “situation” update…
Reply
Helena
on
November 28, 2008 at
12:17 am
Sad endings can be beautiful sometimes. Nagtaasan nga mga balahibo ko.
Miss Timi, baka mapagisipan mo gumawa ng nobela either english or tagalog someday. May fan ka na…AKO! AKO!
(pag mala-porno kay Sir Az kasi ko..nyahaha)
Helenas last blog post..Oyayi
Reply
timi
reply on November 28th, 2008 8:11 pm:
salamat miss helena…meron akong pangarap pero talagang ala akong confidence..
timis last blog post..One Rainy Day (An Old Work)
Reply