Shuttered 012: Madumi
Ito ang aking lumang printer. Isang HP Deskjet 845c. Galing sa opisina at itatapon na sana pero naisipan kong iuwi ng bahay at baka sakaling mapakinabangan pa. Binalak na noon ay linisin, ngunit dahil sa katamaran, hindi ko na nagawa pa ito.
Naglinis ako ng bahay kanina dahil malapit na akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon at napagtuunan ko ng pansin ang lumang printer na ito. Naisipan kong ikahon na lang para maiuwi sa pinas, at maipamigay sa mas higit na nangangailangan.
At dahil ipamimigay ko na rin naman sya, bakit ko pa lilinisin? Yamong ang bagong may-ari ang syang maglinis nyan. Gusto kong makita nya ang alikabok na “imported”. Ibibigay ko na nga sa kanya, ako pa ang maglilinis? Ano siya hilo?
This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD
Possibly Related Posts:
- Shuttered 013: Puso
- Shuttered 011: Liwanag
- Shuttered 010: Bago?
- Shuttered 009: Old Friend
- Shuttered World
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!



7 comments
Jorge (Master Ooqay)
on
November 20, 2008 at
4:52 am
Naku, nakarelate ako dyan ah, ung brother in law ko binigyan ako ng ganyang printer galing singapore, luma na din pero wala nmng alikabok, hehehe..
Eh ang tanong, gumagana pa ba yan? toinks!
Jorge (Master Ooqay)s last blog post..Pagkain 101
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 10:23 am:
gumagana pa! matikas na matikas pa!
Reply
glesy the great
on
November 20, 2008 at
5:53 am
ahahaha.. kuya az gusto mo ba talagang ibigay o hindi?
ako rin.. pwede ng pagtaniman ng kangkong sa sobrang kapal ng alikabok ng printer namin (di kasi nagagamit eh)!!!
honga-honga may libre na ngang printer aangal pa ba kung di pa nalilinis? cheers;p
glesy the greats last blog post..I came, I saw, I posted- Glesy the Great
Reply
A Z R A E L
reply on November 20th, 2008 10:24 am:
gusto ko ng ipamigay. magastos sa ink eh dahil alam mo naman mga lumang modelo ng printer mahal ang ink di ba?
tsaka matibay tong model nato! kung wala nga lang akong bagong printer hindi ko naman ipamimigay to eh
Reply
Taroogs
on
November 22, 2008 at
12:03 am
maigi ang ganyan, pareng az, hangga’t mapapakinabangan pa ang isang bagay ay huwag natin itong basta-bastang itapon. sabi nga ng ilan dyan sa tabi-tabi…”let us strive to lessen our carbon footprint ion the earth” happy homecoming! :-)
Taroogss last blog post..Award na hindi naman “award-award”
Reply
A Z R A E L
reply on November 23rd, 2008 3:37 pm:
korek pareng taroogs. at ako din naman kase ang klase ng tao na hindi nagtatapon ng pwedeng pakinabangan pa hehe
Reply
Jules
on
November 25, 2008 at
5:35 am
aba, ganyan dati yung printer sa ofis namin pero naka-garahe na kase minsang nag-leak ang ink di na naremedyuhan pa kaya pinalitan na ng bago.
Juless last blog post..Loboc River Cruise
Reply