Archive for February, 2009

Groggy pa ako. Sa dami ng gamot na ininom ko kanina at sa tindi ng injection na painkiller para sa aking recurring problem dahil sa mataas na uric acid levels, umiikot pa ang paningin ko. 0_0

Hindi makalakad. Nahihirapan tumayo. Masakit ang kasukasuan. Emo. :argh:

Pero dahil importante ang araw na ito para sa isang mabait na tao at mahilig magsimba na kristiyano na tulad ko..

Walang sakit sakit ng paa!

Hindi dahilan yan para maging sagabal sa aking obligasyon. Mamaya, aalis ako ng bahay para… Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (16)

img_8442

Pebrero. Buwan ng mga puso. Panahon ng pagmamahalan..

Kailangan ko pa bang ipaliwanag ang ibig sabihin ng litratong ito?

Singsing + Pangalan ni misis + Anino ng puso = PAG-IBIG

Awww… nilalanggam ako.

This entry also seen @ shuttered-world

Possibly Related Posts:


Comments (15)

Mahirap din ang buhay may-asawa. Hindi sa lahat ng oras nagkakasundo ang isang lalaki at isang babae pagdating sa mga desisyon at diskarte na kinakailangang gawin para malampasan ang kung ano mang problema na dumarating sa buhay ng pamilya. Sino ba ang ayaw na malusutan ang bawat balakid? Sino ang ayaw na malampasan ang pagsubok?

Sa tinagal-tagal na naming mag-asawa ni Misis Azrael, taas noo kong sasabihin na wala pang matinding problema sa buhay namin na hindi namin nahanapan ng solusyon. Nahihirapan kami kapag nagkaka-aberya sa aming mga pangarap oo, pero dahil nga sa ang lahat ng ito ay pinag-uusapan namin ng maayos, nalalampasan namin ang lahat ng yan na may ngiti sa aming mga mukha.

Alam namin ang capabilities at weaknesses ng isa’t isa kaya sa mga pagkakataong may mabigat kaming hinaharap, kung sino ang mas madiskarte at kung sino ang mas maabilidad, sya ang nagte-take charge at sya ang nasusunod.

Sa madaling salita, sa tuwing may decision making..

AKO LAGI ANG BOSS. :lol:

Pag sinabi ko, oo lang ng oo yun! Nakangiti lang at may kasama pang himas sa aking batok at halik sa likod ng aking tenga. Pag sinabi kong gawin mo to, gawin mo yun, talo pa ni Misis Azrael si energizer bunny sa sipag at bilis ng pagkilos.

Kaso mo, nababasa nya ang blog ko at kapag nag-away kami sa mga pinagsasasabi kong kasinungalingan katotohanan ngayon at bigla kong binura ang blog na ito, at bigla akong naglaho sa mundo ng internet, wag nyo sanang isipin na inutusan nya ako at sya ang nasunod at natakot ako sa kanya ha?? :lol:

Seryoso na…

Hindi sa lahat ng pagkakataon, ako ang boss. May mga oras din syempre na dumidiskarte si misis at nagdedesisyon ng mga bagay bagay na hindi na kailangan pang i-konsulta sa akin.

Tama lang yan. Ganyan ang dapat sa mag-asawa. Nagbibigayan. Nagrerespetuhan. Nagtatapikan ng balikat kapag may isang bagay na nagawa na hindi na kinakailangan ang tulong pa ng isa.

Sa mga oras na ito, gusto kong tapikin ang balikat ni misis at halikan sya sa noo. Gusto kong sabihin sa kanya, na bagamat hindi ako ang nagdesisyon sa isang bagay na ginawa nya ngayon, bilib pa rin ako sa kanya dahil nagpakita sya ng tapang upang harapin ang pagsubok.

Hindi madali para kay Misis Azrael ang ginawa nyang ito. Alam kong mabigat ang loob nya. Alam kong nasasaktan sya kapag naiisip nya ang aming bonding moments at quality time na iniukol sa isa’t isa na syempre kasama ang aming prinsesa na si Aila.

Sino ang hindi malulungkot kapag naisip na.. noong nakaraang buwan lang, masaya kaming nagsasama-samang tatlo.

Pero ngayon, kami ay magkakalayo na. :worry:

Naiwan si Aila sa kanyang lolo’t lola. Naiwan akong malungkot na nag-iisip at may mga tanong sa isipan na alam kong sya lang ang makakasagot.

Kailangan nyang gawin ‘yon.

Kailangan nyang mangibang bayan.

Kailangan nyang humiwalay at lumayo…

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (9)

Sa sobrang tagal ng bakasyon ko at sobrang tagal kong hindi nakapag-blog, kinakalawang na ako punyemas. Hindi ko alam kung saan magsisimula, at kung ano ang tema ng susunod ko na entry.

Nagbakasyon ako sa pinas bago mag-pasko. Nanahimik ng matagal at lumipas pati ang bagong taon, wala rin akong nailagay sa blog.. Ang galing di ba???

So pano, dun na lang ako magsisimula? Babatiin ko na lang kayong lahat ng “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!”

Ok tulog nako. Bye!

:lol:

Pero seryoso.. Isang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh tinatamad pa rin akong mag-blog, eh dahil sa sobrang saya at sobrang enjoy ang nakaraan kong bakasyon sa pinas.

Noon ko pa sinasabi, ang blogging ay past time ko lang. Isang bagay na pinagkakaabalahan at pilit kinakarir para mapawi ang lungkot na nararamdaman habang malayo sa pamilya.

At dahil sa may halos dalawang buwan ko rin nakasama ang pamilya ko sa pinas, natural lang na talikuran ko muna ang kung ano mang responsibibilidad na meron ako sa blog ko na ito.

Pero hindi naman nangangahulugan yan na nakalimutan ko na kayo, ang aking mga kaibigan sa blogosphere. Paminsan-minsan, naiisip ko rin kayo noon walang biro. Hinahanap hanap din ang kulitan, kantyawan at katarantaduhang walang humpay. Napalapit na rin ang loob ko sa ilan sa inyo at bilang patunay dyan, taos-puso kong inalay ang ang aking kamay at nag-alok ng isang tunay na pagkakaibigan. Nakipagkita pa nga ako sa ibang bloggers di ba? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (19)