Ang tagal ko ng walang blog entry. Ang totoo nyan, ayoko na talaga mag-blog. Wala na ako gana.

Sa mga ilang taong nakausap ko na at nakilala ang tunay kong pagkatao, na napagkwentuhan ng mga experiences at kung anu-ano pa.. Isa lang ang sinasabi nila..

“Az! Ang tindi! Ang dami ng pinagdaanan mo pala talaga! Masyadong makulay ang mundo mo!”

Oo, makulay talaga ang mundo ko. At sa mga nag-aakalang ang dahilan ng aking pananahimik ay ang kawalan ng mga kwento at mga pangyayari sa buhay ko na gusto kong ibahagi sa mga interesadong maki-usyoso, nagkakamali kayo.

Makulay pa rin ang mundo ko. Marami pa ring kaganapan sa aking buhay, na kung gugustuhin kong karirin, eh panalo na entry at pagkaka-interesan  pa rin ng mga masugid kong taga-basa.

Pero kahit pa ituring ko na mistulang pintura ang lahat ng pangyayari sa buhay ko ngayon, paghalu-haluin ko man ang mga ito, gamitan ng pinsel at ipinta sa isang canvas para lumikha ng isang obra-maestra, hindi pa rin maganda ang kalalabasan..

Dahil may kulang…

INSPIRAYSON.

Yan ang wala.

Isang taong magbibigay sa akin ng inspirasyon para mag-blog muli. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts: