Inspirasyon
Ang tagal ko ng walang blog entry. Ang totoo nyan, ayoko na talaga mag-blog. Wala na ako gana.
Sa mga ilang taong nakausap ko na at nakilala ang tunay kong pagkatao, na napagkwentuhan ng mga experiences at kung anu-ano pa.. Isa lang ang sinasabi nila..
“Az! Ang tindi! Ang dami ng pinagdaanan mo pala talaga! Masyadong makulay ang mundo mo!”
Oo, makulay talaga ang mundo ko. At sa mga nag-aakalang ang dahilan ng aking pananahimik ay ang kawalan ng mga kwento at mga pangyayari sa buhay ko na gusto kong ibahagi sa mga interesadong maki-usyoso, nagkakamali kayo.
Makulay pa rin ang mundo ko. Marami pa ring kaganapan sa aking buhay, na kung gugustuhin kong karirin, eh panalo na entry at pagkaka-interesan pa rin ng mga masugid kong taga-basa.
Pero kahit pa ituring ko na mistulang pintura ang lahat ng pangyayari sa buhay ko ngayon, paghalu-haluin ko man ang mga ito, gamitan ng pinsel at ipinta sa isang canvas para lumikha ng isang obra-maestra, hindi pa rin maganda ang kalalabasan..
Dahil may kulang…
INSPIRAYSON.
Yan ang wala.
Isang taong magbibigay sa akin ng inspirasyon para mag-blog muli.
Eeekkkkkkkk! Teka!!!!
Actually, meron pala.
Ang problema…
Ang taong nagbibigay saken ng inspirasyon ngayon para mag-blog, eh busy.
Busy sa trabaho at sa pag-aalaga ng aking pagkaganda-gandang anak.
At ang dami na ng sinabi ko at nagkaloko-loko na naman ang intro kaya mas maganda pang tapusin ko na ang entry na ito at dumerecho na lang sa bagay na dapat na kanina ko pa sinabi…
HAPPY BIRTHDAY MRS. AZRAEL!

Ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay mula pa lang ng simula. Kung hindi dahil sayo, hindi ako titigil ng kalalandi dito sa blog hanggang sa mahuli mo ulit ako, mapalo ulit ng kaldero sa batok, at hindi ako titino wala siguro akong wholesome na blog. Huhlols!
Salamat sa lahat ng bagay honeybee! I love you because I know you love me more teeheehee!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


26 comments
glesy the great
on
April 6, 2009 at
1:36 pm
Happy birthday mrs az…. kelangan pa daw ng hampas ng kaldero sa batok, yung mas malakas daw please… at kuya az, ano naman at ngayon ka lang? ahehe.. cheers;p-glesy the great
glesy the greats last blog post..Limit the unlimited
Reply
A Z R A E L
reply on April 7th, 2009 10:08 am:
wag mo ng gatungan! gumaling na nga sugat ko eh gusto mo pa ata madagdagan!
Reply
mumu
on
April 7, 2009 at
9:56 am
I love you because I know you love me more teeheehee!
bahahahaha! matinde toooo! happi bday Mrs. Az!God bless and regards kay aila
feeling close ako lolols
Reply
A Z R A E L
reply on April 7th, 2009 10:11 am:
may napansin ako mumu,, pareho pala maliit ang mata nyo ni misis azrael lolols
Reply
mayui
on
April 8, 2009 at
6:59 pm
panalo yung huling hirit! hahaha.
happy bday sa kanya.
mayuis last blog post..Late Update | Save the Trees!
Reply
potsquared
on
April 9, 2009 at
4:26 am
maligayang bati mo mrs. azrael… mabait mo kis kuya az.. kung natatandaan nyo po ako po yung nakausap nyo sa telepono.. sinasabi ko lang po para matandaan nyo ako.. hihihi yun lang po.. salamat po! *bow*
potsquareds last blog post..vlog…
Reply
A Z R A E L
reply on April 11th, 2009 6:01 pm:
bwahahahaha!
Reply
mrs azrael
reply on April 13th, 2009 12:10 pm:
hi potsquared oo na remember kita ikaw yung natatakot pang ipag paalam c az sa akin last dec. thank u sa bday greetings
Reply
timi
on
April 9, 2009 at
5:20 pm
Maligayang Bati. Mrs. Azrael at Congratulations sayo bespren Az…wak ka na pahuli ulet para lang saket bahahaha!
timis last blog post..25 Random Things About Me…Part III
Reply
iris
on
April 10, 2009 at
10:44 am
awww. kahit pala ganyan ka eh malambing kang asawa! harhar.
happy birthday kay misis!
iriss last blog post..At 28 months
Reply
A Z R A E L
reply on April 11th, 2009 6:03 pm:
o naman! yan nga ang dahilan kung baket may asawa nako dami pa rin humahabol saken di ba??? teka, pautang pala dahilan nun
Reply
joycee
on
April 10, 2009 at
9:09 pm
Hemberdei kay Misis Az! You’re both lucky to have each other, Godbless you!
*hugs&kisses*
~joycee
joycees last blog post..Guestblogger sa e-Bahay ni Kathy
Reply
A Z R A E L
reply on April 11th, 2009 6:03 pm:
salamat! at tama ang sinabi mo.. SHE’S SO LUCKY TO HAVE ME!
Reply
mylene
on
April 10, 2009 at
10:23 pm
ano’ng she loves u more??? im sure may palo ka n nman ng kaldero sa batok nyan
naks pretty eyes!
Reply
A Z R A E L
reply on April 11th, 2009 6:04 pm:
Reply
ethel28
on
April 11, 2009 at
2:49 pm
testing….
sana hindi phailed pagcomment ko dito..
nakabisita rin ako sa bahay mo, ulit! LOLS.
uyyy…makikipibertdei na rin ako kay missus az. pakabait ka na! LOLS.
Reply
A Z R A E L
reply on April 11th, 2009 6:04 pm:
matagal na akong mabait.. kayo lang ang salbahe! mga kampon ni satanas!
Reply
ethel
reply on May 2nd, 2009 4:28 pm:
kampon pala ha! *kinukuha ang latigo* wala gusto ko lang ng latigo ngayon. bwahahaha!
Reply
A Z R A E L
reply on May 2nd, 2009 4:38 pm:
patunayan mo ang sinabi mong yan ngayon din.. kailangan ko ng pruweba! dahil pag wala ikaw ang lalatiguhun ko!
Reply
ethel
reply on May 2nd, 2009 5:27 pm:
weh! yoko naman ng latigo mo. baka lang kako may tinik tinik pa yan. LOLS.
Reply
katcarneo
on
April 12, 2009 at
7:33 am
Wow, sweet! “I love you because I know you love me more,” hehe, parang ganyan din ako minsan.
Happy birthday to your wife, hello to your little cute angel. At saka hello din pala sayo. Hehe
katcarneos last blog post..Teacher Kat On A Mission
Reply
mrs azrael
on
April 13, 2009 at
12:14 pm
my lab thank you very much sa bday greetings mo
ikaw din at si aila ang inspirasyon ko sa buhay. I thank God for giving me a responsible, loving & thoughtful husband. Love u honeybee.
Reply
A Z R A E L
reply on April 13th, 2009 10:11 pm:
kitams.. sabi sayo, u love me more eh
Reply
Snow
on
April 18, 2009 at
9:19 pm
Totoo yan Azrael kapag walang inspirasyon kayhirap mag-blog…nawawalan ng passion to write..
Ganito na lang Kuya huwag mong piliting magsulat kung hindi talaga kaya at makikita mo mas magkakaroon ka ng zest mag-sulat. ^_^
Btw, happy bday po kay to mrs. azrael. ^_^
Reply
Schumey
on
April 21, 2009 at
5:38 pm
Heto na ko, muling nagbabalik. Pasensya ka na’t di ako nakakadalaw dito sa munti mong daigdig. Matagal din akong nagpagaling. Happy birthday kay misis.
Schumeys last blog post..AO 261
Reply
lambing
on
July 2, 2009 at
7:17 am
k. k. inspirasyon ba kamo??? dito ako papa az ahehe
tama yun dumadating talaga yan katam… at tama kelangan talaga ng inspirasyon… go go lang hahaha… minsan na nga lang ko madalaw dito hihi:)
im soooo late na .. pero belated hapi bday kay misis
hangsweet naman !
Reply