Seven Six O’ Nine
When I started blogging almost 3 years ago, it was all for the purpose of killing time and boredom.
Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang OFW na malayo sa pamilya, at nag-iisang nakikipagsapalaran sa isang bansang dayuhan para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga pansamantalang iniwan sa pinas.
Ang unang mararamdaman mo ay lungkot – Lalo na kapag nasanay ka na lagi mong kasama ang iyong asawa, laging ka-kuwentuhan ang mga magulang at kapatid, laging kasama sa gimik ang barkada.. Pagkalapag pa lang ng eroplano sa bansang pagtatrabahuhan mo, parang gusto mo ng sumakay ulit, at bumalik sa iyong pinanggalingan.
After a while, you learn to deal with the loneliness, the seclusion, the isolation, and learn to move forward. Kung sa mga unang gabi na nagso-solo ka sa kwarto mo, ga-balde ang luha na lumalabas sa mata mo, pagkatapos ng ilang buwan, ga-kaldero na lang.. Hanggang sa umabot sa puntong wala ka ng maiiyak dahil sagad na. Kumbaga dehydrated na ang mga mata mo
Unti-unting napapalitan ang lungkot ng saya.. Bakit kamo? Dahil sa gabing nag-iisip ka ng malalim habang may hawak na calculator, at nagko-compute at nagko-convert ng equivalent sa peso ng sinuweldo mo, mapapangiti ka na lang. Unti unting maisasakatuparan mo na ang plano mo sa buhay..
Mabigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya..
Makapagpundar ng bahay at ari-arian..
Ma-regaluhan ng ginto, alahas at kung anu-ano pang borloloy ang asawa mo..
Makabili ng sangkatutak na gadgets di mo naman gagamitin..
Makapag-painom ng trak trak na beer sa walang kwenta mong mga barkada..
Pero may kulang pa rin eh..
Aanhin mo ang lahat ng yan kung wala naman ang isang bagay na tunay na makakapagpaligaya sayo? Ang isang bagay na makakapagbigay ng kaganapan sa iyong ‘existence’ sa mundong ito??
Nagpapakahirap ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ipon ka ng ipon para sa pamilya, eh nasaan ang pamilya kung wala ka naman anak??
Yan ang kulang sa buhay namin noon ni Mrs. Azrael, ang isang anak na makakapagbigay sa amin ng walang patid na ligaya.
Yan din ang dahilan kung bakit ’super-active’ ako sa blogging noong nagsisimula pa lang ako.
Pilit kong pinupunan ang kakulangan sa aking pagkatao sa pamamagitan ng pagku-kwento ng mga araw araw kong gawain dito, sa mga taong hindi ko naman kaan0-ano at kung tutuusin, eh wala naman pakialam sa mga pinagsasasabi ko.
May tatlong taon din, mula ng una akong nagtrabaho dito, ang pinaghintay namin ni Mrs. Azrael para makabuo ng baby. At ngayon na meron na, si AILA, unti-unti na naman may na-realize ako na bago…
I don’t need material things anymore – I have most of them already. Electronics, DSLR, Laptop, Gadgets, Helicopter, Private plane, Submarine, Laser Sword, Spaceship.. Lahat yan meron nako!
I don’t need the internet – It’s nice to surf the net from time to time, talk to friends once in a while, listen to the latest ‘chismis’ from your ‘flea market’ friends
Pero sa isang pindot ng ‘OFF PC’, kaya kong talikuran ang lahat ng yan.
I don’t need to BLOG anymore (but I’m not saying I’ll stop. Maybe I will, maybe I won’t) – I have said my piece. Shared my views. And I don’t see any more reason to try and be someone I already am
Repulsive, Evil, Opinionated, Talented, Mayabang, Maangas, Salbahe, Tarantado, Bastos, Walang Modo, Kupal.. Ano pa ang ang hindi nyo nakikita sa pagkatao ko? Wala na siguro.
I have a loving wife who in my honest opinion, is the best mom of all.
I have a pretty daughter, who never cease to amaze me.
MY LIFE IS COMPLETE. I DON’T NEED ANYONE OR ANYTHING ELSE. AND THAT’S THE BOTTOMLINE.
That being said, I’d like to post this ‘lil something for my daughter.. Hindi ko alam kung hanggang kailan buhay ang blog na ito. Hindi ko alam kung sa pagtanda nya eh mababasa nya pa ito. At hindi ko alam kung ito na ba ang last entry ko..
Pero, anak… My dear MARIA AILA YSABELLE..
JULY 6, 2009
HAPPY 2ND BIRTHDAY!

DADDY LOVES YOU SO MUCH!!!
Possibly Related Posts:
Like this post? Subscribe to my RSS feed and get loads more!


20 comments
Pryss
on
July 6, 2009 at
1:41 pm
paganda ng paganda si Aila ah..next thing you know,me mga nakapila na sa labas habang nakasimangot kang nakabantay sa pinto hahahaha…
Regards na lang,happy birthday hay Aila baby…kailangan ba ng picture sending dito?..lolz..
Reply
A Z R A E L
reply on July 6th, 2009 3:08 pm:
oo kailangan. dahil malapit na rin bday ko!
Reply
Lambing
on
July 6, 2009 at
3:09 pm
wow!ang sweet talagang daddy ni az! laki na nga nya.. hmmm parang kelan lang…
agree ako.. na kapag nagkaanak ka ng kasing cute ni aila… panigurado wala ka na talagang hahanapin pa!
happy bday aila !:D
natuwa naman ako, pasakay sa spaceship
Lambing´s last blog ..KAPAG PUNO NA ANG SALOP 
Reply
a.r.d.y.e.y.
on
July 6, 2009 at
8:51 pm
parang gusto kong kopyahin ito at ipost sa sarili kong blog. pareho lang kasi sa nangyayari sakin eh. although nandon pa lang ako sa naghihintay ng anak. ipon ng ipon wala pa namang pamilya. sana makausad na. hehehe.
regards sa pamilya.
Reply
antuken
on
July 8, 2009 at
7:01 am
happy birthday aila!
ay grabe, parang yung tiyan ko nagiging katulad na rin ng tiyan ni aila. hahaha.
don’t stop blogging. ikaw ang isa sa mga una kong naging friends dito. too bad i wasn’t able to meet you the last time you were here.
kahit ako, nawawalan ng oras pagb-blog. most of the time i just visit other blogs. ang posting, madalang. work occupies most of my time. sino ba kse nag-imbento ng pera? pasakit magtrabaho e.
antuken´s last blog ..10 things i miss right now…
Reply
timi
on
July 8, 2009 at
3:34 pm
Happy birthday para kay Aila at congrats din sau bespren.
Mukhang magiging ligawin yang anak mo ah.
timi´s last blog ..Michael Jackson is Dead…Long Live Michael Jackson
Reply
ray
on
July 9, 2009 at
4:32 am
belated birthday greetings to Aila! Pareho na tayong “wrapped around our daughter’s finger”…
Reply
Mr. Thoughtskoto
on
July 12, 2009 at
12:19 pm
ang cute cute ng anak mo!Ang amo ng mukha, hehee
By the way, ininvite kita to join the 2009 Search for the Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog Awards by posting an entry or photo or video entry with relevance sa theme this year na “Filipino’s Abroad, Hope of the Nation, Gift to the World.”
Please let us know how can we help you. Thank you.
Reply
joycee
on
July 13, 2009 at
8:10 pm
Pibetdei kay bebe Aila! Hangkyut-kyut parang ako lang.
joycee´s last blog ..♥Happy Birthday, Happiness!♥ 
Reply
P-E-B-A
on
July 14, 2009 at
3:12 pm
Hello Azrael.
We would like to invite you to join the Global Search for 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards.
Kindly visit our website and click on the GUIDELINES TAB…
We want to hear your thoughts as a blogger, as an Expats, as a father, as a Filipino!
btw, this one is a heartwarming post…
belated happy birthday to your daughter Aila Ysabelle…
Thank you in advance.
Ingat po jan!
PEBA
Reply
Taroogs
on
July 14, 2009 at
3:13 pm
ambilis ng panahon ano, pareng az? ako rin, naisip ko bigla nung nag-2 years old si dear dawter… heaven talaga :-)
pero laser sword? asteeg! hehehe
Taroogs´s last blog ..Tanong!
Reply
abhie
on
July 16, 2009 at
1:12 pm
happy happy birthday Pretty Aila!!!
Reply
bernardumali
on
July 17, 2009 at
8:30 pm
makikibati sa iyong cute na baby! happy birthday!
Reply
potsquared
on
July 21, 2009 at
9:08 am
awwwww.. ang sweet na tatay… belated happy birthday kay aila!! sorry at nahuli ang bati..
potsquared´s last blog ..napapamura sa sarap..
Reply
boi
on
July 24, 2009 at
9:33 pm
papa az…
pasensya napo ang laki pala ng nawawala sa akin sa diko pagpunta dito…
halos napaluha ako sa entry mo nato dahil gaya mo tatay rin ako at nasa malayo sa pamilya…anyway minsan talaga ganyan…
super sang ayon ako sa bottomline mo…
wag ka muna aalis sa mundong ito gabayan mo ako dahil bago pa lamang akong sumsibol…
exlink pls?
http://alaehvhoi.wordpress.com/
masayang kaarawan kahit huli na sa anghel mo..regards din kay misis..
Reply
gasti
on
August 4, 2009 at
12:42 pm
potek nawala yung unang comment ko? aysus!
basta ang masasabi ko lang. isa kang butihing ama at asawa. matinding sakripisyo yang pagtatrabaho saibang bansa na malayo sa pamilya. keep it up! marami ka na naman savings. para sa future ni Aila at sa mga susunod pang chikiting…bday mo na rin pala. happy bday sa inyong dalawa ni Aila!
Reply
MINE
on
August 11, 2009 at
4:22 pm
truliling trulili ang mga winika mo
madami akong married friends na magkalayo din pero isa lang din lagi ko cnasabi sa kanila,money is important but its not worth a marriage. ako kc, i had to learn that the hard way.. but empre, life goes on..
and nakakatuwa makabasa na may isang lalake pa na gaya mo na ganyan magpahalaga sa pamilya.
and no offense sa mga regular bloggers, pero talagang ang hirap maging updated sa blogging world kung may personal kang binibigyang pansin sa totoo mong mundo. and at the end of the day, thats wat really matters…
Reply
Mars / Kulot
on
August 27, 2009 at
12:08 pm
sir Az,
eto nagbabalik na naman ako dito sa Muscat
ilang araw palang ang nakakalipas, musta naman
nakakaantig naman ang post mo, kahit late na binabati ko pa rin ng maligayang kaarawan ang iyon mahal na anak
at kung sawa ka na sa 50D mo, benta mo na sa akin nyahahaha
Mars / Kulot´s last blog ..20 Water drops inspired Macro Photography shots
Reply
kengkay
on
October 19, 2009 at
7:12 am
hi az, grabe ang bilis ng panahon ano? kapag may anak ka talaga iba na ang tingin mo sa buhay. anyway, meron akong ibubulong sa yo. email ko na lang.
kengkay´s last blog ..si kengkoy at ang skyway
Reply
ghomer
on
November 18, 2009 at
6:53 am
sir newbie lang ako dito.. nakita ko yung mga album moh..
YAN ANG MGA HINAHANAP KO! kaso sir kailangan na ng password..
baka po pwde share yung password mo.. sana yun narin sa ibah.
tnx poh.. gOdbless!
Reply