Archive for the ‘ Aila fever ’ Category

When I started blogging almost 3 years ago, it was all for the purpose of killing time and boredom.

Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang OFW na malayo sa pamilya, at nag-iisang nakikipagsapalaran sa isang bansang dayuhan para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga pansamantalang iniwan sa pinas.

Ang unang mararamdaman mo ay lungkot – Lalo na kapag nasanay ka na lagi mong kasama ang iyong asawa, laging ka-kuwentuhan ang mga magulang at kapatid, laging kasama sa gimik ang barkada.. Pagkalapag pa lang ng eroplano sa bansang pagtatrabahuhan mo, parang gusto mo ng sumakay ulit, at bumalik sa iyong pinanggalingan. :lol:

After a while, you learn to deal with the loneliness, the seclusion, the isolation, and learn to move forward. Kung sa mga unang gabi na nagso-solo ka sa kwarto mo, ga-balde ang luha na lumalabas sa mata mo, pagkatapos ng ilang buwan, ga-kaldero na lang.. Hanggang sa umabot sa puntong wala ka ng maiiyak dahil sagad na. Kumbaga dehydrated na ang mga mata mo :lol:

Unti-unting napapalitan ang lungkot ng saya.. Bakit kamo? Dahil sa gabing nag-iisip ka ng malalim habang may hawak na calculator, at nagko-compute at nagko-convert ng equivalent sa peso ng sinuweldo mo, mapapangiti ka na lang. Unti unting maisasakatuparan mo na ang plano mo sa buhay..

Mabigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya..

Makapagpundar ng bahay at ari-arian..

Ma-regaluhan ng ginto, alahas at kung anu-ano pang borloloy ang asawa mo..

Makabili ng sangkatutak na gadgets di mo naman gagamitin..

Makapag-painom ng trak trak na beer sa walang kwenta mong mga barkada..

Pero may kulang pa rin eh..

Aanhin mo ang lahat ng yan kung wala naman ang isang bagay na tunay na makakapagpaligaya sayo? Ang isang bagay na makakapagbigay ng kaganapan sa iyong ‘existence’ sa mundong ito??

Nagpapakahirap ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ipon ka ng ipon para sa pamilya, eh nasaan ang pamilya kung wala ka naman anak??

Yan ang kulang sa buhay namin noon ni Mrs. Azrael, ang isang anak na makakapagbigay sa amin ng walang patid na ligaya.

Yan din ang dahilan kung bakit ’super-active’ ako sa blogging noong nagsisimula pa lang ako.

Pilit kong pinupunan ang kakulangan sa aking pagkatao sa pamamagitan ng pagku-kwento ng mga araw araw kong gawain dito, sa mga taong hindi ko naman kaan0-ano at kung tutuusin, eh wala naman pakialam sa mga pinagsasasabi ko.

May tatlong taon din, mula ng una akong nagtrabaho dito, ang pinaghintay namin ni Mrs. Azrael para makabuo ng baby. At ngayon na meron na, si AILA, unti-unti na naman may na-realize ako na bago…

I don’t need material things anymore – I have most of them already. Electronics, DSLR, Laptop, Gadgets, Helicopter, Private plane, Submarine, Laser Sword, Spaceship.. Lahat yan meron nako! :lol:

I don’t need the internet – It’s nice to surf the net from time to time, talk to friends once in a while, listen to the latest ‘chismis’ from your ‘flea market’ friends :lol: Pero sa isang pindot ng ‘OFF PC’, kaya kong talikuran ang lahat ng yan. :cool:

I don’t need to BLOG anymore (but I’m not saying I’ll stop. Maybe I will, maybe I won’t) – I have said my piece. Shared my views. And I don’t see any more reason to try and be someone I already am :D Repulsive, Evil, Opinionated, Talented, Mayabang, Maangas, Salbahe, Tarantado, Bastos, Walang Modo, Kupal.. Ano pa ang ang hindi nyo nakikita sa pagkatao ko? Wala na siguro.

I have a loving wife who in my honest opinion, is the best mom of all.

I have a pretty daughter, who never cease to amaze me.

MY LIFE IS COMPLETE. I DON’T NEED ANYONE OR ANYTHING ELSE. AND THAT’S THE BOTTOMLINE.

That being said, I’d like to post this ‘lil something for my daughter.. Hindi ko alam kung hanggang kailan buhay ang blog na ito. Hindi ko alam kung sa pagtanda nya eh mababasa nya pa ito. At hindi ko alam kung ito na ba ang last entry ko..

Pero, anak… My dear MARIA AILA YSABELLE.. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (20)

Huli kong nakita si Aila noong Pebrero pa ngayong tao na ito. Baby na baby pa ang pinsesa ko nun! Wala pang kamuwang-muwang sa paligid nya dahil almost 6 months pa lang sya noon. Puro tawa at bungisngis lang ang makikita mo sa mukha dahil hindi pa naman marunong makipag-usap.

Ang huli kong naaalala sa pagkaganda-gandang anak kong ito, eh yung pagkagising ko sa umaga, sinasabayan din nya ako. Ewan ko ba bakit ganun, basta lagi kaming halos magkasabay gumising at naging routine na naming mag-ama na salisihan naman kami sa paggambala sa pagtulog ng reyna, dahil late magising si misis azrael. Nandyan yung hampasin ni Aila sa mukha ang mommy nya, o kaya naman dakmain yung dibdib ni misis para manggising. Ako naman, syempre hindi ko naman kayang hampasin ang mukha ni Misis Azrael, kaya hanggang dakma na lang ako sa mga parteng hindi dapat dinadakma :B

Eto si Aila noon (click for a bigger picture)

Aila with Dada

Nakasimangot ang prinsesa dahil alam nya na paalis na ako ng araw na yan. Sya nga pala, ako yung may karga kay Aila pero hindi na ako humarap sa camera kahit na pagod na pagod na si misis azrael kasisigaw ng ‘cheese’ dahil sa totoo lang, lalong sumingkit ang mata ko noon sa kaiiyak. :worry:

Matapos ang kulang-kulang na isang taon sa pagtatrabaho dito sa ibang bansa, uuwi na naman ako para magbakasyon. Makakasama ko na naman si misis azrael at si Aila.

Mag-aadjust na naman ako dahil sa sobrang tagal naming nagkahiwalay, ang dami ng pagbabago.

Malaki na si Aila ngayon. 1 yr and 5 mos na sya sa disyembre. Lumaki si Aila na hindi ako nakagisnan, at yan ang isang matinding challenge para sa akin ngayon.

Paano kami magsasamang mag-ama sa mahigit na isang buwan na ilalagi ko sa pinas? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (38)

Aila had her first haircut about a week ago. Masyado na raw kasi mahaba ang buhok at naiirita na ang anak ko kaya pinagupitan na ni Misis Azrael. Kinabahan nga daw si misis dahil baka sumpungin si Aila at magwala habang ginugupitan ng buhok. Surprisingly, Aila enjoyed it :happy: Ang bait talaga ng anak ko, mana sa ama :cool:

Here are some of Aila’s first haircut photos: Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (28)

Time flies fast.. Too fast. Especially for a dad of a cute one year old girl named Maria Aila Ysabelle.

Syet! Ang bilis ng paglaki ni Aila! Noong isang taon lang baby na baby pa yun eh. At nung huli kaming magkasama last feb, hindi pa sya masyadong makulit. Ngayon suko lahat ng tao sa bahay sa kakulitan ng prinsesa ko! :/

Eh paano hindi susuko? Si Aila lang ata ang baby doon sa lugar nila misis na alas diyes na ng gabi eh nagisisisgaw pa at ayaw pang matulog. Ayaw ng walker, gusto inaalalayan lang sya sa paglalakad kaya masakit ang bewang nilang lahat. May mga batang sapat ng ehersisyo ang ‘close-open’.. Si Aila gustong exercise maglakad sa mall at mag-window shopping :B

Tatlong baby yan na puro babae ang halos magkaka-edad sa lugar nila. Mga potensyal na barkada ni Aila ang mga yan paglaki. Si Camille ang pinakamatanda, si Bea ang sumunod, at si Aila ang pinakabata. Si Aila ang pinakamatangkad at pinakamabigat palibhasa malakas kumain at uminom ng gatas. At habang si Camille at Bea eh natutulog kapag hapon, si Aila namimitas ng dahon at nag-uubos ng bulaklak dun sa garden ng biyenan ko nyahahahaha!

Kung tutuusin, hindi naman talaga ako masyadong nagugulat sa pinaggagagawa ni Aila. Noong umalis ako ng pinas at bumalik dito, expected ko na ,na lalaking ‘mischievous’ ‘tong anak ko. Nasanay kasi na kapag may ginusto, binibigay sa kanya.  Not because she’s ’spoiled’ or something but because she’s one smart and sweet ‘lil girl. Malambing kasi sa Aila at bata pa lang, she has this cute way of getting what she wants without crying or being such a pain in the ass lol. Natutuwa ang lahat kaya obligado kang sundin ang gusto nya. Ikaw ba naman ang pakitaan ng ‘beautiful eyes’ na may kasama pang ‘flying kiss’ at kembot habang nagtuturo na buksan ang aircon dahil gusto nyang maglaro at magtatalon sa kama, makakatanggi ka pa?? :lol: Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (51)

JULY 6, 2008

Ang bilis ng panahon. Natatandaan ko pa noon, problemado kami ni Misis Azrael dahil hindi kami makabuo. Hanggang sa dumating ang punto na nagdesisyon kami, na may isa sa amin ang kailangang magsakripisyo at mag-resign sa trabaho. No choice eh. Kailangan namin magkasama ng matagal para paghaandaan ang lahat. Hindi naman kase uubra yung fire na lang ng fire. Kailangang ikundisyon din ang aming mga katawan.

Thank God after almost 4 years of trying, Mrs. Azrael and I were blessed with a cute little girl we named, MARIA AILA YSABELLE. It was the most joyful time in our lives as a married couple. Hindi maipaliwanag ang saya at excitement. Walang katulad!

May ilan beses ko na rin ginawan ng entry si AIla sa blog kong ito. Obvious ba na proud na proud ako sa pagiging daddy? Aila doesn’t need any more introductions. You, my friends in the blogosphere already know who she is, and what she means to me.

Aila is my inspiration, my pride, my life.

O di ba ang cute cute ng anak ko???

Mukhang may pagkamaldita at makulit lang ano? May pinagmanahan! :p

HAPPY FIRST BIRTHDAY MARIA AILA YSABELLE!

MOMMY & DADDY LOVE YOU SO MUCH!

Possibly Related Posts:


Comments (37)