I’ve been gone for 2 months. Kababalik ko lang galing sa pinas, at eto na naman ako sa bansang Oman.. Nagbalik para magtrabahong muli. Iniwan pansamantala ang aking pamilya, para mag-ipon ulit dahil magastos sila, sobra nyahahaha!
2 months ako nawala sa sirkulasyon. 2 months iniwan ang blogosphere at kinalimutan ang pagiging blogger at sa halip, nag-concentrate sa pagiging isang anak, kapatid, asawa, ama at siga sa kanto.
Alam ko na kahit paano, mayroon ako responsibilidad bilang isang blogger at pagiging miyembro ng blogging community. Noong nasa pinas pa ako, minsan ay naiisip ko rin kayo, ang aking mga kaibigan. Nakatulala sa kisame habang pinapanood ang pag-aaway ng mga butiki, at binabalikan ang mga nakaraang experiences noong ako ay super active pa sa blogging. Nangingiti ako kapag naalala ko ang palitan ng mga mensahe sa comments section, ang pang-ookray ng mga walang kwentang tao, ang pagtarantado sa mga kasumpa-sumpang nilalang, at mga kalokohan na aking kinasangkutan.
In spite of the good memories, blogging has also been the reason why I became non-active. Huwat?? Naging inactive sa blogging dahil sa blogging?? Anlabo anak ng teteng! Hayaan nyong ipaliwanag ko. Dahil sa pakiramdam ko, I owe some of you, if not all, an explanation on why I suddenly disappeared from the limelight. Ganito kasi yan….
I was excited to show Mrs. Azrael my blog and my writings. Inakala ko na kapag nabasa nya ang aking entries, matutuwa sya at mabibigyan ako ng matinding yakap at halik (na maaring mauwi sa romansahan), dahil sa galing kong magsulat (Ok… feeling magaling pala). Hindi ko inaasahan na imbes na matuwa sya, ito pala ay mauuwi sa away. I swear, muntik na ako makalbo sa sabunot at nagmistulang ‘rudolph the red nosed reindeer’ ang aking ilong sa sobrang pitik. Eh paano nga naman ako hindi aawayin, eh buking na buking ako sa kalandian ampft! Oo na.. Kasalanan ko ng lahat. Tao lang ako. Nagkakamali. Nadarapa. At nahuhulog sa kumunoy.
In short, nanahimik ako sa blogging dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang inis sa akin ni Mrs. Azrael. Kasama na rin nito ang pangako sa kanya na sa aking pagbabalik, hindi na ako lalandi at hindi na magpapalandi kahit kanino. Friendship na lang kasi please??
With what happened, I had a different perspective on life and it’s complexities. Maganda na mailahad mo ang iyong nararamdaman kahit na gaano pa ito ka-brutal pero minsan, ang pagiging vocal sa mga bagay bagay ay nagiging sanhi rin pala ng hidwaan at hindi pagkakaintindihan. I learned a lesson or two from this experience and I am hoping… No.. I am promising that the same mistake won’t ever happen again.
Kaya para sa inyo dear readers and followers of my blog, pasensya na ha. Sorry kung hindi man lang ako nakapagparamdam noong nasa Pinas ako. Madami akong binalak noon. I was even hoping to join our fellow bloggers from Wordpress Pinoys for their Christmas outreach program. I don’t know if that one pushed through, but if it did.. I’m sorry for not taking part. Humihingi din ako ng paumanhin sa mga napangakuan ko ng pasalubong na camel. Actually meron talaga eh. Kaso mo sa sobrang galit ni Mrs. Azrael, pinakatay lahat ng camel at pinamigay sa mga tambay sa amin para gawing pulutan.
Sabi nga nila.. “With great looks come great responsibility (nyahahaha!)”.. Responsibilidad ko na magpaliwanag sa inyong lahat. Responsibilidad na sabihing… Eto na ulit ako. Nagbabalik.
Hindi man ako makapag-post ng mga nakakakiliting entries ngayon, sisikapin ko pa rin na mag-update ng blog on a regular basis. Expect more mixes, more rants (definitely more rants), more work related experiences, and more posts and pics from home.
AZRAEL IS BACK! Halleluiah!
P.S. – May nagsabi sa akin noong isang araw lang, mababawasan na raw image ko dahil hindi na raw ako ladies’ man.. Ok lang.. tangina mang-aaway na lang ako!!!
Ok.. sino uunahin natin??
Possibly Related Posts: