Si Ruben ay pangalawa sa limang magkakapatid. Ipinanganak na mahirap at lumaki sa hirap.
Naalala ko pa ang kwento ni Ruben sa akin noon. Dahil sa sya ay lumaki sa isang lugar sa probinsya na malayo sa kabihasnan, kinakailangan nyang maglakad ng may kulang na isang oras para lang marating ang pinakamalapit na tindahan. At pagdating sa tindahan na ‘yon, ang tanging bibilhin lang ay isang lata ng sardinas, isang sibuyas, isang kamatis, at isang salop ng bigas na syang magiging pagkain na ng buong pamilya nya sa isang araw.
Lubog sa kahirapan ang pamilya ni Ruben. Maaga silang naulila sa ama, at may karamdaman ang kanilang ina na naging dahilan upang hindi sila makapag-aral ng maayos. Walang aasahan sa pamilya kundi silang magkakapatid lang at dahil sa bata pa sila noon, kinailangan nilang itaguyod ang sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng kung anu-anong klase ng trabaho at pagsama-samahin ang perang naiipon dito pantawid gutom lang.
Ngunit hindi naging hadlang kay Ruben ang kahirapan nya at ng kanyang pamilya. Mayroon syang pangarap. Pangarap na makapag-aral at makatapos, at magkaroon ng sarili nyang pamilya balang araw.
Lahat ng klase ng trabaho pinasok nya. Nandyan yung maglinis sya ng dumi ng kabayo ng kapitbahay na kutsero. Minsan din nyang hinihiram ang kalesa ng kapitbahay nyang ito para i-byahe kapag araw ng sabado o linggo. Nandyan yung magtinda sya ng maruya at bananacue sa hapon, at ng balut at penoy naman sa gabi.
Dahil na rin sa pagsisikap, nakuha nyang pag-aralin ang sarili. Matalino si Ruben. Masipag. Mahilig mag-aral. Minsan akong namangha kay Ruben ng ikuwento nya sa akin na dati raw, naliligo sya na gamit ang isang kamay na nakahawak sa tabo na naglalaman ng tubig na pambuhos sa katawan, at ang isa naman ay nakahawak sa libro. Nerd eh no??
Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Nakatanggap ako kamakailan ng email galing sa isang kaibigan. Isang pormal na imbitasyon para sumulat sa isang bagong publication na ilalabas ngayong kalagitnaan ng Oktubre at unang ikakalat sa LRT at MRT station sa kamaynilaan.
Rekomendado ang inyong lingkod sa editors ng publication na ito dahil pasok daw ako sa panlasa nila. Blogger na sanay sa Tagalog, naninirahan sa ibang bansa at handang magsulat ng kung anu-anong bagay na may koneksyon sa pagiging OFW ang kanilang kailangan. Hmmmm.. pasok nga ako.
Kinakailangang mag-submit ng articles twice a week at ang bawat aprubadong column ay may kapalit na halaga na makukuha isang buwan pagkatapos mailathala ang column sa dyaryo. Hindi ako interesado sa pera. Wait. Let me rephrase that. Hindi importante sa akin kung bayaran ako o hindi. Ang numero unong concern ko ay kung kaya ko bang makapag-submit ng 2 fresh articles every week. At kakambal ng concern na yan ang pangamba na baka puro singaw lang lumabas sa mga isusulat ko.
Kung pipilitin kaya. Kung gugustuhin pwede. Kung nakasalalay ang buhay ko dito at pipitpitin ang bayag ko kapag hindi ko ginawa, aba kakaririn ko talaga to!
Pero…
Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Babaero ako noong binata. Sabi ng iba hanggang ngayon eh ganun pa rin daw. Babaero pa rin daw ako. At gusto kong sabihin sa mga nagsasabi nyan, Pakyu!
Kulang ang mga daliri sa kamay at paa kung bibilangin ang mga babaeng dumaan sa buhay ko. Hindi ko pinagyayabang yan dahil sa isang banda, kasiraan yan sa pagkatao ko. Dahil pwedeng ang ibig sabihin nyan, hindi ako ang tipo ng lalaki na nagse-seryoso kaya mabilis akong magpalit ng GF at kumawala sa isang relasyon. Pwede rin naman na hindi nagtatagal sa akin ang isang babae dahil sa hindi masakyan ang ugali ko na nauuwi sa maagang pagtatapos ng aming samahan.
Kahit na naging ganyan ako noon, masasabi ko pa rin na marunong akong magmahal. Pagmamahal na nasuklian ng mas higit pa dyan ng ilang babae na hinding hindi ko malilimutan. Sa mahigit kwarenta na babae na dumaan sa buhay ko, apat na pangalan lang ang pwede kong sabihin na totoong nagbigay kulay sa mundo ko. Syempre kasama dyan si Mrs. Azrael dahil sya ang asawa ko at ang pinakamahal ko sa lahat. Pero hindi sya ang bida sa kwento kong ito dahil sa dalawang importanteng dahilan. Una, wala pa sya sa buhay ko noon at hindi nya kilala ang babaeng tinutukoy ko. At pangalawa, hindi pa rin kami nagkikibuan hanggang ngayon kaya asa pa syang maging bida. Kontrabida oo!
Ang entry nato ay tungkol kay Iza. Ang unang babae na nagpaiyak sa akin na parang bata na inagawan ng laruan. Ang pangalawang babae na minahal ko sa buong buhay ko. Ang huling babaeng pinangakuan ko ng isang bagay, pero sa kasamaang palad, hanggang ngayon hindi ko pa natutupad
———————————————————————————————————————-
Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Parekoy,
Huli tayong nagkita noong pebrero nitong taon na ‘to, noong nasa bakasyon pa ako sa pinas. Sa tuwing lalabas ako sa may tindahan ng kapatid ni misis, hindi pwedeng hindi ako mapatingin sa bahay mo. Paano ba naman, nakasanayan ko na ang malakas na boses mo pag gising sa umaga. Minsan nga, yang boses pa na yan na punung-puno ng kalokohan ang gumigising sa akin. Sa hindi nakakakila sayo, maaring maging dahilan yan ng sobrang pagkainis. Pero sa tulad kong, kahit paano eh nakilala ka bilang komedyante, pasaway at siga sa looban, naging dahilan pa yan para lalo tayong maging close sa isa’t-isa. Sabi nga nila, birds of the same feather flock together. Eh siga din kaya ako sa amin.
Ilan taon na ba tayo magkakilala? Pito? Walo? Ang tagal na rin pala. Naalala ko pa noon, nanliligaw pa lang ako kay misis na pinsan mo rin, tuwing pupunta ako sa bahay nila, laging may inuman. At sa mga inuman na yan, lagi kang present. Ikaw ang pasimuno ng mga kalokohan. Hindi pa tayo gaanong close nun, pero minsan mo akong binuhusan ng isang baldeng tubig. Imbes na mainis ako sayo, lalo akong natuwa dahil nakahanap ako ng alibi para hindi na umuwi sa bahay ko, at doon na lang makitulog sa bahay ni Misis Azrael, na noon ay nililigawan ko pa lang.
Sa dinami dami ng nagtangka na manligaw kay misis noon, ako lang yata ang pumasa sa inyong magpipinsan. Minsan na akong binigyan ng babala ni misis, na huwag makikipag-inuman sa inyo dahil malakas daw kayo mag-trip, at alam nyang pikon ako. Siguradong mauuwi lang daw sa away. Hinanda ko ang sarili ko noon sa kuyog. Nag-iisa lang ako, dayo pa. Pero hindi dahilan yan para hindi ko ipaglaban ang sarili ko kung sakali man pagtripan nyo ako. Sa awa ng dyos, hindi naman nakarating sa ganung sitwasyon, at sa halip, naging regular na kainuman nyo pa nga ako di ba? Gusto kong isipin na kaya nyo ako tinanggap dahil sa nakita nyong malinis ang intensyon ko sa pinsan nyo. Na mukha naman akong disente at mabait kahit paano. Na May itsura din naman ako at hindi lugi ang pinsan nyo sakaling magdesisyon kami na dagdagan ang dami ng mga batang naglalaro sa kalsada, na halos lahat eh ka-apelyido nyo.
Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Malapit na naman ang birthday ko. Sa tuwing pumapasok ang buwan ng Hulyo, napapansin kong lagi akong seryoso. Nandyan yung lagi na lang akong nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, habang iniisip ang mga nangyari sa nakalipas na taon. Nandyan yung laging tumitingin sa kalendaryo, at pilit niloloko na hindi pa 2008 at dekada otsenta pa rin.
Tumatanda na ako. Wait, let me rephrase that.. Matanda na ako. Yan, better. At sa tulad kong ang edad ay nasa mahigit trenta na, hindi naiiwasan na minsan balikan ang buhay noong medyo bata-bata pa. Mapapangiti kapag naalala ang unang crush, ang buhay sa high school at kolehiyo, and pakiramdam pagkatapos mahawakan ang unang sweldo, ang unang pasok sa beerhaus sa Pasay, mga kalokohan kasama ang barkada sa subdivision, at kung anu-ano pa.
Read the rest of this entry
Possibly Related Posts: