Alam nyo ba na malakas ang pakiramdam ko? Madali kong malaman kung ang isang taong kausap ay magiging kaibigan o kaaway. Malakas ang pang-amoy ko sa ‘bullshit’ at isang bitaw pa lang ng linya ng taong kausap, alam ko agad kung seryoso ito sa sinasabi nya o kaya eh nananarantado lang.
At malakas akong makaramdam lalo na kapag iniisip ako ng isang tao.
Nararamdaman ko ngayon yan. May nakaka-miss sa akin. Hindi lang isa, madami sila.
Aminin nyo na.. MISS NYO NA AKO AT ANG MGA ENTRIES KO ANO????? DI BA? DI BA DI BAAAAAAAA??!!!!!!!!!!!!!
Kung totoo ang pakiramdam na ito, salamat.
Dahil miss ko na rin AKO (huhlols)
Kung nagkakamali naman ako, at ang totoo pala eh hindi nyo ako nami-miss… KFINE! HINDI KO NA KAYO BATI!
Possibly Related Posts:
Groggy pa ako. Sa dami ng gamot na ininom ko kanina at sa tindi ng injection na painkiller para sa aking recurring problem dahil sa mataas na uric acid levels, umiikot pa ang paningin ko.
Hindi makalakad. Nahihirapan tumayo. Masakit ang kasukasuan. Emo.
Pero dahil importante ang araw na ito para sa isang mabait na tao at mahilig magsimba na kristiyano na tulad ko..
Walang sakit sakit ng paa!
Hindi dahilan yan para maging sagabal sa aking obligasyon. Mamaya, aalis ako ng bahay para… Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
Sa sobrang tagal ng bakasyon ko at sobrang tagal kong hindi nakapag-blog, kinakalawang na ako punyemas. Hindi ko alam kung saan magsisimula, at kung ano ang tema ng susunod ko na entry.
Nagbakasyon ako sa pinas bago mag-pasko. Nanahimik ng matagal at lumipas pati ang bagong taon, wala rin akong nailagay sa blog.. Ang galing di ba???
So pano, dun na lang ako magsisimula? Babatiin ko na lang kayong lahat ng “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!”
Ok tulog nako. Bye!
Pero seryoso.. Isang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh tinatamad pa rin akong mag-blog, eh dahil sa sobrang saya at sobrang enjoy ang nakaraan kong bakasyon sa pinas.
Noon ko pa sinasabi, ang blogging ay past time ko lang. Isang bagay na pinagkakaabalahan at pilit kinakarir para mapawi ang lungkot na nararamdaman habang malayo sa pamilya.
At dahil sa may halos dalawang buwan ko rin nakasama ang pamilya ko sa pinas, natural lang na talikuran ko muna ang kung ano mang responsibibilidad na meron ako sa blog ko na ito.
Pero hindi naman nangangahulugan yan na nakalimutan ko na kayo, ang aking mga kaibigan sa blogosphere. Paminsan-minsan, naiisip ko rin kayo noon walang biro. Hinahanap hanap din ang kulitan, kantyawan at katarantaduhang walang humpay. Napalapit na rin ang loob ko sa ilan sa inyo at bilang patunay dyan, taos-puso kong inalay ang ang aking kamay at nag-alok ng isang tunay na pagkakaibigan. Nakipagkita pa nga ako sa ibang bloggers di ba? Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:
…na nakabalik na ako!!
Pero tinatamad pa rin akong mag-blog.
At hindi ko pa nababasa ang mga comments nyo.
Sorry na.
Peace tayo ha?!
Possibly Related Posts:
..na pag binasa ng derecho ang RECENT POSTS widget ko sa sidebar..
MAKAKABUO NG ISANG MAKABULUHANG SENTENCE TUNGKOL SA AKING PAGKATAO.
Read the rest of this entry
Possibly Related Posts: