Archive for the ‘ Family Life ’ Category

Mahirap din ang buhay may-asawa. Hindi sa lahat ng oras nagkakasundo ang isang lalaki at isang babae pagdating sa mga desisyon at diskarte na kinakailangang gawin para malampasan ang kung ano mang problema na dumarating sa buhay ng pamilya. Sino ba ang ayaw na malusutan ang bawat balakid? Sino ang ayaw na malampasan ang pagsubok?

Sa tinagal-tagal na naming mag-asawa ni Misis Azrael, taas noo kong sasabihin na wala pang matinding problema sa buhay namin na hindi namin nahanapan ng solusyon. Nahihirapan kami kapag nagkaka-aberya sa aming mga pangarap oo, pero dahil nga sa ang lahat ng ito ay pinag-uusapan namin ng maayos, nalalampasan namin ang lahat ng yan na may ngiti sa aming mga mukha.

Alam namin ang capabilities at weaknesses ng isa’t isa kaya sa mga pagkakataong may mabigat kaming hinaharap, kung sino ang mas madiskarte at kung sino ang mas maabilidad, sya ang nagte-take charge at sya ang nasusunod.

Sa madaling salita, sa tuwing may decision making..

AKO LAGI ANG BOSS. :lol:

Pag sinabi ko, oo lang ng oo yun! Nakangiti lang at may kasama pang himas sa aking batok at halik sa likod ng aking tenga. Pag sinabi kong gawin mo to, gawin mo yun, talo pa ni Misis Azrael si energizer bunny sa sipag at bilis ng pagkilos.

Kaso mo, nababasa nya ang blog ko at kapag nag-away kami sa mga pinagsasasabi kong kasinungalingan katotohanan ngayon at bigla kong binura ang blog na ito, at bigla akong naglaho sa mundo ng internet, wag nyo sanang isipin na inutusan nya ako at sya ang nasunod at natakot ako sa kanya ha?? :lol:

Seryoso na…

Hindi sa lahat ng pagkakataon, ako ang boss. May mga oras din syempre na dumidiskarte si misis at nagdedesisyon ng mga bagay bagay na hindi na kailangan pang i-konsulta sa akin.

Tama lang yan. Ganyan ang dapat sa mag-asawa. Nagbibigayan. Nagrerespetuhan. Nagtatapikan ng balikat kapag may isang bagay na nagawa na hindi na kinakailangan ang tulong pa ng isa.

Sa mga oras na ito, gusto kong tapikin ang balikat ni misis at halikan sya sa noo. Gusto kong sabihin sa kanya, na bagamat hindi ako ang nagdesisyon sa isang bagay na ginawa nya ngayon, bilib pa rin ako sa kanya dahil nagpakita sya ng tapang upang harapin ang pagsubok.

Hindi madali para kay Misis Azrael ang ginawa nyang ito. Alam kong mabigat ang loob nya. Alam kong nasasaktan sya kapag naiisip nya ang aming bonding moments at quality time na iniukol sa isa’t isa na syempre kasama ang aming prinsesa na si Aila.

Sino ang hindi malulungkot kapag naisip na.. noong nakaraang buwan lang, masaya kaming nagsasama-samang tatlo.

Pero ngayon, kami ay magkakalayo na. :worry:

Naiwan si Aila sa kanyang lolo’t lola. Naiwan akong malungkot na nag-iisip at may mga tanong sa isipan na alam kong sya lang ang makakasagot.

Kailangan nyang gawin ‘yon.

Kailangan nyang mangibang bayan.

Kailangan nyang humiwalay at lumayo…

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (9)

Hindi ako nakakalimot sa atraso. Kahit isandaang taon pa ang makalipas, kapag may nagawa kang mali saken, habambuhay kang nakasulat sa ’shitlist’ ko.

Wala rin sa akin ang kaibi-kaibigan o kadugo pagdating sa pagtatanim ng galit. Kahit kamag-anak pa kita, basta may ginawa kang napakalaking kasalanan, magkasakit man ako ng Alzheimer’s, hindi pa rin kita malilimutan.

NOON:

Noong binatilyo pa ako (meaning wala pa akong hilig sa gimik at hindi pa ako habulin ng mga chiks), may tatlong magkakapatid na lalaki na pinsan ko ang nanirahan sa pinas galing sa Amerika.

Si Ricky, Michael at Jordan. Half pinoys at half mexican US citizens sila na anak ng tito ko at ng napangasawa nyang Mexicana.

Ipinanganak sa Amerika ang tatlong ito, pero dahil nga sa umuwi ng pinas noon at doon pinag-aral ng kanilang mga magulang, natuto mag-tagalog at nakalakihan ang mga ugali at lifestyle nating mg pinoys.

Taong 1995 ng nakasama ko, at ng mga kapatid kong pawang mga lalaki din, ang tatlong mongrel na pinsan naming mga ito sa iisang bahay lang. Naging impyerno ang buhay namin, lalo na ako dahil saksakan ng kulit ang mga magkakapatid na yan.

Andyan yung magkampihan at maglalaro kami ng basketball, pinas vs usa, pero dahil sa maliliit pa ang mga amerkano, lagi silang talo. At kapag napikon, tangena hinahabol kami ng pamalong kahoy. Natural ako ang pinakamatanda at pinakamatangkad sa aming anim, kaya ako, at ang grupo ko ang laging wagi sa kahit na ano pang laro o contest na pinaglalabanan naming lahat.

Naalala ko rin na minsan akong natutulog ng pinagtripan ako nung tatlong hilaw na pinoy na yun. Nakanganga pa ako habang nananaginip ng naramdaman ko na lang na may biglang bumara sa lalamunan ko. Nanghuli ng gagamba ang nga tarantado at pinasok sa bunganga ko na parang kweba lang ako ganun. Assholes!

Napatawad ko sila sa mga ginawa nilang yan, pero may isang bagay na hanggang ngayon, kapag naaalala ko, binabangungot pa rin ako sa galit..

Hindi ko malilimutan ang ginawa nilang pamamahiya sa akin sa harap ng gerlpren ko noon… Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (51)

NOON:

Mga apat na buwan na rin ang nakalipas ng huli kong makakwentuhan ang nanay ko tungkol sa kung anu-anong isyu tulad ng politika, showbiz, sports at kung anu-ano pa. Tinawagan nya ako sa telepono at nakipagtelebabad ang nanay ko saken. Kung ibe-breakdown mo ang minutong naubos naming dalawa sa loob ng isang oras, ganito ang resulta:

AZRAEL: 5 minutes

Nanay ni AZRAEL: 55 minutes

May sinat pa ata ang nanay ko nun, at halata sa boses nya na may sore throat din sya, kaya hindi sya gaano nakapagsalita.

Anyway, since nasa politika, showbiz at sports ang aming usapan, may isang bagay ako na naitanong sa nanay ko na nagpainit ng ulo nya. Alam mo naman yun, madaling maiirita. Buti na lang hindi ako mana sa kanya. :P

At ang issue???

Si MANNY PACQUIAO bilang isang magaling na boksingero na may paparating na laban ngayong disyembre..

AZRAEL: “Mi! Ano na balita kay Pacman??? May laban sya sa disyembre di ba? Kalaban nya yung paborito nyong boksingero, si Dela Hoya?”

Nanay ni AZRAEL: “Hay naku! Wala yang si Manny! Madami na ang naiinis dito dyan kasi hindi na lang mag-concentrate sa boxing! Pinasok pa ang politika, at ngayon artista at singer na din yata! Ayoko sa kanya kahit champion pa sya na boksingero! Nayayabangan na ako! Pababagsakin ni Dela Hoya yan dahil hindi papayag si Oscar na mabugbog ang kanyang pretty face dahil kay Manny! Tsaka sa laban nila sa december, ipagdadasal ko na matalo si Pacman!”

Sa puntong yun, nahalata ko talaga ang inis ni ermat kay Manny. Ewan ko ba. Nagsimula yan noong pinasok ni Pacman ang politika at naalyansa sa kampo ni GMA. Eh numero unong galit kay GMA si ermat.

Natapos ang usapan namin sa binitawang salita ni ermat na parang ganito:

“Sa akin ka maniwala. Sa December, talo yang si Pacquiao! Dahil ayoko sa kanya at ang ichi-cheer ko eh si Dela Hoya!” Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (21)

Huli kong nakita si Aila noong Pebrero pa ngayong tao na ito. Baby na baby pa ang pinsesa ko nun! Wala pang kamuwang-muwang sa paligid nya dahil almost 6 months pa lang sya noon. Puro tawa at bungisngis lang ang makikita mo sa mukha dahil hindi pa naman marunong makipag-usap.

Ang huli kong naaalala sa pagkaganda-gandang anak kong ito, eh yung pagkagising ko sa umaga, sinasabayan din nya ako. Ewan ko ba bakit ganun, basta lagi kaming halos magkasabay gumising at naging routine na naming mag-ama na salisihan naman kami sa paggambala sa pagtulog ng reyna, dahil late magising si misis azrael. Nandyan yung hampasin ni Aila sa mukha ang mommy nya, o kaya naman dakmain yung dibdib ni misis para manggising. Ako naman, syempre hindi ko naman kayang hampasin ang mukha ni Misis Azrael, kaya hanggang dakma na lang ako sa mga parteng hindi dapat dinadakma :B

Eto si Aila noon (click for a bigger picture)

Aila with Dada

Nakasimangot ang prinsesa dahil alam nya na paalis na ako ng araw na yan. Sya nga pala, ako yung may karga kay Aila pero hindi na ako humarap sa camera kahit na pagod na pagod na si misis azrael kasisigaw ng ‘cheese’ dahil sa totoo lang, lalong sumingkit ang mata ko noon sa kaiiyak. :worry:

Matapos ang kulang-kulang na isang taon sa pagtatrabaho dito sa ibang bansa, uuwi na naman ako para magbakasyon. Makakasama ko na naman si misis azrael at si Aila.

Mag-aadjust na naman ako dahil sa sobrang tagal naming nagkahiwalay, ang dami ng pagbabago.

Malaki na si Aila ngayon. 1 yr and 5 mos na sya sa disyembre. Lumaki si Aila na hindi ako nakagisnan, at yan ang isang matinding challenge para sa akin ngayon.

Paano kami magsasamang mag-ama sa mahigit na isang buwan na ilalagi ko sa pinas? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (38)

AZRAEL: My lab! Love mo pa ba ako?

MRS AZRAEL: Oo naman. Bakit mo naman naitanong yan?

AZRAEL: Dahil parang nagbago ka na..

MRS AZRAEL: Loko! Hindi ah. Mahal pa rin kita tulad ng dati ano ka ba??

AZRAEL: Talaga?

MRS AZRAEL: Oo nga! Wag ka ngang mag-inarte dyan. Hindi bagay sayo.

AZRAEL: Eh kase..

MRS AZRAEL: Kase ano?? May gusto ka ba sabihin?

AZRAEL: Kase, kung talagang mahal mo ako…

MRS AZRAEL: Ano??????????????????? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (12)