Archive for the ‘ Fatherhood ’ Category

Huli kong nakita si Aila noong Pebrero pa ngayong tao na ito. Baby na baby pa ang pinsesa ko nun! Wala pang kamuwang-muwang sa paligid nya dahil almost 6 months pa lang sya noon. Puro tawa at bungisngis lang ang makikita mo sa mukha dahil hindi pa naman marunong makipag-usap.

Ang huli kong naaalala sa pagkaganda-gandang anak kong ito, eh yung pagkagising ko sa umaga, sinasabayan din nya ako. Ewan ko ba bakit ganun, basta lagi kaming halos magkasabay gumising at naging routine na naming mag-ama na salisihan naman kami sa paggambala sa pagtulog ng reyna, dahil late magising si misis azrael. Nandyan yung hampasin ni Aila sa mukha ang mommy nya, o kaya naman dakmain yung dibdib ni misis para manggising. Ako naman, syempre hindi ko naman kayang hampasin ang mukha ni Misis Azrael, kaya hanggang dakma na lang ako sa mga parteng hindi dapat dinadakma :B

Eto si Aila noon (click for a bigger picture)

Aila with Dada

Nakasimangot ang prinsesa dahil alam nya na paalis na ako ng araw na yan. Sya nga pala, ako yung may karga kay Aila pero hindi na ako humarap sa camera kahit na pagod na pagod na si misis azrael kasisigaw ng ‘cheese’ dahil sa totoo lang, lalong sumingkit ang mata ko noon sa kaiiyak. :worry:

Matapos ang kulang-kulang na isang taon sa pagtatrabaho dito sa ibang bansa, uuwi na naman ako para magbakasyon. Makakasama ko na naman si misis azrael at si Aila.

Mag-aadjust na naman ako dahil sa sobrang tagal naming nagkahiwalay, ang dami ng pagbabago.

Malaki na si Aila ngayon. 1 yr and 5 mos na sya sa disyembre. Lumaki si Aila na hindi ako nakagisnan, at yan ang isang matinding challenge para sa akin ngayon.

Paano kami magsasamang mag-ama sa mahigit na isang buwan na ilalagi ko sa pinas?

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (38)

Matagal kong pinag-isipan ito. Hindi naging madali sa akin ang makapag-desisyon na ituloy ang dati ko pang binabalak. Matapos ang madugong konsultasyon sa mga close na kaibigan, at matapos na gumawa ng comparison sa downsides and benefits na maaring mangyari sa mga susunod na araw, I have made a decision that is both conclusive and final.

From this day on, I won’t be sharing premium mixes for free anymore. Take note on “premium”, babalikan ko yan maya-maya, just let me finish what I have to say…

It’s been a year since I started sharing my mixes. In that span of time, I have shared 21 mixes already. Lahat ng ‘yan buong puso kong inialay sa mga taong interesado at gustong pakinggan ang iba’t-ibang klase ng ‘mixed dance music’ na nilikha ng isang DJ na tulad ko. Hindi maitatanggi na maraming tao din naman akong napasaya at may mga matang naimulat sa ganda at appeal ng Electronic Dance Music o EDM.

Sa kasamaang palad, may ilang tao na inabuso ang aking pagiging mapagbigay. If you search google for “DJ Robin Mendoza - Tiestofied”, babagsak kayo sa iba’t-ibang download sites. Yung iba ilegal, yung iba may bayad. This particular mix is just an example. Madami pa yang kumalat, and in fact a friend from the Philippines told me he saw a couple of my mixes being sold at bangketas and stalls somewhere in the University belt.. Re-titled mixes, with a different CD cover and my name removed and replaced by a different artist. Ngayon, sabihin nyo sa akin kung hindi tama na mainis ako dyan.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (28)

JULY 6, 2008

Ang bilis ng panahon. Natatandaan ko pa noon, problemado kami ni Misis Azrael dahil hindi kami makabuo. Hanggang sa dumating ang punto na nagdesisyon kami, na may isa sa amin ang kailangang magsakripisyo at mag-resign sa trabaho. No choice eh. Kailangan namin magkasama ng matagal para paghaandaan ang lahat. Hindi naman kase uubra yung fire na lang ng fire. Kailangang ikundisyon din ang aming mga katawan.

Thank God after almost 4 years of trying, Mrs. Azrael and I were blessed with a cute little girl we named, MARIA AILA YSABELLE. It was the most joyful time in our lives as a married couple. Hindi maipaliwanag ang saya at excitement. Walang katulad!

May ilan beses ko na rin ginawan ng entry si AIla sa blog kong ito. Obvious ba na proud na proud ako sa pagiging daddy? Aila doesn’t need any more introductions. You, my friends in the blogosphere already know who she is, and what she means to me.

Aila is my inspiration, my pride, my life.

O di ba ang cute cute ng anak ko???

Mukhang may pagkamaldita at makulit lang ano? May pinagmanahan! :p

HAPPY FIRST BIRTHDAY MARIA AILA YSABELLE!

MOMMY & DADDY LOVE YOU SO MUCH!

Possibly Related Posts:


Comments (37)

UPDATE (Aug. 19, 2008): POSITIVA is now available as a premium download. No more free stuff sorry.

Madaming dahilan kung bakit masaya ako ngayon at nasa mood mag-party. Hayaan nyong isa-isahin ko..

Natapos na rin ang nakakabwiset na pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan. Sino ba naman ang makakalimot kung muntik ka ng mapalayas sa bansang pinagtatrabahuhan mo sa isang bagay na kahit mismo ang ang mga taong nakapaligid sayo eh hindi maipaliwanag.

I’m talking about the medical problems I had. Akala ko noong una, talagang may sakit nga ako na matindi, at dahil doon ay mapapauwi ako ng pinas. Alangya, parang ang korny naman yata na ganun-ganun na lang ang katapusan. I almost went home because of what happened. Ang nakakatakot doon, uuwi pala ako at hindi na muling makakapagtrabaho kung hindi ko ipinaglaban ang sarili ko dito.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (26)

Naalimpungatan ako sa pagtulog kanina. Pagkatapos kumain ng tanghalian, imbes na humarap sa PC, minabuti kong magpahinga na lang. Napasarap ang tulog ko ng hapon, pero bigla akong bumalikwas sa pagkakahiga ng naalala ko na may importanteng kaganapan pala ngayong araw na ito.

May 6, 2008 - eksaktong 10 months na pala si AILA!!

Sorry anak! Buti na lang naihabol ko pa at nakatawag pa ako sayo. Hindi mo man maintindihan ang pinagsasasabi ko kanina sa fone dahil baby ka pa, ang importante hindi ako nakalimot at narinig mo pa rin ang boses ng daddy mo na baliw na baliw sayo. Promise my ‘lil princess, sa first birthday mo sa July 6 all out tayo!

Happy 10 months MARIA AILA YSABELLE!

Possibly Related Posts:


Comments (15)