Archive for the ‘ Fuck you files ’ Category

Ok children! Ang ating topic ngayon ay ang PMS, ang bagay o pangyayari na buwanang ginagawang dahilan ng mga kababaihan para magalit ng walang rason, mainis ng walang dahilan, mag-huramentado, magwala, mang-away, mag-emo, mag-inarte at mambwiset ng mga lalaking tulad ko, na walang respeto sa lintek na PMS na yan.

Ano nga ba ang PMS? Ano ang causes nito? Ano ang senyales? Paano malalaman kung ang isang babae ay nagpi-PMS? Paano ito maiiwasan? Paano mako-control?

Aba malay ko. At wala akong balak alamin pa kung ano talaga yan. Ang alam ko lang, yan ang buwanang pinagdadaanan ng karamihang babae bago magkaroon ng regla. Premarital Sex este Premenstrual Syndrome yan para sa ilang hindi nakakaalam, at para doon sa ibang ang akala sa PMS eh menopause! Kababaeng tao hindi alam ang PMS? Watta boba.

Ilan beses na rin ako nabadtrip dahil sa PMS na yan. Ilan beses na rin akong naging biktima ng epekto nyan. Nananahimik ako bigla ako babanatan ng mga linyang hindi ko alam kung saan planeta hinugot. Wala naman akong ginagawang masama, pero kung komprontahin ako akala mo ako na ang pinakamasamang lalaki sa mundo. Ang ganda ng usapan, biglang mag-uungkat ng mga past events na siguro may isang daan beses ko na naipaliwanag. Hahanapan ako ng butas at kapag walang nahanap, mag-iimbento ng kung anu-anong katarantaduhan para awayin lang ako. Maiksi ang pisi ko. Madali akong magalit. Madaling mag-init ang ulo lalo na sa mga babaeng ginagawang dahilan ang PMS para awayin ang mga lalaki.

Bilib ako sa mga lalaking nakukuhang pagtyagaan at pagtiisan ang mga ka-weirduhan ng kanilang mga asawa o gf kapag nagpi-PMS ang mga ito. Saan nyo kinukuha ang pang-unawa mga tol? Napapag-aralan ba yan? Naituturo ba yan? Turuan nyo naman ako!

Dahil ilan beses ko ng pinilit intindihin kung bakit sa tuwing nagpi-PMS ang isang babae, at laging sa lalaki galit, hindi ko pa rin maintindihan! Hindi ko pa rin makita ang sarili ko na tino-tolerate yang bwakanang-inang PMS na yan! Wag kayong magalit sa mga lalaki ano ba kayo. Hindi nyo ba alam na kaming mga lalaki ang makakatulong sa inyo para hindi nyo na maranasan yang PMS? Kung magpapabuntis kayo sa amin, garantisado syam na buwan wala kayo nyan!

At obvious ba na galit ako? Good! Magalit na ang gustong magalit. Magtampo na ang gustong magtampo. Sabihin nyo ng insensitive ako. Isumpa nyo man ako, pero hinding hindi ko talaga iintindihin yang PMS na yan. At huwag na huwag nyong sasabihin saken na, “Hey! chill-out! You’re not a girl that’s why you don’t know”.

Exactly my point! Do not expect me to understand something I will never experience! Hindi ko sinisisi ang mga babae na nagpi-PMS, hindi nyo naman kasalanan yan eh. It’s part of your monthly menstrual cycle. Pero naman naman! Kung gusto nyong maging sensitive ako sa nararamdaman nyo while you’re PMSing, baka pwede rin naman na huwag kayong basta-basta na lang nang-aaway! Huwag naman kayong basta-basta na lang nagagalit!

Ang hirap sa inyo, gusto nyo laging kayong mga babae lang ang iniintindi. You call us men insensitive of your feelings. Gusto nyo maging mabait kami at mataas ang level ng tolerance kapag malapit na kayong magkaron. Pwede naman eh. Basta wag lang kayong over! Dahil swerte nyo kung ang mga asawa o bf nyo eh pasensyoso at understanding. Pero kung ako ang makakausap nyo, malas nyo! Baka imbes na damayan ko kayo sa inyong pagiging emo, ako pa mismo maglaslas ng pulso nyo libre!

Spare me the PMS crap please! I don’t believe in it. I don’t recognize it. I don’t respect it. AND I WILL NEVER EVER PUT UP WITH IT!

YOU HAVE BEEN WARNED

.. at sya nga pala.. uunahan ko na ang taong magko-comment ng “Nagpi-PMS ka ba AZ?” o kaya, “Cool ka lang AZ, PMS lang yan” o kahit na anong comment na papalabasin na ako ang nakakaranas nito….

Pwede ba, wag kayong korny!

Possibly Related Posts:


Comments (7)

Dismayado ako. Badtrip. Galit. Kailangan mailabas ko ang kinikimkim ko kung hindi, baka mapilitan akong lumabas ng bahay at maghanap sa tabi-tabi ng ‘terorista 4 hire’ para pasabugin ang opisina namin.

Huwebes ng huli kong nakausap ang boss ko. Nasa field ako noon, at tinatawagan ako para sabihing kailangan daw matapos ang ginagawa ko para makabalik ako ng hapon sa opisina. Half-day ang Thursday dito, at alam ng buong Oman na kapag half-day, patay ang workfone ko at hinding hindi mahahagilap si AZRAEL! Kahit lumilindol pa yan, bumabagyo o bumabaha, hindi pwede akong istorbohin, sa paglalaba!

Napilitan akong bumalik ng hapon sa opisina dahil ang pagkakaalam ko, anytime pupunta si bossing sa pinas, mga 2 weeks magbabakasyon dun kasama ang syota nyang pinay na dancer sa isang club, at mag-uubos na naman ng pera. At kapag hindi ko naagapan, sigurado na pati ang pampasweldo nya sa kanyang mga empleyado eh magagalaw, tulad ng mga dati ng nangyari sa amin.

May pagka-iresponsable kase tong damuho na boss ko. Walang pakialam sa mga hinaing ng kanyang mga tauhan at ang tanging importante lang sa kanya eh magtrabaho kami ng maayos, para tuloy-tuloy ang pasok ng pera sa aming kumpanya. Wala naman ako problema doon dahil yan naman ang talagang dahilan kung bakit andito ako, para magtrabaho, makaipon ng pera, yumaman at maging milyonaryo bwahahaha! Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (19)

Hindi ko ugali na bigyan ng pahalaga ang mga blog stats na yan. Kung ang habol ko eh site traffic at katakot-takot na hits eh di sana ginawa ko ng ‘azrael666.com’ or ‘azraelgwapo.com’ itong blog ko para makapaglagay na din ako ng kung anu-anong banner at ads na wala namang saysay sa sidebar, at sana eh lahat ng bagay na lang eh ginawan ko ng entry. Wala rin ako balak pagkakitaan ang blog na ito dahil hindi ako magsasayang ng oras kagagawa ng ‘money-earning entries’ also known as ‘walang kwentang post na wala naman nagbabasa, I therefore conclude that it’s crap’, para kumita lang ng 20 dollars a month? 30? 50? 100? 200? Puhleeeeese! Ano ako poor???? Hindi ako mayaman pero hindi rin naman ako naghihirap. Kung guaranteed 1000 USD makukuha ko buwan-buwan, sige gagawin ko yan. Pero hindi pa rin ako maglalagay ng sandamukal na ads sa blog ko no. Ayokong magmukhang talipapa ang aking munting espasyo sa internet. Kaya kong intindihin kung sideline lang ang ‘blogging for money’, pero kung kinakarir na yan, pinaghahalo-halo na ang post na personal at business, at nagiging main, or should I say “ONLY” source of income ang blog, aba, kailangan mong itatak sa kukote mo ang sasabihin ko.. Instead of driving traffic to your ‘talipapa’ blogs for the sake of money, get a real job instead losers.

Kuntento na ako kagagawa ng entries tungkol sa buhay abroad, tungkol kay Aila, Music, Photography, Fatherhood, Married Life, at tungkol sa kaliwa’t kanang reklamo ko sa mundo. Ok na ako dun. Doon ako masaya. Yan ako eh, may magagawa ba kayo? At kahit may magawa pa kayo, sasakit lang ang ulo nyo sa akin dahil ibitin nyo man ako ng patiwarik, at tortyurin sa silyang may kuryente, hinding hindi nyo makukuha ang gusto nyo sa akin. If I gave it to you, it’s not because you persuaded me, It’s because I wanted to.. Remember that.

I remember someone telling me this before:

“Kailangan ibahin mo ang style mo ng blogging. You have to adjust. If you want your readers to continue reading your posts, give them something new. Something that won’t bore them, and drive them away. Dahil sa totoo lang, medyo nakakasawa na entries mo. Yun at yun na lang eh. Mixes, Aila, etc. Bigyan mo sila ng iba naman. Trust me on this one friend, I know how to play with the readers. I know what they want and If I need to make up stories so that they can’t get enough of me, and will come back for more, I will. That’s how you should blog. That’s how u drive traffic to your blog. Kita mo ngayon, nawala ka ng medyo matagal, hindi na sila bumalik. You can’t blame them. Hindi ka kasi nag-uupdate lagi. Tapos nung bumalik ka same style of entries pa rin. Hindi ka na makakabalik sa top blogs nyan”

  1. I have to adjust? Bakit? Kahit na may kasagutan pa sa tanong na yan, I don’t care. I will not adjust because I don’t want to. “If it ain’t broken, don’t fix it”.
  2. Give them something new daw.. Dahil baka nagsasawa na daw sa post ko tungkol kay Aila at kung anu-ano pa. Let me make this clear and simple. I will post pics of my daughter every single fuckin’ hour of the day if I fuckin’ want to, even if nobody wants to fuckin’ look at them anymore. At pangako ko na titigil lang ako magpaskel ng pics ng anak ko pag may asawa na sya. O kaya naman, kapag sira na ang camera ko. Kaya kung hindi nyo type ang mga pics ng mga cute na babies tulad ni Aila pwes, libre kayong tumambay sa blogs ng iba na puro sentimental music at lovesong videos with lyrics, na galing sa youtube ang laman. Doon kayo makisabay sa pagkanta ng inyong favorite song habang nag-gu-group hug at nagmumuni-muni sa inyong pathetic love life. O kaya naman, doon kayo magpunta sa blog na puro nakakasukang litrato ng mga lalaking ‘half-naked’ at namumukol ang mga burat ang naka-display. O kaya, maki-emo kayo sa mga kapwa nyo emo, magpakalasing kayo sa inyong problema at masalimuot na buhay kahit na ang katotohanan eh wala naman talaga dapat pinoproblema at gawa gawa nyo lang ang inyong depresyon, fuckers.
  3. I don’t need to make up stories. Aminado ako paminsan minsan, dagdag-bawas din ako sa kwento para itago ang mga personal na bagay. Hindi ko na siguro kailangan pang i-kwento kung paano nilamutak ni Mrs. Azrael ang bayag ko at nagkalugas-lugas ang bulbol ko noong nag-away kami di ba? Hindi ko na rin siguro kailangan sabihin pa na ang tunay na dahilan kung bakit ako nawala ng matagal ay na-ospital ako ng 2 weeks sa pinas di ba? At minsan kailangang dagdagan ng ‘juicy details ang isang paglalahad para maging ‘immersed’ ang isang tao sa pagbabasa. You get my point, of course you do.. Sa kabila ng dagdag-bawas na yan, ni minsan hindi ako nag-imbento ng seryosong sitwasyon o pangyayari sa buhay ko para lang katuwaan, kaawaan, bigyan ng simpatya, palakpakan, pagnasaan, pagpantasyahan at mahalin ako ng mga mambabasa. Hindi ko kailangan na mahalin ako ng tao. Sagana na ako sa pagmamahal. I have my wife, daughter, family, and friends. They are enough. At kung kalandian naman ang iniaalay sa akin ng isang mambabasa, hindi ko na yan papatulan pa sa blog na ito dahil minsan na akong nalagay sa alanganin dahil dyan. Sa YM pwede. Eto nga pala YM ko –> lllllll_azrael_lllllll (lols)
  4. At ‘friend’, sino ka para sabihin na hindi na ako makakabalik sa itaas? Isang tao lang ang magdedesisyon kung babalik ako sa itaas o hindi. At yan ay walang iba kung hindi AKO. Sa maniwala ka’t sa hindi, wala akong pakialam jan sa top dog position na yan. Pinagtripan ko lang yan at pinatunayan sa sarili ko, na in 1 day, if I wanted to, I FUCKIN’ CAN. Parang switch lang ang turing ko jan. Something I can turn ON and OFF anytime I want to. Ngayon naka-ON, bukas-makalawa kapag tinopak ako hindi lang OFF ang gagawin ko dyan. Tutuluyan ko na, at pasasabugin ang kuntador para hindi na mag-ON pang muli.
  5. Hindi ko kailangan ibahin style ko. Hindi ko kailangan mag-blog hop 24/7. At wala din akong pakialam kung ang mga dating readers ko eh hindi na magbalikan. Karapatan nilang hindi matipuhan ang aking estilo. Karapatan nilang isipin na walang kwenta ang blog ko. Karapatan nila na sabihing “Azrael’s blog sucks, and Azrael sucks even more”.. Pero karapatan ko rin na huwag bigyang pansin at dedmahin ang kanilang mga misleading at blasphemous remarks. The Lord will punish them evil bastards for their lies.

Para sa ilang tae tao dyan na tuwang tuwa noong nawala ako sa blogosphere ng halos dalawang buwan, at nagsasabing hindi na ako makakabalik sa itaas.. At para sayo ‘friend’, na nagbigay sa akin ng input at unsolicited advice, na walang namang kakwenta kwenta..

Eto ang sa inyo… Isaksak nyo sa baga nyo.

botd-1.jpg

botd-1a.jpg

botd-2.jpg

At kung nahihirapan kayong pagkasyahin sa lalamunan nyo ang mga yan papunta sa inyong baga, gamitin nyo ang mga ito bilang pantulak.. Mainit init pa.

botd1

botd2

botd3

Kung talagang ayaw pa rin, kalabitin nyo na lang ako sa YM at hindi ako mag-aatubiling palakihin ang mga butas ng ilong nyo at ipasinghot ang halimuyak ng aking tagumpay.


pahabol: Para sayo ‘friend’ – Sa susunod, bago mo ako bigyan ng tips at pointers tungkol sa blogging, kung paano wag iwanan ng readers, at kung paano makarating sa itaas, i-set mo muna ang filter mo sa ‘tagalog’ at maki-join ka sa aming kasayahan. Pupusta ako, kahit top 10 di ka aabot.

It’s a jungle out there I’m telling you.. And right now, guess who’s KING….

*pasipol-sipol sa isang tabi habang nagsisindi ng yosi…

I’m done ranting for the day.. Got to end this blog entry with my Lenten message to NON-BELIEVERS of the AZRAEL faith..

“GO FORTH AND FUCK THYSELVES!”

Possibly Related Posts:


Comments (66)

Ang tipo kong babae.. ay ang mga sumusunod:

  1. Beautiful and so damn proud of it – Eto ang type na alam nilang may itsura sila at dahil dyan, halos ipagsigawan sa buong mundo ang kanilang angking kagandahan, kahit na hindi naman interesado ang mundo sa kanilang itsura. Malakas ang loob na sabihin sa lahat kung gaano sila kaganda. Masanay ka na, na pag naguusap kayo, out of the blue bigla sasabihin, ‘byutipul ako talaga grabe!’. Maghanda ka na ng matinding gamot dahil sigurado na sa araw araw na ginawa ng dyos na naririnig mo ang ganitong papuri nila sa kanilang sarili, hindi lang suka ang gagawin mo, sasabayan mo na rin ng pagtatae.
  2. Ugly but doesn’t want to admit it - Eto naman yung mga panget, pero kahit na mukhang piniritong tokwa ang kutis, mukhang pugad ng ibon ang buhok, parang dinaanan ng pison ang ilong, at mukhang pinagdikit na longaniza ang nguso, eh ayaw pa rin tanggapin ang kanilang kapangitan. Nakakabilib ang guts ng mga babaeng ganito. Kapag sinabihan mong ‘uhmmm, you look ok naman ah’, magagalit pa sayo at sasabihan ka ng ’sinungaling! go to hell!’
  3. Emo Girls - Laging senti. Umulan, senti. Umaraw, senti. Xmas, senti. Birthday, senti. Valentines at wala ka-date, senti at suicidal. Kahit na wala problema, gagawa at gagawa ng paraan para maging senti. Masarap kausap ang mga ganitong klaseng babae. Hindi mapapagod ang mga muscles mo sa mukha sa pag-ngiti dahil hindi naman siguro tama kung gagawin mo pang ngumiti pag kaharap sila, eh senti nga eh. Magmumukha ka lang nang-aasar at maaring maging dahilan sa lalo nilang pagiging senti at pagbibigti.
  4. User Friendly Ladies – Nakakatuwa makahalubilo ang mga ganitong tipo ng babae. Masarap kausap. Feel na feel mo ang kanilang presence, ang kanilang pakikiramay, and atensyon at pakikipagkaibigan.. Yun eh kapag may kailangan sila. Pero pag ikaw may kailangan, kahit ano approach gawin mo di ka kakausapin. Kalimitan ang ganitong klaseng babae eh mga ‘bilmoko’ type din. Mahilig magturo, at magpalibre sa kung anu-ano. Kapag nakuha na ang gusto sayo, ‘goodbye friendship’ ka na dude. Mapapakamot ka na lang sa ulo at masasabi sa sarili mo, ‘Shit ginamit lang ako nun ah. Loser ba ako inay???’.
  5. Girls that talk too much – Eto pa ang isang masarap na kausap. Mabilis ang dila. Hindi nauubusan ng sasabihin. Hindi ka na nga kumikibo, pero ‘hala bira’ pa rin sa pagsasalita. Imagine mo to ha.. Karera ng kabayo sa bilis, ala Boy Abunda ang dating sa issues, at halos bumaha na abot hanggang bewang sa sobra talsik ng laway.. Yan sila. Rapid fire ang mga bunganga na kung totoong baril lang, malamang wakwak na at nagkaluray-luray na ang katawan mo sa tama ng bala.
  6. Girls that don’t talk at all – Opposite naman ang mga ito. Ikaw ang mapipilitan magkwento kapag ganitong babae ang kausap mo. Kahit na mag-initiate ka ng magagandang topics, at maglahad ang mga nakakatawa mong karanasan sa buhay, hindi basta basta magre-react. Magpamisa ka sa Quiapo bilang pasasalamat, kapag sumagot sayo ng isang makabagbag damdaming… “k”
  7. Pintasera – Eto naman ang mga mahilig mang-okray ng kapwa. Pagtatawanan ang iyong pagsasalita, pananamit, pangangatawan at kung anu-ano pa. Ikukumpara ka sa kanilang BF kesyo mas pogi sya, mas kewl ang kanyang porma, mas macho sya pero wag ka, mukha naman bakla ang boypren, kung manamit parang aattend ng kasal kahit na sa mall lang pupunta, at mukhang tagahila ng anchor sa barko ang pangangatawan. Pati kapwa babae nila pinipintasan at parang sila lang ata ang nilikha ng dyos na perpekto. Kalimitan ang ganitong tipong babae ang hindi nakakatagpo ng tunay na boypren, iniiwan ng boypren, napipilitang magtyaga sa kapwa babae para maging gerlpren, tumatandang dalaga at natutuyuan ng matris.

Yan ang mga tipo ko…..

  1. Tipo kong pasinghutin ng aroma ng brip na isang taong hindi hinubad.
  2. Tipo kong ilublob sa isang malaking kaldero ng kumukulong tubig at balatan ng buhay.
  3. Tipo kong igapos sa malaking puno ng cactus na nakahubad at palagyan ng chikinini sa libo-libong manyak na langgam.
  4. Tipo kong sapilitang suotan ng butas-butas na parachute, na may kasamang timed bomb, at tadyakan palabas ng eroplano.
  5. Tipo kong ilagay sa kahon na may kasamang ipis, butiki, daga at higad, at ibaon ang kahon sa gitna ng sahara desert.
  6. Tipo kong pagdikitin ang mga labi ng superglue, staple wire, tinunaw na plastik at maipa-welding na rin para siguradong hindi na bubukas pang muli.
  7. Tipo kong lagyan ng condom sa ulo, at gawing dildo ang ulo nya na labas-masok sa ari ng isang nirereglang kalabaw.
img_7138.jpg

Kung yan din ang tipo mo.. Apir tayo.

Possibly Related Posts:


Comments (27)

FUCK YOU

Possibly Related Posts:


Comments (6)