Bangungot
Nanaginip ako kagabi..
Dahil sa malapit na akong umuwi ng pinas, nasa isang mall daw ako at nagso-shopping ng kung anu-ano.
Sapatos. Pantalon. T-shirts. Jacket. Brip..
OO. BRIP. Iba’t-ibang kulay ng brip.
Nasa isang section daw ako ng department store. Napapaligiran ng iba’t-ibang kulay ng undergarments na panlalaki.
Iba’t ibang yari. Iba’t ibang tatak.. Calvin Klein, GinchGonch, Rips, Joe Snyder, Bench at ang aking paborito.. Hanes.
Habang abala ako sa pagpili, may lumapit sa aking saleslady na nakaputi.
“Good morning sir! May napilili na po kayo? Para sa inyo po ba?” ang tanong nya habang napansin kong nakatitig sa aking bukol sa harapan.
“Ah.. eh.. oo” ang sabi ko. “Loyal Hanes user ako miss. Kaya dito ako pumipili. Ang problema nga lang hindi ko alam ang size ko dahil malaki na rin ang inilaki ng aking bewang mula ng nagtrabaho ako sa ibang bansa. Si misis kase ang bumibili ng mga sinusuot kong panloob kaya wala ako talagang alam dito”
“Sir, try nyo itong bagong labas ng Hanes. Kung tutuusin hindi po allowed na isukat, pero dahil boxers naman ito (at nananaginip lang naman kayo), sige po isukat nyo muna ng malaman nyo kung ok ba” ang sabi ni cute saleslady.
“Ah talaga?? Ayos! Sige miss pipili ako ng mga tatlong klase pa, ok lang? Para isang biyahe na lang sa fitting room!” ang sabi ko. habang nakatitig sa dede, este sa mukha ni saleslady. “Saan ba ang fitting room? Dederecho na lang ako dun” ang tanong ko sa kanya.
“Ah… sir.. nire-renovate po ngayon yung area na yun. Bale ang lahat po eh pansamantalang nagpi-fit dun sa quarters naming mga salesladies” ang sagot nya.
Mabilis ang pangyayari. Ang naalala ko na lang, hawak ko ang may tatlo o apat na pirasong brip sa isang kamay, at ang isang kamay ko naman ay hawak ni saleslady habang hinihila ako na parang isang bata sa isang hall na medyo may kadiliman. Binuksan nya ang isang pinto at tulad nga ng sinabi nya, ito ay ang pahingahan ng mga salesladies sa department store na yun.
Possibly Related Posts:
). Anyway, may nakita akong isang advertisment sa isang local newspaper. Ang nakalagay:
:*(... 

