Archive for the ‘ Kwentong walang kwenta ’ Category

Hindi natutuloy ang uwi ko noong Dec. 4.

Ang ganda na sana ng plano. Aalis ako ng dec. 4 dito, at darating sa pinas ng dec 5 bandang tanghali. Nakahanda na sana ang isang trak ng beer, tatlong baboy na lilitsunin, isang banda na tutugtog ng mga paborito kong kanta, at daan-daang babaeng naka shorts na maiksi at may hawak na placard na may nakasulat na “Welcome home AZRAEL!”

Kaso mo…

Ang Bangkok Airport noong mga panahon na ‘yon ay inokupahan ng mga PAD Protesters. Mga bwakanasyet!!!!

Muscat – Bangkok – Manila ang flight ko via Thai Aiways. May abiso sa travel agency na magpa-rebook na lang ako on a later date. Wala raw eroplano na umaalis galing Muscat papuntang Bangkok. Hindi raw nila masabi kung kailan mag-nonormalize ang operations dahil sa kaguluhang nangyayari. Nang itanong ko naman ang earliest available flight na pwede ko i-move ang aking booking, Dec. 20 daw. Oh noooooooo!

I decided to look for another carrier. Wala akong choice. May ilan akong nakita na available pa, but still on a later date (Dec 7 ang earliest) pero saksakan ng mahal ang 2 way ticket! Wala naman problema dahil sagot ng kumpanya namin hanggang 600 OMR (roughly 70k PHP) ang pamasahe. Kaso mo, yung dating booking ko sa Thai 340 OMR lang dapat ang babayaran ko. Tumataginting na 260 OMR (33k PHP) kickback yun!

I made a booking at Etihad - Dec 11 departure 5 am, arrival on same date – 605 OMR, dagdag ako ng 5 OMR tapos walang kwenta pa pagkain. Another one with GulfairDec 13 departure, Dec 14 arrival in Manila – 660 OMR kaso mo 14 hr flight dahil dadaan pa Bahrain, tsk! Qatar AirwaysDec 14 departure, Dec 15 arrival in Manila - another long journey 15 hrs. this time dadaan pa sa Doha. And my favorite – EMIRATES Dec 13 departure, Dec 14 arrival in Manila – roughly 10 hrs flight (pwede!) at pinakamasarap na pagkain at pinaka-comfortable na flight/eroplano na nasakyan ko sa buong buhay ko – all these for 1120 OMR! Tangena 141 thousand pesos??? WAG NA! Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (11)

Hindi ako nakakalimot sa atraso. Kahit isandaang taon pa ang makalipas, kapag may nagawa kang mali saken, habambuhay kang nakasulat sa ’shitlist’ ko.

Wala rin sa akin ang kaibi-kaibigan o kadugo pagdating sa pagtatanim ng galit. Kahit kamag-anak pa kita, basta may ginawa kang napakalaking kasalanan, magkasakit man ako ng Alzheimer’s, hindi pa rin kita malilimutan.

NOON:

Noong binatilyo pa ako (meaning wala pa akong hilig sa gimik at hindi pa ako habulin ng mga chiks), may tatlong magkakapatid na lalaki na pinsan ko ang nanirahan sa pinas galing sa Amerika.

Si Ricky, Michael at Jordan. Half pinoys at half mexican US citizens sila na anak ng tito ko at ng napangasawa nyang Mexicana.

Ipinanganak sa Amerika ang tatlong ito, pero dahil nga sa umuwi ng pinas noon at doon pinag-aral ng kanilang mga magulang, natuto mag-tagalog at nakalakihan ang mga ugali at lifestyle nating mg pinoys.

Taong 1995 ng nakasama ko, at ng mga kapatid kong pawang mga lalaki din, ang tatlong mongrel na pinsan naming mga ito sa iisang bahay lang. Naging impyerno ang buhay namin, lalo na ako dahil saksakan ng kulit ang mga magkakapatid na yan.

Andyan yung magkampihan at maglalaro kami ng basketball, pinas vs usa, pero dahil sa maliliit pa ang mga amerkano, lagi silang talo. At kapag napikon, tangena hinahabol kami ng pamalong kahoy. Natural ako ang pinakamatanda at pinakamatangkad sa aming anim, kaya ako, at ang grupo ko ang laging wagi sa kahit na ano pang laro o contest na pinaglalabanan naming lahat.

Naalala ko rin na minsan akong natutulog ng pinagtripan ako nung tatlong hilaw na pinoy na yun. Nakanganga pa ako habang nananaginip ng naramdaman ko na lang na may biglang bumara sa lalamunan ko. Nanghuli ng gagamba ang nga tarantado at pinasok sa bunganga ko na parang kweba lang ako ganun. Assholes!

Napatawad ko sila sa mga ginawa nilang yan, pero may isang bagay na hanggang ngayon, kapag naaalala ko, binabangungot pa rin ako sa galit..

Hindi ko malilimutan ang ginawa nilang pamamahiya sa akin sa harap ng gerlpren ko noon… Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (51)

NOON:

Mga apat na buwan na rin ang nakalipas ng huli kong makakwentuhan ang nanay ko tungkol sa kung anu-anong isyu tulad ng politika, showbiz, sports at kung anu-ano pa. Tinawagan nya ako sa telepono at nakipagtelebabad ang nanay ko saken. Kung ibe-breakdown mo ang minutong naubos naming dalawa sa loob ng isang oras, ganito ang resulta:

AZRAEL: 5 minutes

Nanay ni AZRAEL: 55 minutes

May sinat pa ata ang nanay ko nun, at halata sa boses nya na may sore throat din sya, kaya hindi sya gaano nakapagsalita.

Anyway, since nasa politika, showbiz at sports ang aming usapan, may isang bagay ako na naitanong sa nanay ko na nagpainit ng ulo nya. Alam mo naman yun, madaling maiirita. Buti na lang hindi ako mana sa kanya. :P

At ang issue???

Si MANNY PACQUIAO bilang isang magaling na boksingero na may paparating na laban ngayong disyembre..

AZRAEL: “Mi! Ano na balita kay Pacman??? May laban sya sa disyembre di ba? Kalaban nya yung paborito nyong boksingero, si Dela Hoya?”

Nanay ni AZRAEL: “Hay naku! Wala yang si Manny! Madami na ang naiinis dito dyan kasi hindi na lang mag-concentrate sa boxing! Pinasok pa ang politika, at ngayon artista at singer na din yata! Ayoko sa kanya kahit champion pa sya na boksingero! Nayayabangan na ako! Pababagsakin ni Dela Hoya yan dahil hindi papayag si Oscar na mabugbog ang kanyang pretty face dahil kay Manny! Tsaka sa laban nila sa december, ipagdadasal ko na matalo si Pacman!”

Sa puntong yun, nahalata ko talaga ang inis ni ermat kay Manny. Ewan ko ba. Nagsimula yan noong pinasok ni Pacman ang politika at naalyansa sa kampo ni GMA. Eh numero unong galit kay GMA si ermat.

Natapos ang usapan namin sa binitawang salita ni ermat na parang ganito:

“Sa akin ka maniwala. Sa December, talo yang si Pacquiao! Dahil ayoko sa kanya at ang ichi-cheer ko eh si Dela Hoya!” Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (21)

Bumisita ako sa WP Pinoys Forum kanina. Binalak kong i-update ang aking profile. Nagulat ako sa dami ng hits ng profile ko. Parang imposible. 20,972 page views in less than a year? Ano yun, almost 60 page visits sa loob ng isang araw? Almost 60 beses sa isang araw na may tumitingin sa profile kong bukod sa walang ka-kwenta kwenta, eh tago pa?

Naisip ko lang, hindi kaya may stalker ako? Dahil hindi lang sa WPP nangyayari na bumubulusok ang page views ko eh. Pati na rin sa friendster at sa worlddj.com.

Stalker, kung sino ka man, magpakilala ka na! Hindi ako magagalit. Kung lalaki ka, maiintindihan ko na ang dahilan kung bakit mo nagagawa yan eh dahil sa gusto mo akong kilalanin ng tuluyan, pag-aralan ang aking pagkatao, para mapag-planuhan mong maayos ang pambubugbog sa akin in person.. Libre ang mangarap parekoy. At libre ko din wawasakin ang pangarap mo.

Kung babae ka naman, walang masama sa maintriga sa pagkatao ko. Kung yan naman ay paghanga, thank you. Pero mali pa rin na sundan mo ako sa lahat ng espasyo ko sa mundo ng internet. Kalabitin mo na lang ako at makikipagkaibigan ako sayo ng walang malisya. Pero kung may malisya ang gusto mo, ah eh… Please wag na. Nagbabagong buhay nako.

Ayoko ng matukso, so help me God. Amen!

Possibly Related Posts:


Comments (50)

Pare-pareho tayong nabubuhay sa internet. Whether we like it or not, our lives won’t be the same again and we won’t function as normal human beings, without the power of the world wide web.

Possibly Related Posts:


Comments (26)