Hindi sa lahat ng oras aasa ka sa ibang tao para pasayahin ka. Kapag dumating ang oras ng depresyon, ano? Mangungulit ka ng tao para damayan ka sa iyong problema? Maghahanap ka ng makakausap at ang unang tao na makasalubong mo sa kalsada magngangangawa ka sa harapan nya ganun? Hindi naman pwedeng maghintay ka na lang at umasa na meron darating para pangitiin ka man lang, eh paano kung wala?
At ano ang ginagawa ng mga kaibigan? Di ba sila ang unang takbuhan natin kapag mayroon tayong mabigat na dinadala. Kalimitan mas pinipili pa nga natin ang mga kaibigan kesa sa pamilya upang pagsabihan ng ating mga problema. Kaya nga tinawag silang kaibigan dahil handa silang dumamay sa kung ano man ang pinagdaaanan mo. Yun eh kung nandyan lang sila. Eh pano kung wala? Paano kung malayo? Paano kung hindi available dahil na rin sa may sarili na silang buhay at pamilya na iniintindi?
At ang pinakamabigat dyan, paano kung sobrang depressed ka na tapos nasa malayong lugar ka pa? Nasa ibang bansa na malayo sa pamilya at kaibigan. Lalo ng magkakalokoloko ang buhay mo dahil asa ka pang may dadamay sayo.
Yan ang hinaharap ng mga OFWs na tulad ko. Tama nga na kung ikukumpara sa iba, eh mas angat ako ng konti pagdating sa kinikita, sa akomodasyon, sa working conditions, sa benepisyo… Pero pare-pareho lang ang lungkot na nadarama namin. Siguro may pagkakataon na mas nagiging malungkot pa nga ako sa kanila. At bakit kamo?
Karamihan ng nakakasalubong ko na mga kababayan dito puro dalaga at binata. Alam naman nating lahat na sige-sige ang buhay ng karamihan dyan. Hindi sila gaanong nakakaranas ng tinatawag na ‘homesick’ dahil wala naman silang mga asawa at anak na iniwan sa pinas. At yung mga pamilyado naman, umasa ka na more than 50 percent sa mga yan na nagtatatrabaho sa Middle East eh meron ding ibang pamilya dito. Kabitan dito kabitan doon. Ginagawa nilang pampalipas oras ang pakikiapid sa asawa ng may asawa. Ang katwiran, para hindi sila malungkot. Isang baluktot na katwiran. Buti sana kung nakakatulong, eh hindi naman. Nakakalimutan ang tunay na pamilya na naiwan sa pinas at nasisira ang magandang buhay na nasimulan..
Sa awa ng dyos ni minsan hindi ko naisip na magloko. Hindi ko naisip na mambabae. Hindi ko naisip na maghanap ng kabit. Seryoso ako sa sinabi ko na yan. Kung ang pagkakakila nyo man saken ay may pagkaharot at malandi, ngayon pa lang itutuwid ko na ang inyong maling akala. Ako na siguro isa sa pinakamatinong tao na makikilala nyo sa buong buhay nyo pagdating sa pagiging loyal sa asawa, at mapagmahal sa pamilya.. Sa tunay na buhay ha. Sa cyberworld, ah uhmmm.. teka ibang usapan na yan. Pero kahit na, ang tingin ko sa sarili ko loyal pa rin dahil mula ng nagpakasal ako kay misis azrael, wala pang ibang babae na nakakatikim saken and that’s a fact.
Babalikan ko ang lungkot.. Paano nga ba ako nakaka-survive dito sa Middle East kapag tinatamaan ng depresyon? kapag down na down? Minsan tinatanong ko rin ang sarili ko nyan. Ang sabi nila, “get yourself busy so you won’t think to much of those you left at home”. Isang malaking kalokohan. Magpapaka-busy ka buong araw??? Paano ang oras mo sa loob ng bahay at nagpapahinga. Eh kalimitan, yung mga oras na yun ang inuubos mo habang iniisip ang asawa at anak na naiwan sa pinas. Eh di lalo kang nalungkot dahil syempre, relax mode ka eh at walang sagabal sa pagmumuni-muni mo. Lalo ka lang malulungkot ngayon. Patay kang bata ka.
Buti na lang, medyo nasanay na rin ako. At nakahanap ako ng paraan para pasayahin ang sarili ko kapag nagsosolo na lang ako sa bahay. Lagi kong sinasabi sa mga bagong salta dito, “Hindi nyo kailangan mambabae, hindi nyo kailangan uminom at maglasing araw-araw, hindi nyo kailangan gumimik ng walang humpay para lang maibsan ang inyong lungkot.. Ang kailangan nyong gawin, hold on to something that will remind you of home, and think of happy thoughts. That’s how you make yourself smile…”
At yang nga ang laging ginagawa ko. Lagi kong hinahawakan yung first baby shoes ni Aila and tell myself, “Wow! Her feet were so small then, now they’ve gotten bigger..” Lagi kong tinitignan ang mga pictures nya lalo na yung mga nauna, noong kasalukuyang binibiyak ang tyan ni misis azrael at hinihila palabas ang aking prinsesa. Lagi kong iniisip ang mga ‘tarantado’ moments ko sa pinas, at natatawa ako kapag naalala ko na minsan na akong nahulog sa kanal dahil hinabol ako ng aso. At yung mga dinanas ko noong nagsisimula pa lang ako mag-DJ sa isang mobile, priceless!
At the end of the day, vivid memories of how I met my wife and how we fell in love are the ones that really put a smile on my face. After all, I wouldn’t be where I am today if not for her. Siguro, maloko pa rin ako ngayon at hindi siguro nagsawa sa pagkabinata kung hindi ko sya nakilala. Baka DJ pa rin ako, at ang masama nun, gabi gabi pa rin siguro akong nambababae at kung saan saan bahay nagigising pag umaga. Syempre pa, wala siguro dito si Aila kung hindi ko napangasawa si Misis Azrael.
Right now, I’m a bit depressed. Alam naman nyo siguro kung bakit. Pero nothing to worry about, I’m fine.
I have the pictures of my wedding to look at.. Enough reasons for me to make it through the day…
And looking at these pics, I can say to myself…
“NOW I FEEL GOOD….”
Possibly Related Posts: