Archive for the ‘ Life abroad ’ Category

Hindi sa lahat ng oras aasa ka sa ibang tao para pasayahin ka. Kapag dumating ang oras ng depresyon, ano? Mangungulit ka ng tao para damayan ka sa iyong problema? Maghahanap ka ng makakausap at ang unang tao na makasalubong mo sa kalsada magngangangawa ka sa harapan nya ganun? Hindi naman pwedeng maghintay ka na lang at umasa na meron darating para pangitiin ka man lang, eh paano kung wala?

At ano ang ginagawa ng mga kaibigan? Di ba sila ang unang takbuhan natin kapag mayroon tayong mabigat na dinadala. Kalimitan mas pinipili pa nga natin ang mga kaibigan kesa sa pamilya upang pagsabihan ng ating mga problema. Kaya nga tinawag silang kaibigan dahil handa silang dumamay sa kung ano man ang pinagdaaanan mo. Yun eh kung nandyan lang sila. Eh pano kung wala? Paano kung malayo? Paano kung hindi available dahil na rin sa may sarili na silang buhay at pamilya na iniintindi?

At ang pinakamabigat dyan, paano kung sobrang depressed ka na tapos nasa malayong lugar ka pa? Nasa ibang bansa na malayo sa pamilya at kaibigan. Lalo ng magkakalokoloko ang buhay mo dahil asa ka pang may dadamay sayo.

Yan ang hinaharap ng mga OFWs na tulad ko. Tama nga na kung ikukumpara sa iba, eh mas angat ako ng konti pagdating sa kinikita, sa akomodasyon, sa working conditions, sa benepisyo… Pero pare-pareho lang ang lungkot na nadarama namin. Siguro may pagkakataon na mas nagiging malungkot pa nga ako sa kanila. At bakit kamo?

Karamihan ng nakakasalubong ko na mga kababayan dito puro dalaga at binata. Alam naman nating lahat na sige-sige ang buhay ng karamihan dyan. Hindi sila gaanong nakakaranas ng tinatawag na ‘homesick’ dahil wala naman silang mga asawa at anak na iniwan sa pinas. At yung mga pamilyado naman, umasa ka na more than 50 percent sa mga yan na nagtatatrabaho sa Middle East eh meron ding ibang pamilya dito. Kabitan dito kabitan doon. Ginagawa nilang pampalipas oras ang pakikiapid sa asawa ng may asawa. Ang katwiran, para hindi sila malungkot. Isang baluktot na katwiran. Buti sana kung nakakatulong, eh hindi naman. Nakakalimutan ang tunay na pamilya na naiwan sa pinas at nasisira ang magandang buhay na nasimulan..

Sa awa ng dyos ni minsan hindi ko naisip na magloko. Hindi ko naisip na mambabae. Hindi ko naisip na maghanap ng kabit. Seryoso ako sa sinabi ko na yan. Kung ang pagkakakila nyo man saken ay may pagkaharot at malandi, ngayon pa lang itutuwid ko na ang inyong maling akala. Ako na siguro isa sa pinakamatinong tao na makikilala nyo sa buong buhay nyo pagdating sa pagiging loyal sa asawa, at mapagmahal sa pamilya.. Sa tunay na buhay ha. Sa cyberworld, ah uhmmm.. teka ibang usapan na yan. Pero kahit na, ang tingin ko sa sarili ko loyal pa rin dahil mula ng nagpakasal ako kay misis azrael, wala pang ibang babae na nakakatikim saken and that’s a fact.

Babalikan ko ang lungkot.. Paano nga ba ako nakaka-survive dito sa Middle East kapag tinatamaan ng depresyon? kapag down na down? Minsan tinatanong ko rin ang sarili ko nyan. Ang sabi nila, “get yourself busy so you won’t think to much of those you left at home”. Isang malaking kalokohan. Magpapaka-busy ka buong araw??? Paano ang oras mo sa loob ng bahay at nagpapahinga. Eh kalimitan, yung mga oras na yun ang inuubos mo habang iniisip ang asawa at anak na naiwan sa pinas. Eh di lalo kang nalungkot dahil syempre, relax mode ka eh at walang sagabal sa pagmumuni-muni mo. Lalo ka lang malulungkot ngayon. Patay kang bata ka.

Buti na lang, medyo nasanay na rin ako. At nakahanap ako ng paraan para pasayahin ang sarili ko kapag nagsosolo na lang ako sa bahay. Lagi kong sinasabi sa mga bagong salta dito, “Hindi nyo kailangan mambabae, hindi nyo kailangan uminom at maglasing araw-araw, hindi nyo kailangan gumimik ng walang humpay para lang maibsan ang inyong lungkot.. Ang kailangan nyong gawin, hold on to something that will remind you of home, and think of happy thoughts. That’s how you make yourself smile…”

At yang nga ang laging ginagawa ko. Lagi kong hinahawakan yung first baby shoes ni Aila and tell myself, “Wow! Her feet were so small then, now they’ve gotten bigger..” Lagi kong tinitignan ang mga pictures nya lalo na yung mga nauna, noong kasalukuyang binibiyak ang tyan ni misis azrael at hinihila palabas ang aking prinsesa. Lagi kong iniisip ang mga ‘tarantado’ moments ko sa pinas, at natatawa ako kapag naalala ko na minsan na akong nahulog sa kanal dahil hinabol ako ng aso. At yung mga dinanas ko noong nagsisimula pa lang ako mag-DJ sa isang mobile, priceless!

At the end of the day, vivid memories of how I met my wife and how we fell in love are the ones that really put a smile on my face. After all, I wouldn’t be where I am today if not for her. Siguro, maloko pa rin ako ngayon at hindi siguro nagsawa sa pagkabinata kung hindi ko sya nakilala. Baka DJ pa rin ako, at ang masama nun, gabi gabi pa rin siguro akong nambababae at kung saan saan bahay nagigising pag umaga. Syempre pa, wala siguro dito si Aila kung hindi ko napangasawa si Misis Azrael.

Right now, I’m a bit depressed. Alam naman nyo siguro kung bakit. Pero nothing to worry about, I’m fine.

I have the pictures of my wedding to look at.. Enough reasons for me to make it through the day…

And looking at these pics, I can say to myself…

“NOW I FEEL GOOD….”

Possibly Related Posts:


Comments (19)

Isang bagay na hindi ko kayang palamapasin eh yung makitang sinisigaw-sigawan ang tatay ko. Tahimik na tao yun, ni minsan walang nakaaway at walang nakasamaan ng loob sa sobrang kabaitan. Hindi madakdak tulad ko, at hindi mo makikitang nakasimangot at sa halip, laging nakangiti kahit medyo inis na sya sa kausap nya.

My dad is a licensed Geodetic and Civil Engineer. Nagtapos yan sa UNC at sa UP ng dalawang kurso na yan. Pinag-aral ng gobyerno ng pinas noon sa Amsterdam ng dalawang taon, at sa Madrid ng isang taon para sa Urban Planning at Geospatial Analysis. Kung hindi umalis ang tatay ko sa pinas, malamang undersecretary na yan noon pa sa DENR. Kung meron akong isang tao na pwedeng ipagyabang kahit kanino, yan ang aking pagkabait-bait na ama.

Uminit ang ulo ko kanina dahil kasama ko sya sa field dahil sa isang sideline o special job na sya lang ang pwedeng mag-assist sa akin dahil sa kanyang expertise, at mayroong isang nag-aastang magaling na engineer kuno ang putak ng putak at mando ng mando na akala mo sya ang eksperto.

Medyo nasa kalayuan ako, pero nakita ko kung paano duruin ng isang Turkish Engineer ang tatay ko. Nilapitan ko ang dalawa, at kasabay noon ang paglapit din ng tatlong alipores ng magaling na Turkish sa amin. Isang Lebanese, isang Syrian at isang Egyptian. Derecho sa putak si Turkish, at ang tatlong kasama nya, nagsisigaw na rin. Sinalo lahat ng tatay ko ang insulto. Nakipagsagutan sa apat na mga kausap nya sa kalmado at mahinang boses. Nakisali na rin ako sa sigawan, pero inawat ako ng tatay ko at sinabihan na lumayo. Usapan daw nila yun at wag akong makialam. Hindi raw tama at wag ko raw gayahin ang kamalian na ginagawa ng mga kausap nya. “Lumayo ka muna. Mainitin ang ulo mo eh, lalaki ang away. Ako ang bahala dito”, ang tanging sabi nya.

Bago ako lumakad palayo, nakita ko kung paano itinaas ng isa dun sa apat ang kanyang kamay, itinuro ang isang daliri, at dinuldol sa dibdib ng tatay ko. Imbes na gumanti, mas pinili ng tatay ko na umiwas at lumakad na rin palayo sa mga kausap nya.

Nilapitan ko sya, garalgal ang boses ng tatay ko habang pinapaliwanag sa akin ang nangyari. Ngayon lang daw sya nakaranas ng ganung pamamahiya, na kung tutuusin eh wala naman syang kinalaman at kasalanan lahat ng isa pang gagong engineer na nagkataon ipinasa lang ang trabaho sa aming dalawa dahil hindi nya alam ang kanyang ginagawa. Galit na galit ako, sumisigaw na rin sa wikang pinoy na kami lang dalawa ng aking ama ang nakakaintindi.

Bigla akong natahimk. Biglang napatunganga. Biglang napako sa aking kinatatayuan….

Kitang kita ko ang luha na tumulo galing sa mata ng aking ama. Humalo ang luha na iyon sa pawis sa kanyang pisngi na dulot ng init ng araw.

Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Naiyak ako na parang bata. Naalala ko kung paano ako inalagaan at binigyan ng proteksyon ng aking ama noong ako ay bata pa. Naalala ko ang paghihirap nya sa aming magkakapatid. Ni minsan hindi ko nakita ang tatay ko na nagreklamo sa amin noon kahit na mayroong pagkakataon na naging pahirap kaming magkakapatid sa aming mga magulang.

Hindi ko alam kung ‘yon ang tinatawag na emotional breakdown, pero pinilit na itago ng tatay ko ang pag-iyak nya. Sa mahina nyang boses, ito ang mga natandaan kong sinabi nya…

“Mahirap lang ako nung bata.. Sariling kayod para mapagtapos ko ang sarili ko sa kolehiyo.. Naglako ako ng bananacue, nag-kutsero, naglinis ng babuyan, at nag-janitor para lang bigyan ng kaganapan ang aking mga pangarap. Napangasawa ko ang pinakamagandang babae sa buong mundo, nabiyayaan kami ng tatlong matitinong anak, ng apat na magaganda at gwapong apo, nakapag-pundar ng bahay at kagamitan, at nagkaroon ng magandang pamumuhay dahil sa hirap, tiyaga, disiplina at pagpupursigi… At eto lang ang katapat ko?? Ang pagyurak sa aking pagkatao ng ibang lahi na hindi man lang inisip na mas matanda, mas may kaalaman at mas eksperto ako sa kanila? Nasan ang respeto sa kapwa tao?..”

Pinigilan ko na ang tatay ko sa pagsasalita.. Inihatid sya sa aking sasakyan. Naka-akbay ako sa balikat nya at nagibiro na gigimik kaming dalawa mamayang gabi. Napangiti ang tatay ko.. Mas lalo akong naiyak, dahil bigla kong naisip, “Iba talaga tatay ko. Napaka-simple. Ang daling pasayahin. Ang daling alisin ng galit sa puso… Mahal ko talaga itong mama na ito”…

At habang nagpapalamig sa aircon ng sasakyan ang tatay ko, binuksan ko ang trunk at kinuha ang isang survey pole na bakal. ito lang ang naisip kong paraan para iligaw ang aking sarili sa nararamdamang pinaghalong galit at awa. Iniwasan ko rin kasing patagalin pa ang seryosong sitwasyon na aming kinalalagyan ngayon. Ayoko namang mag-iyakan kami pareho sa loob ng sasakyan, sa gitna ng disyerto, sa isang bansa na kami ay mga banyaga.. Ayokong magmukha kaming kawawa..

“Punta lang ako sa station ha?, mamarkahan ko ang benchmark para alam ko ang posisyon mamaya ok?” ang sabi ko. Tumungo lang ang aking ama sabay pahid ng naghalong luha at pawis sa kanyang pisngi..

Habang naglalakad palapit sa lugar na aking pagtatayuan ng survey pole, bumalik sa utak ko ang nangyari kani-kanina lang. Nandun pa rin ang apat na hindot na kanina lang ay minaliit ang tatay ko. Nag-uusap, nagtatawanan, nagsisigawan… sa kanilang native language na Arabic.

Malas nila dahil una, naintindihan ko ang kanilang pinagsasabi. Na kesyo duwag daw pala ang mga Asyano, na kesyo small-time daw ang tatay ko, at ang pinakamatindi… Harapan daw nilang pinahiya ang isang eksperto sa harap ng kanyang sariling anak, at wala itong nagawa kundi lumayo na parang asong nabahag ang buntot.

Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanila sabay senyales sa apat na lumapit sa akin. Gamit ang aking survey pole, gumuhit ako ng isang derechong linya sa buhangin.. Isang linya na pinaghihiwalay ang aking kinatatayuan sa kanila. “Doon sila, dito ako”, sa isip-isip ko..

“Why are you making this line on the ground? Is that what we paid you to do? A line?” sabay tawanan ang mga loko.

“NO”, I said. “This line is to separate the bad-asses from the fags. And the way I see it, you’re all on the faggots’ side!”. “You call yourself men?? Cross the line and show me what you’ve got! But I’m warning you, all of you.. Cross this line and you’re dead!”

At doon na nagsimula ang kanilang katapusan…

Halos sabay sabay naglapitan ang apat na gago. Hindi ko na pinatagal ang girian. Pinagpapalo ko ng survey pole na bakal ang apat. May isang hindi napuruhan kaya nagantihan ako ng isang suntok sa panga at malakas na tadyak sa tagiliran. Bumagsak ako at ng akmang palapit ang loko, nabigyan ko ng isang sipa naman sa bayag. Hindi pa ako nakuntento at pinagpapalo ko pa sila sa ulo. Dalawa ang duguan sa noo, isa ang basag ang ilong, at yung isa naman may latay sa braso. At ang icing sa cake, pinagduduraan ko sila habang nagmumura.. “Mga putang-ina nyo! Nagkamali kayo ng iinsultuhin!

Lumakad ako palayo at siniguradong walang sumusunod sa akin. Dukot ng celfone at dial sa number ni General Maharoqi. Sumakay sa sasakayan na parang walang nangyari, at biglang tanong sa tatay ko…

“Bakit hindi man lang kayo bumaba? Bakit hindi nyo ako tinulungan eh apat kaya yun??! Eh pano kung mabugbog ako??!”

At ang sabi ng tatay ko, “Aba ikaw naghamon eh, bahala ka sa buhay mo. At tsaka habang nakikipag-pataasan ka ng ihi sa mga yun, tinawagan ko na rin si Ambassador Karusi, inabisuhan ko na na may inaway ka na naman”.

Balak ko pa sanang magtagal sa site, pero tinawagan na rin pala ng tatay ko yung isa pang gagong engineer na nagbigay sa amin ng sideline. Hindi na raw nya gagawin. Dahil ayaw daw nya makatrabaho ang mga bobo at walang alam na mga engineers.

“Yaaaaaaaan! Ganyan dapat! Dapat magalit ka din! Murahin mo sila at sabihin mong wala sila sa kalingkingan mo!”, ang sabi ko sa kanya.

“Sus, alam ko naman yun eh. Kaya nga di ko sila pinatulan kasi di ko sila ka-level”, ang sabi nya.

Napakamot ako ng ulo…

“Uwi na tayo! Naghihintay na mommy mo! Magagalit yun pag nakitang nakipag-away tayo!” dagdag nya.

AZRAEL: “Tayo????? Eh ako lang nakipag-away ah!!!! Umiyak ka lang eh!”

TATAY NI AZRAEL: “Mas malakas nga iyak mo eh. Para kang babae.”

At sabay kaming nagtawanan mag-ama.

——————————————————–

UPDATE

Spent two hours at the police station earlier. Nagreklamo ang apat na ginulpi ko (ako pa ang nang-gulpi eh no? lol). Parang mga babae na putak ng putak sa harapan ng pulis, dumating ang boss ko, ang kaibigang ambassador, at isang kaibigan ng tatay ko na nagtatrabaho sa Royal Court. Dinaan sa diplomasya at hindi na itinuloy ang formal complaint laban sa akin. Pinagsabihan lang ako ng pulis na wag ko ng uulitin ulit. Natawa ako ng nag-usap usap sila ng Arabo at sinigawan ng isang pulis yung apat.. Apat daw sila tapos sila pa nagreklamo, parang hindi raw kapani-paniwala na sila pa ang nabugbog wahahahahaha!

Todo ang suporta sa akin ng mga kaibigang Omani. Tama daw ang ginawa ko. Umalis ako ng police station na may ngiti sa mukha. Nagpang-abot kami ng dalawa dun sa apat sa parking lot at humingi ng dispensa yung dalawa. Gustong makipag-kamay, hindi ko pinansin. Tinalukuran ko lang sabay sakay ng sasakyan at harurot palayo.

Nagpunta ako sa malapit na ospital at pinatignan ang kanang kamay at ang mata ko. May fracture ako sa right hand, may blod clot sa left eye, namamaga ang kaliwang parte ng pisngi, at mayroon kulay ube na namumukol sa bandang taas ng tuhod sa kanang paa. Matindi rin pala ang inabot ko kanina, hindi ko lang naramdaman ang sakit dahil sa galit. Nothing to worry about sabi ng duktor. My wounds will heal in time.

It’s the emotional torment that scares me. Everyone in the family, and some of my friends know how passionate I am when it comes to things. Isa itong bagay na naging dahilan para mag-rambol ang emosyon at saloobin ko. Hindi ko ito malilimutan. It will leave me emotionally scarred for life, that I am certain..

At habang nasa ospital ako at nakikipag-usap sa duktor. nag-ring ang aking celfone at nasa kabilang linya si General Maharoqi. He plans on talking to Immigration officials to persuade them to cancel the working visas of the four assholes. Nakausap na rin daw nya ang employers ng apat. Ang may ari ng kumpanya na Shanfari ay nagkataon palang distant relative ni general. Uh-oooh……

Nagkamali talaga sila ng binangga. They took my father for granted, looked down on his accomplishments, and downplayed his own connections here, and look what happened? Retribution.

May ngiti akong umalis sa ospital at taas noong lumakad papunta sa sasakyan. Naisip ko lang naman…

TANGINA NYO, MALAPIT NA KAYONG MAWALAN NG TRABAHO MGA HINDOT. HABANG ANG TATAY KO NASA SALA, NAKAPATONG ANG MGA PAA SA LAMESITA, UMIINOM NG BEER AT KUMAKANTA NG SINTUNADO SA PABORITO NYANG “MY WAY” NI SINATRA….

Possibly Related Posts:


Comments (55)

Dismayado ako. Badtrip. Galit. Kailangan mailabas ko ang kinikimkim ko kung hindi, baka mapilitan akong lumabas ng bahay at maghanap sa tabi-tabi ng ‘terorista 4 hire’ para pasabugin ang opisina namin.

Huwebes ng huli kong nakausap ang boss ko. Nasa field ako noon, at tinatawagan ako para sabihing kailangan daw matapos ang ginagawa ko para makabalik ako ng hapon sa opisina. Half-day ang Thursday dito, at alam ng buong Oman na kapag half-day, patay ang workfone ko at hinding hindi mahahagilap si AZRAEL! Kahit lumilindol pa yan, bumabagyo o bumabaha, hindi pwede akong istorbohin, sa paglalaba!

Napilitan akong bumalik ng hapon sa opisina dahil ang pagkakaalam ko, anytime pupunta si bossing sa pinas, mga 2 weeks magbabakasyon dun kasama ang syota nyang pinay na dancer sa isang club, at mag-uubos na naman ng pera. At kapag hindi ko naagapan, sigurado na pati ang pampasweldo nya sa kanyang mga empleyado eh magagalaw, tulad ng mga dati ng nangyari sa amin.

May pagka-iresponsable kase tong damuho na boss ko. Walang pakialam sa mga hinaing ng kanyang mga tauhan at ang tanging importante lang sa kanya eh magtrabaho kami ng maayos, para tuloy-tuloy ang pasok ng pera sa aming kumpanya. Wala naman ako problema doon dahil yan naman ang talagang dahilan kung bakit andito ako, para magtrabaho, makaipon ng pera, yumaman at maging milyonaryo bwahahaha!

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (19)

Hindi sa lahat ng bagay maganda ang nauuna. Hindi sa lahat ng oras, maganda ang laging maaga. Hindi sa lahat ng linya, maganda ang laging una sa pila.

Nakasanayan ko nang gumising at umalis ng maaga para sa fieldwork. Iniiwasan ko kasing abutan ng kasikatan ng araw. 10 AM pa lang dito, talaga namang tatagaktak na ang pawis mo kapag nagbabad ka sa initan. Kaya ang ginagawa ko, habang naghihilik pa at tulo ang laway sa pagtulog ang karamihan, 4:30 AM pa lang gising na ako at mga bandang 5:30 AM, lumalabas na para magtrabaho.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (14)

Karaniwan nyo nang nababasa ang mga posts ko about DJing, Family Life, Aila, Photography at ang aking mga walang katapusang Rants. I want all of you to know me more, and the only way to do that is to tell stories related to my chosen career. Gusto kong ilahad sa inyo ang mga nangyayari sa akin kapag ako ay nasa labas at nagpi-fieldwork.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (31)