Archive for the ‘ Parenthood ’ Category

Mahirap din ang buhay may-asawa. Hindi sa lahat ng oras nagkakasundo ang isang lalaki at isang babae pagdating sa mga desisyon at diskarte na kinakailangang gawin para malampasan ang kung ano mang problema na dumarating sa buhay ng pamilya. Sino ba ang ayaw na malusutan ang bawat balakid? Sino ang ayaw na malampasan ang pagsubok?

Sa tinagal-tagal na naming mag-asawa ni Misis Azrael, taas noo kong sasabihin na wala pang matinding problema sa buhay namin na hindi namin nahanapan ng solusyon. Nahihirapan kami kapag nagkaka-aberya sa aming mga pangarap oo, pero dahil nga sa ang lahat ng ito ay pinag-uusapan namin ng maayos, nalalampasan namin ang lahat ng yan na may ngiti sa aming mga mukha.

Alam namin ang capabilities at weaknesses ng isa’t isa kaya sa mga pagkakataong may mabigat kaming hinaharap, kung sino ang mas madiskarte at kung sino ang mas maabilidad, sya ang nagte-take charge at sya ang nasusunod.

Sa madaling salita, sa tuwing may decision making..

AKO LAGI ANG BOSS. :lol:

Pag sinabi ko, oo lang ng oo yun! Nakangiti lang at may kasama pang himas sa aking batok at halik sa likod ng aking tenga. Pag sinabi kong gawin mo to, gawin mo yun, talo pa ni Misis Azrael si energizer bunny sa sipag at bilis ng pagkilos.

Kaso mo, nababasa nya ang blog ko at kapag nag-away kami sa mga pinagsasasabi kong kasinungalingan katotohanan ngayon at bigla kong binura ang blog na ito, at bigla akong naglaho sa mundo ng internet, wag nyo sanang isipin na inutusan nya ako at sya ang nasunod at natakot ako sa kanya ha?? :lol:

Seryoso na…

Hindi sa lahat ng pagkakataon, ako ang boss. May mga oras din syempre na dumidiskarte si misis at nagdedesisyon ng mga bagay bagay na hindi na kailangan pang i-konsulta sa akin.

Tama lang yan. Ganyan ang dapat sa mag-asawa. Nagbibigayan. Nagrerespetuhan. Nagtatapikan ng balikat kapag may isang bagay na nagawa na hindi na kinakailangan ang tulong pa ng isa.

Sa mga oras na ito, gusto kong tapikin ang balikat ni misis at halikan sya sa noo. Gusto kong sabihin sa kanya, na bagamat hindi ako ang nagdesisyon sa isang bagay na ginawa nya ngayon, bilib pa rin ako sa kanya dahil nagpakita sya ng tapang upang harapin ang pagsubok.

Hindi madali para kay Misis Azrael ang ginawa nyang ito. Alam kong mabigat ang loob nya. Alam kong nasasaktan sya kapag naiisip nya ang aming bonding moments at quality time na iniukol sa isa’t isa na syempre kasama ang aming prinsesa na si Aila.

Sino ang hindi malulungkot kapag naisip na.. noong nakaraang buwan lang, masaya kaming nagsasama-samang tatlo.

Pero ngayon, kami ay magkakalayo na. :worry:

Naiwan si Aila sa kanyang lolo’t lola. Naiwan akong malungkot na nag-iisip at may mga tanong sa isipan na alam kong sya lang ang makakasagot.

Kailangan nyang gawin ‘yon.

Kailangan nyang mangibang bayan.

Kailangan nyang humiwalay at lumayo…

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (9)

Aila had her first haircut about a week ago. Masyado na raw kasi mahaba ang buhok at naiirita na ang anak ko kaya pinagupitan na ni Misis Azrael. Kinabahan nga daw si misis dahil baka sumpungin si Aila at magwala habang ginugupitan ng buhok. Surprisingly, Aila enjoyed it :happy: Ang bait talaga ng anak ko, mana sa ama :cool:

Here are some of Aila’s first haircut photos: Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (28)

JULY 6, 2008

Ang bilis ng panahon. Natatandaan ko pa noon, problemado kami ni Misis Azrael dahil hindi kami makabuo. Hanggang sa dumating ang punto na nagdesisyon kami, na may isa sa amin ang kailangang magsakripisyo at mag-resign sa trabaho. No choice eh. Kailangan namin magkasama ng matagal para paghaandaan ang lahat. Hindi naman kase uubra yung fire na lang ng fire. Kailangang ikundisyon din ang aming mga katawan.

Thank God after almost 4 years of trying, Mrs. Azrael and I were blessed with a cute little girl we named, MARIA AILA YSABELLE. It was the most joyful time in our lives as a married couple. Hindi maipaliwanag ang saya at excitement. Walang katulad!

May ilan beses ko na rin ginawan ng entry si AIla sa blog kong ito. Obvious ba na proud na proud ako sa pagiging daddy? Aila doesn’t need any more introductions. You, my friends in the blogosphere already know who she is, and what she means to me.

Aila is my inspiration, my pride, my life.

O di ba ang cute cute ng anak ko???

Mukhang may pagkamaldita at makulit lang ano? May pinagmanahan! :p

HAPPY FIRST BIRTHDAY MARIA AILA YSABELLE!

MOMMY & DADDY LOVE YOU SO MUCH!

Possibly Related Posts:


Comments (37)

Dear Aila,

Kamusta ka na? Nakita ko na ang latest pics mo, grabe ang laki mo na. At lalo kang gumaganda. Kwento saken ni mommy na 9 kgs ka na daw? Hahahahaha ang bigat mo na ano anak? Ang lakas mo siguro dumede ng gatas ano? Umiinom ka pa rin ba ng fresh orange juice everyday? Patatas at papaya pa rin ba ang mga paborito mong gulay? I’m sure hindi lang yan ang kinakain mo ngayon. Madami ka na rin siguro alam na tricks huh? Balita ko magaling ka daw sumayaw, at responsive ka daw sa mga taong nakikipag-usap sayo. Nakakatuwa naman. I am so proud of you my dearest Maria Aila Ysabelle.

Sayang nga lang anak, at hindi nakikita ngayon ni daddy yang mga pinaggagagawa mo. Pero ok lang, ang importante lumalaki ka ng maayos, malayo sa sakit, at sagana sa pagmamahal. Wag mong iisipin na hindi kita nami-miss ha? Araw-araw lagi kitang naiisip. Gabi gabi lagi kitang napa-panaginipan. Magkalayo man tayong dalawa ngayon, at hindi mo man mayakap si daddy kapag naglalambing ka, lagi mo lang tatandaan..Umalis sa daddy sa pinas, at bumalik ulit sa Oman pero… katawan lang nya ang sumakay sa eroplano.

Iniwan nya ang puso at kaluluwa nya sa piling nyong dalawa ni mommy..

I miss you so much my little prinsesa…

love,

Daddy

Possibly Related Posts:


Comments (31)

Nakatunganga na naman ako sa kisame. Mamaya, lalabas na naman ako sa balkonahe, magyo-yosi at mag-iisip ng malalim. Pilit sasagutin ang mga katanungang alam kong mahirap sagutin.

Nagulat ako noong isang araw dahil nag-text si misis saying that she might be working again. Ang bilis ng pangyayari. She got a text from a friend who happens to work for an embassy Sunday night, asking if she’s interested to apply for a job. Syempre, ang sagot ni misis “yes” dahil ganun naman talaga yun eh. Kahit hindi interesado sa trabaho, at hindi alam ang mga haharaping responsibilidad, laging oo lang ang sagot nyan.

She was instructed to send her resume by email the following day. Lunes, nag-send si misis around 10 AM. She got a call at around 11 from the consul asking if she can be scheduled for an interview ASAP.. Syempre, yes na naman ang sagot. Yun pala, ASAP means 2 in the afternoon on that same day hahahaha!Takbo si Mrs. Azrael sa Makati. Derecho sa conference room na interview room din yata. After reading her resume, and the usual question and answer crap, she was asked the question most applicants are dying to hear; “When can you start?”. Natural ang sagot ni misis ‘yes’ ulit bwahahaha! Biro lang, ang sagot nya syempre.. “immediately”, syempre pakitang gilas kahit hindi naman sigurado na gusto nya talagang magtrabaho.

Pag-uwi ng bahay around 5pm, hindi pa nakakahalik kay Aila, nag-ring ang fone. It was the same person that interviewed her hours ago, saying she was hired and asking if she can report the following day. Hala! Bakit ang bilis? Ganyan ba talaga? I know for a fact that Mrs. Azrael is qualified, pero bakit hired agad? Bobo ba ang ibang aplikante kaya si misis ang napili? Sobra ba urgent ang need for the position at kailangan mag-start na agad kinabukasan? Sobrang na-impress kaya ang interviewer sa talino, kaseksihan, at mapang-akit na titig ng asawa ko? Hmmmm.. Sa palagay ko, nagkataon lang talaga na swak na swak ang personality at experience ni misis sa dati nyang trabaho kaya tanggap sya agad.

Dyan ngayon papasok ang aking pagkalito. Minsan na kasi naming napag-usapan ni Mrs. Azrael ang aming financial situation. Bihira mangyari yan dahil hindi naman sa pagmamalaki, ni minsan hindi ako nakarinig ng angal galing sa asawa ko na kesyo naliliitan sya sa budget, nahihirapan sa gastusin, at ni minsan hindi nya minaliit ang sweldo ko. I have provided for my family the best way I can, and I can honestly say, I did one helluva job!

Teka, kaya ko naman pala ibigay ang gusto nila, kaya ko pala sila pakainin at damitan ng maayos, kaya ko pala ibigay ang hilig, kaya pala bigyan ng maganda at masaganang pamumuhay, eh bakit kailangan pa syang magtrabaho??Iba na kasi ngayon. May anak na kami. At hindi pala biro ang magka-anak. Nababago ang direksyon ng buhay mo. Your priorities, your needs, your lifestyle.. They will all change. Kung dati kang gastador, ngayong may anak ka na matututo ka na magtipid. Kung dati kang gimikero at mahilig uminom, ngayon imbes na ipambili mo ng magandang damit o kaya naman isang bote ng mumurahing brandy, ipambibili mo na lang ng diapers at gatas ng bata.

I remember my wife asking me this question before; “My lab, pag may dumating na opportunity at may nag-offer sa akin ng magandang trabaho, O-oo ka ba?” Hindi ako nakasagot noon. Ang sinabi ko lang, “Ikaw ang bahala.. This time I’ll leave the decision to you and you alone.. Do what you think is right.. Do whatever makes you happy”..

An opportunity came.. A high-paying job was offered.. And Mrs. Azrael decided.. She accepted the job and started working for the embassy today. I am so happy for her but I’m having mixed thoughts about how I really feel. Masaya ako dahil kahit saang anggulo mo tignan, mas maganda talaga ang dalawa ang nagtatrabaho. Isipin mo na lang ang benefits. Double the income means double the fun. Mas mabibili ang gusto, mas makakain ng masarap, mas gagaan ang pamumuhay. Sa isang banda, malungkot din ako. Nalulungkot dahil wala na ngang nakikitang daddy si Aila sa kanyang paglaki, pati ba naman mommy nya eh hindi rin nya makikita? Makakasama oo, pero kelan? Gigising si Aila ng 9 AM wala na mommy nya, darating si misis 7 PM patulog na si Aila. Ano? Magkatabi lang sila sa pagtulog sa gabi, ganun na lang??

Haaaayyyyy.. Naiisip ko tuloy, sapat nga kaya ang sweldo ko para sa kanila? Hindi man nagrereklamo si misis pero, baka naman nahihirapan din sya at ayaw lang nya sabihin? Pwede rin naman na naawa sya sa akin dahil medyo nahihirapan din ako dito. O kaya naman, ayaw nya sayangin ang kanyang pinag-aralan kaya minarapat nyang bumalik ulit sa pagtatrabaho?

These are the questions that’s been bothering me. I want the best for Aila but I don’t know if letting Mrs. Azrael work again is the best thing to do. I also love my wife and her happiness means a lot to me but I am uncertain if her new job would bring her real happiness.

Sa paanong paraan ba dapat ibase ang aming pagsasakripisyo? Ano ba ang mas importante, atensyon sa anak, o pagsusumikap na bigyan sya ng mas magandang buhay? Ano ba ang mas masaya, nabibili nyo lahat ang gusto nyo, o kahit na naghihirap kayo eh sama sama pa rin? Career ba, o pamilya?

I’m not making sense anymore.. Ang alam ko lang..

Nalilito ako talaga tangina…

Possibly Related Posts:


Comments (21)