Archive for the ‘ Philippines ’ Category

I’ll be brief on this one.

DJ Tiesto, the world’s greatest DJ (arguably) will be coming back to Manila on April 19, 2008 for the “ELEMENTS OF LIFE: Asia Pacific Tour”. This will be Tiesto’s 2nd visit to the country.

301776767.jpg

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (22)

Sawa na raw sila sa presidente at sa kanyang pamilya. Sobra na daw ang mga kinasasangkutang anomalya. Pero kapag tinanong mo: “Ano?!!! Ilaglag na natin?! Makisama na tayo sa mga protesta at rallies?! Mag-ambag tayo kahit ano para lang mapatalsik sa posisyon yang salot na yan?!!” ang tanging isasagot sayo.. “Sori pre, ayoko na sa kanya oo, pero wala tayong ipapalit eh. Kaya mananahimik na lang ako”

Kalokohan. Hindi rason yan timang. Hindi porket’ walang karapat-dapat na ipalit sa nakaluklok na presidente, eh mananatili ka na lang na walang imik at hahayaan mong ipagpatuloy ang ginagawang katarantaduhan.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (14)

I’ve been gone for 2 months. Kababalik ko lang galing sa pinas, at eto na naman ako sa bansang Oman.. Nagbalik para magtrabahong muli. Iniwan pansamantala ang aking pamilya, para mag-ipon ulit dahil magastos sila, sobra nyahahaha!

2 months ako nawala sa sirkulasyon. 2 months iniwan ang blogosphere at kinalimutan ang pagiging blogger at sa halip, nag-concentrate sa pagiging isang anak, kapatid, asawa, ama at siga sa kanto.

Alam ko na kahit paano, mayroon ako responsibilidad bilang isang blogger at pagiging miyembro ng blogging community. Noong nasa pinas pa ako, minsan ay naiisip ko rin kayo, ang aking mga kaibigan. Nakatulala sa kisame habang pinapanood ang pag-aaway ng mga butiki, at binabalikan ang mga nakaraang experiences noong ako ay super active pa sa blogging. Nangingiti ako kapag naalala ko ang palitan ng mga mensahe sa comments section, ang pang-ookray ng mga walang kwentang tao, ang pagtarantado sa mga kasumpa-sumpang nilalang, at mga kalokohan na aking kinasangkutan.

In spite of the good memories, blogging has also been the reason why I became non-active. Huwat?? Naging inactive sa blogging dahil sa blogging?? Anlabo anak ng teteng! Hayaan nyong ipaliwanag ko. Dahil sa pakiramdam ko, I owe some of you, if not all, an explanation on why I suddenly disappeared from the limelight. Ganito kasi yan….

I was excited to show Mrs. Azrael my blog and my writings. Inakala ko na kapag nabasa nya ang aking entries, matutuwa sya at mabibigyan ako ng matinding yakap at halik (na maaring mauwi sa romansahan), dahil sa galing kong magsulat (Ok… feeling magaling pala). Hindi ko inaasahan na imbes na matuwa sya, ito pala ay mauuwi sa away. I swear, muntik na ako makalbo sa sabunot at nagmistulang ‘rudolph the red nosed reindeer’ ang aking ilong sa sobrang pitik. Eh paano nga naman ako hindi aawayin, eh buking na buking ako sa kalandian ampft! Oo na.. Kasalanan ko ng lahat. Tao lang ako. Nagkakamali. Nadarapa. At nahuhulog sa kumunoy.

In short, nanahimik ako sa blogging dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang inis sa akin ni Mrs. Azrael. Kasama na rin nito ang pangako sa kanya na sa aking pagbabalik, hindi na ako lalandi at hindi na magpapalandi kahit kanino. Friendship na lang kasi please??

With what happened, I had a different perspective on life and it’s complexities. Maganda na mailahad mo ang iyong nararamdaman kahit na gaano pa ito ka-brutal pero minsan, ang pagiging vocal sa mga bagay bagay ay nagiging sanhi rin pala ng hidwaan at hindi pagkakaintindihan. I learned a lesson or two from this experience and I am hoping… No.. I am promising that the same mistake won’t ever happen again.

Kaya para sa inyo dear readers and followers of my blog, pasensya na ha. Sorry kung hindi man lang ako nakapagparamdam noong nasa Pinas ako. Madami akong binalak noon. I was even hoping to join our fellow bloggers from Wordpress Pinoys for their Christmas outreach program. I don’t know if that one pushed through, but if it did.. I’m sorry for not taking part. Humihingi din ako ng paumanhin sa mga napangakuan ko ng pasalubong na camel. Actually meron talaga eh. Kaso mo sa sobrang galit ni Mrs. Azrael, pinakatay lahat ng camel at pinamigay sa mga tambay sa amin para gawing pulutan.

Sabi nga nila.. “With great looks come great responsibility (nyahahaha!)”.. Responsibilidad ko na magpaliwanag sa inyong lahat. Responsibilidad na sabihing… Eto na ulit ako. Nagbabalik.

Hindi man ako makapag-post ng mga nakakakiliting entries ngayon, sisikapin ko pa rin na mag-update ng blog on a regular basis. Expect more mixes, more rants (definitely more rants), more work related experiences, and more posts and pics from home.

AZRAEL IS BACK! Halleluiah!

P.S. - May nagsabi sa akin noong isang araw lang, mababawasan na raw image ko dahil hindi na raw ako ladies’ man.. Ok lang.. tangina mang-aaway na lang ako!!!

Ok.. sino uunahin natin??

 

ch.jpg

Possibly Related Posts:


Comments (22)

Kahapon ko pa sana nai-post ang entry na ‘to. Nagulat ako sa YM status ng isang kaibigan dahil ang nakalagay, ‘glorietta mall bombed’ or something like that. I immediately checked online kung mayroon ngang mga balita tungkol dito, kung totoo man o hindi.

g4.jpg

I frequent this area when I was still in the Philippines. Isa sa favorite na kainan ko ang Luk Yuen. My wife and I used to eat there a lot, and go shopping at the nearby stalls. Nang mabasa ko ang ilan sa mga unang balita na patungkol sa Glorietta bombing, I was shocked. Hindi ako makapaniwala na sa panahong ito, at sa isang lugar na tulad ng makati pa ito mangyayari.

pic-10201225360563.jpg

 

pic-10201226470863.jpg

(photos courtesy of inquirer)

MORE PICS HERE

Mahirap malaman kung sino ang responsable sa karumal-dumal na pangyayaring ito. may nagsasabi na LPG tank explosion daw. May mga first hand accounts na sinasabi naman may nakita daw sila na sasakyan na nakaparada na maaring naging instrumento. Mayroon din namang nagsalaysay na sa mga stalls daw na nagtitinda ng baby and children stuff maaring nagsimula ang pagsabog. At sa huling balita na nailabas ng inquirer, ang explosive daw na ginamit ay may RDX na syang main chemical component ng C-4 explosive, na tanging militar lang ang mayroon.

[youtube = http://www.youtube.com/watch?v=mbm49EisyEA]

[youtube = http://www.youtube.com/watch?v=1tQmrNECqmE]

(videos by tonyocruz)

[youtube = http://www.youtube.com/watch?v=zKz9wumZmHw]

(video by tribalangel)

Sino nga ba ang salarin? Muslim extremists? NPA? Military? Saan na papunta ang Pilipinas? Lagi na lang bang ganito? Kailangan bang mga sibilyan ang magbuwis ng buhay sa walang katapusang away at sa mga baluktot na ipinaglalaban? Bakit hindi na lang kayo ang magpatayan? Wag na kayo mangdamay ng mga inosente!

Kahit sino pa man ang may sala, one thing is clear. Trabaho ito ng mga walang puso! Walang kunsensya! Trabaho ng mga duwag!!!!!!!!

This act was designed not only to sow terror, but obviously to kill. End the lives of innocent civilians for gains I can never comprehend. I condemn this act of terrorism in the strongest possible manner!

My condolences to the families of those who died, and those who are still recovering in their hospital beds.

Sana wag ng masundan ito. Malapit na ang pasko. Putangina naman eh maawa naman kayo sa mga kapwa nyo Pilipino na walang kinalaman, at walang pakialam sa mga katarantaduhang inyong ipinaglalaban, mga hindot!

Possibly Related Posts:


Comments (21)

I saw this video at YouTube earlier, and I can’t stop laughing! This is a video of “Thriller” by Michael Jackson, performed by around 1,500 inmates from a Cebu Prison in The Philippines. Habang pinapanood ko sya, and daming katanungan ang pumasok sa utak ko.. Sino nag-organize? Ano ba ‘to, exercise of some sort? O talagang pinaghandaan? Para saan? Watch and see what I’m talkin’ about.

Yung bading, thriller na thriller ang dating amp! Kahit zombie ako di ko ata maaatim na kainin yan!

Possibly Related Posts:


Leave your Comment