Archive for the ‘ Photoblog ’ Category

Ano daw??

*kamot ulo

At ang ganda ganda ng babae sa pic haaaaaaaaay… Kaya lang…

MAY ASAWA NA SYA.

AKO!

Possibly Related Posts:


Comments (10)

Naalimpungatan ako sa pagtulog kanina. Pagkatapos kumain ng tanghalian, imbes na humarap sa PC, minabuti kong magpahinga na lang. Napasarap ang tulog ko ng hapon, pero bigla akong bumalikwas sa pagkakahiga ng naalala ko na may importanteng kaganapan pala ngayong araw na ito.

May 6, 2008 - eksaktong 10 months na pala si AILA!!

Sorry anak! Buti na lang naihabol ko pa at nakatawag pa ako sayo. Hindi mo man maintindihan ang pinagsasasabi ko kanina sa fone dahil baby ka pa, ang importante hindi ako nakalimot at narinig mo pa rin ang boses ng daddy mo na baliw na baliw sayo. Promise my ‘lil princess, sa first birthday mo sa July 6 all out tayo!

Happy 10 months MARIA AILA YSABELLE!

Possibly Related Posts:


Comments (15)

Hindi sa lahat ng oras aasa ka sa ibang tao para pasayahin ka. Kapag dumating ang oras ng depresyon, ano? Mangungulit ka ng tao para damayan ka sa iyong problema? Maghahanap ka ng makakausap at ang unang tao na makasalubong mo sa kalsada magngangangawa ka sa harapan nya ganun? Hindi naman pwedeng maghintay ka na lang at umasa na meron darating para pangitiin ka man lang, eh paano kung wala?

At ano ang ginagawa ng mga kaibigan? Di ba sila ang unang takbuhan natin kapag mayroon tayong mabigat na dinadala. Kalimitan mas pinipili pa nga natin ang mga kaibigan kesa sa pamilya upang pagsabihan ng ating mga problema. Kaya nga tinawag silang kaibigan dahil handa silang dumamay sa kung ano man ang pinagdaaanan mo. Yun eh kung nandyan lang sila. Eh pano kung wala? Paano kung malayo? Paano kung hindi available dahil na rin sa may sarili na silang buhay at pamilya na iniintindi?

At ang pinakamabigat dyan, paano kung sobrang depressed ka na tapos nasa malayong lugar ka pa? Nasa ibang bansa na malayo sa pamilya at kaibigan. Lalo ng magkakalokoloko ang buhay mo dahil asa ka pang may dadamay sayo.

Yan ang hinaharap ng mga OFWs na tulad ko. Tama nga na kung ikukumpara sa iba, eh mas angat ako ng konti pagdating sa kinikita, sa akomodasyon, sa working conditions, sa benepisyo… Pero pare-pareho lang ang lungkot na nadarama namin. Siguro may pagkakataon na mas nagiging malungkot pa nga ako sa kanila. At bakit kamo?

Karamihan ng nakakasalubong ko na mga kababayan dito puro dalaga at binata. Alam naman nating lahat na sige-sige ang buhay ng karamihan dyan. Hindi sila gaanong nakakaranas ng tinatawag na ‘homesick’ dahil wala naman silang mga asawa at anak na iniwan sa pinas. At yung mga pamilyado naman, umasa ka na more than 50 percent sa mga yan na nagtatatrabaho sa Middle East eh meron ding ibang pamilya dito. Kabitan dito kabitan doon. Ginagawa nilang pampalipas oras ang pakikiapid sa asawa ng may asawa. Ang katwiran, para hindi sila malungkot. Isang baluktot na katwiran. Buti sana kung nakakatulong, eh hindi naman. Nakakalimutan ang tunay na pamilya na naiwan sa pinas at nasisira ang magandang buhay na nasimulan..

Sa awa ng dyos ni minsan hindi ko naisip na magloko. Hindi ko naisip na mambabae. Hindi ko naisip na maghanap ng kabit. Seryoso ako sa sinabi ko na yan. Kung ang pagkakakila nyo man saken ay may pagkaharot at malandi, ngayon pa lang itutuwid ko na ang inyong maling akala. Ako na siguro isa sa pinakamatinong tao na makikilala nyo sa buong buhay nyo pagdating sa pagiging loyal sa asawa, at mapagmahal sa pamilya.. Sa tunay na buhay ha. Sa cyberworld, ah uhmmm.. teka ibang usapan na yan. Pero kahit na, ang tingin ko sa sarili ko loyal pa rin dahil mula ng nagpakasal ako kay misis azrael, wala pang ibang babae na nakakatikim saken and that’s a fact.

Babalikan ko ang lungkot.. Paano nga ba ako nakaka-survive dito sa Middle East kapag tinatamaan ng depresyon? kapag down na down? Minsan tinatanong ko rin ang sarili ko nyan. Ang sabi nila, “get yourself busy so you won’t think to much of those you left at home”. Isang malaking kalokohan. Magpapaka-busy ka buong araw??? Paano ang oras mo sa loob ng bahay at nagpapahinga. Eh kalimitan, yung mga oras na yun ang inuubos mo habang iniisip ang asawa at anak na naiwan sa pinas. Eh di lalo kang nalungkot dahil syempre, relax mode ka eh at walang sagabal sa pagmumuni-muni mo. Lalo ka lang malulungkot ngayon. Patay kang bata ka.

Buti na lang, medyo nasanay na rin ako. At nakahanap ako ng paraan para pasayahin ang sarili ko kapag nagsosolo na lang ako sa bahay. Lagi kong sinasabi sa mga bagong salta dito, “Hindi nyo kailangan mambabae, hindi nyo kailangan uminom at maglasing araw-araw, hindi nyo kailangan gumimik ng walang humpay para lang maibsan ang inyong lungkot.. Ang kailangan nyong gawin, hold on to something that will remind you of home, and think of happy thoughts. That’s how you make yourself smile…”

At yang nga ang laging ginagawa ko. Lagi kong hinahawakan yung first baby shoes ni Aila and tell myself, “Wow! Her feet were so small then, now they’ve gotten bigger..” Lagi kong tinitignan ang mga pictures nya lalo na yung mga nauna, noong kasalukuyang binibiyak ang tyan ni misis azrael at hinihila palabas ang aking prinsesa. Lagi kong iniisip ang mga ‘tarantado’ moments ko sa pinas, at natatawa ako kapag naalala ko na minsan na akong nahulog sa kanal dahil hinabol ako ng aso. At yung mga dinanas ko noong nagsisimula pa lang ako mag-DJ sa isang mobile, priceless!

At the end of the day, vivid memories of how I met my wife and how we fell in love are the ones that really put a smile on my face. After all, I wouldn’t be where I am today if not for her. Siguro, maloko pa rin ako ngayon at hindi siguro nagsawa sa pagkabinata kung hindi ko sya nakilala. Baka DJ pa rin ako, at ang masama nun, gabi gabi pa rin siguro akong nambababae at kung saan saan bahay nagigising pag umaga. Syempre pa, wala siguro dito si Aila kung hindi ko napangasawa si Misis Azrael.

Right now, I’m a bit depressed. Alam naman nyo siguro kung bakit. Pero nothing to worry about, I’m fine.

I have the pictures of my wedding to look at.. Enough reasons for me to make it through the day…

And looking at these pics, I can say to myself…

“NOW I FEEL GOOD….”

Possibly Related Posts:


Comments (19)

Transformation 1: DESKTOP

My PC recently went bonkers. Kung tutuusin dapat na talagang palitan ito dahil almost 4 yrs na rin itong Acer ko na bulok. I planned to to buy a new desktop PC, yung dual-core na with at least 1 gig of memory and a top of the line videocard pero naisipan kung butingtingin muna yung nasirang PC, at baka sakali mapagana ko pa. At isa pa, naalala kong wala pala akong pera pambili ng bago LOL.

Mabuti na lang, mas talentado pala ako sa gawaan ng sirang PC kesa sa siraan ng maayos na PC, kaya nagawa ko pang isalba ang aking bulok na computer. Kalikot dito kalikot doon, samahan mo na ng upgrade ng memory from 512 to 2 gig, dagdag ng dalawang external drive na tig-500 gig each, palit ng 17″ monitor to a brand new 21″ LCD screen, upgraded the built in soundcard to a soundblaster audigy and the 128mb videocard to a 512mb nvidia geforce, new wireless keyboard and mouse, pagkabit ng router para may internet ako sa lahat ng PC at laptop sa bahay, at syempre ang pinaka-importante, change of OS.. from XP to Vista..

NOT!!! lol

Hindi pa ako ready na mag-format ng HD ko. My desktop PC is still running on Windows XP but I installed a transformation pack called Bricko Vista Inspirat, at nagmukhang Vista na ang OS ko! It’s a good transformation pack actually, way better than the ones I tried before. It didn’t slow down my system at all. Combined with the upgrades, and a few tweaks here and there, walaaaa! Mukhang bago na ulit ang aking computer! And the best part about this whole PC repair and upgrade thing is, my desktop now looks way better than before. The black and orange color combination of my favorite Zune theme is gone. Ngayon black na lang, but with the new icons, and the cool effects that came with the Vista Inspirat Transformation pack, my desktop is sleeker than ever!

OLD

NEW

Transformation 2: LIGHTROOM

And just when I thought I knew stuff about photography.. (kamot ulo sabay simangot..)

Nagulantang ako when I found out that most of the amazing and spectacular shots I see from the pros actually undergo Post Processing techniques. Karamihan sa mga photos na nakunan ko using my DSLR look dull, kaya akala ko tuloy bopols ako sa photography ampft! Buti na lang nandyan ang photoshop at kung anu-ano pang photo manipulation programs to enhance my photos.

I don’t use photoshop at all. Unang-una, hindi naman ako marunong nyan eh. Pangalawa, I don’t have the time to study the program dahil mukhang masalimuot at mahirap isingit sa busy sked ko sa trabaho, and lastly, naniniwala ako na sa mga tulad kong baguhan sa mundo ng photography, dapat na mag-concentrate muna ako sa skills sa composition and techniques at hindi sa pag-edit/enhance ng photos.

Pero minsan handy rin kung may kaalaman ka sa Post Processing. Paano na lang kung meron kang isang partikular na shot na gustong-gusto, pero hindi ganun kaganda at walang dating? At dahil sa bopols ka at walang alam kung paano sya didiskartehan para maging kaaya-aya sa iyong paningin, eh di ganun na lang? Hindi na pwede ayusin? Bumili ka pa ng DSLR eh so-so lang pala ang mga photos mo. Hindi naman pwedeng iasa mo lahat sa camera, dahil ang camera ay tool lang. Ang lahat ay nakasalalay sa kamay at diskarte ng litratista kung paano gagawing panalo ang isang photo.

Kaya naisipan kong dagdagan ng kahit kaunti ang aking kaalaman. Doon muna ako sa madali. Adobe Lightroom muna. Tsaka na yang Photoshop na yan.

Kaya eto ang ilan sa mga pics na pinakialaman ko using Lightroom. Compare the original with the post-processed photos and I’m sure you will agree with me on this: Hindi man sya ganung ka-colorful compared to the orignals, pero mas naging dramatic ang dating di ba?!

At ang subject? Syempre walang iba kundi ang pinakamagandang baby sa balat ng lupa..

Ang anak ko!

Transformation 2: WATTA HAIR

Kung mapapansin nyo, short-hair pa si AILA sa mga photos na nasa itaas. Dahil matagal na yang mga pics na yan, nasa pinas pa ako noon. Long hair na sya now pero ang ipinagtataka ko, everytime I look at her recent pics, hindi ko naman makita yung sinasabi ni Misis Azrael na mahaba na daw ang hair ni Aila. In fact, napagalitan ko pa si misis one time dahil laging nakatali/nakapusod ang hair ni Aila. Sabi ko sa kanya, wag sanayin na ganun dahil baka baby pa lang eh mabatak at malagas na ang hair at hindi tumubo ng maayos dahil lagi ngang may ribbon.

Eto ang itsura ni AILA ngayon kapag nakatali at may ribbons sa buhok:

Hindi ko masyado type. Pakiramdam ko hindi angat ang tunay na kagandahan ng anak ko kapag nakatali ang buhok. Sigurado ako mas cute syang tignan kapag wala yang mga borloloy na yan sa buhok nya. Gusto kong isipin na hindi ako nagkakamali sa aking hinala, kaya kayo na lang ang humusga. Cute ba sya dyan?

O mas cute sya dito??

Hindi yan ang natural na tubo ng hair ni AILA. Ready for bed na sya kasi at kaaalis lang ng panali sa buhok nun kaya ganyan ang itsura. Parang wig na parang afro na parang pugad ng ibon na di mo maintindihan ampft.

But just the same, cute ka pa rin talaga anak at hindi dahil sa tatay mo ako kaya ko sinasabi yan. Kahit tanungin mo pa lahat sila isa lang ang sasabihin nila sayo..

“Aila you are soooo adorable! Sana paglaki mo mag-transform ka pa lalo ha? At wag mo sanang maging kamukha ang tatay mo!”

Possibly Related Posts:


Comments (24)

Dear Aila,

Kamusta ka na? Nakita ko na ang latest pics mo, grabe ang laki mo na. At lalo kang gumaganda. Kwento saken ni mommy na 9 kgs ka na daw? Hahahahaha ang bigat mo na ano anak? Ang lakas mo siguro dumede ng gatas ano? Umiinom ka pa rin ba ng fresh orange juice everyday? Patatas at papaya pa rin ba ang mga paborito mong gulay? I’m sure hindi lang yan ang kinakain mo ngayon. Madami ka na rin siguro alam na tricks huh? Balita ko magaling ka daw sumayaw, at responsive ka daw sa mga taong nakikipag-usap sayo. Nakakatuwa naman. I am so proud of you my dearest Maria Aila Ysabelle.

Sayang nga lang anak, at hindi nakikita ngayon ni daddy yang mga pinaggagagawa mo. Pero ok lang, ang importante lumalaki ka ng maayos, malayo sa sakit, at sagana sa pagmamahal. Wag mong iisipin na hindi kita nami-miss ha? Araw-araw lagi kitang naiisip. Gabi gabi lagi kitang napa-panaginipan. Magkalayo man tayong dalawa ngayon, at hindi mo man mayakap si daddy kapag naglalambing ka, lagi mo lang tatandaan..Umalis sa daddy sa pinas, at bumalik ulit sa Oman pero… katawan lang nya ang sumakay sa eroplano.

Iniwan nya ang puso at kaluluwa nya sa piling nyong dalawa ni mommy..

I miss you so much my little prinsesa…

love,

Daddy

Possibly Related Posts:


Comments (31)