Archive for the ‘ Photography ’ Category

img_8442

Pebrero. Buwan ng mga puso. Panahon ng pagmamahalan..

Kailangan ko pa bang ipaliwanag ang ibig sabihin ng litratong ito?

Singsing + Pangalan ni misis + Anino ng puso = PAG-IBIG

Awww… nilalanggam ako.

This entry also seen @ shuttered-world

Possibly Related Posts:


Comments (15)

img_2001

Ito ang aking lumang printer. Isang HP Deskjet 845c. Galing sa opisina at itatapon na sana pero naisipan kong iuwi ng bahay at baka sakaling mapakinabangan pa. Binalak na noon ay linisin, ngunit dahil sa katamaran, hindi ko na nagawa pa ito.

Naglinis ako ng bahay kanina dahil malapit na akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon at napagtuunan ko ng pansin ang lumang printer na ito. Naisipan kong ikahon na lang para maiuwi sa pinas, at maipamigay sa mas higit na nangangailangan.

At dahil ipamimigay ko na rin naman sya, bakit ko pa lilinisin? Yamong ang bagong may-ari ang syang maglinis nyan. Gusto kong makita nya ang alikabok na “imported”. Ibibigay ko na nga sa kanya, ako pa ang maglilinis? Ano siya hilo? :lol:

This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD

Possibly Related Posts:


Comments (7)

Si Misis Azrael. Ang aking kasabwat sa lahat ng kalokohan at kaakibat sa lahat ng bagay. Ang ina ng aking magandang anak na si Maria Aila Ysabelle.

Sa mga oras na nangangapa ako sa dilim, naliligaw, at nangangailangan ng gabay, si misis ang nagiging tanglaw sa daan at nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para ituloy ang paglalakbay at harapin ang pagsubok ng buhay.

Sa aking pansamantalang paglisan upang magtrabaho sa ibang bansa, siya ang walang kapaguran na sumusubaybay sa paglaki ng aming anak. Sumisigurong lalaki na malusog, masaya, at malayo sa kapahamakan si Aila. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (13)

Bumili ako ng bagong celfone noong isang linggo. Naisipan na palitan na ang luma kong ginagamit dito. Pinag-isipang mabuti kung ano ba ang magandang modelo, at dahil na rin sa kasanayan sa paggamit ng Nokia, napagdesisyunan ko na N96 ang modelo na para sa akin.

Matapos ang ilang araw, napansin ko na madaling maubos ang karga ng baterya nito. Ibinalik ko sa tindahan at nireklamo ang bagong biling gamit ,at matapos ang pagtatatalo, pinalitan nila ng bagong baterya. Inusisa kong maaigi ang dahilan kung bakit nagkaganoon at ang tanging sagot sa akin ng mga tao doon, dahil daw ito ay gawang Tsina at maaring pinalitan ang orihinal na baterya na kasama sa kahon upang ibenta sa mas malaking halaga.

Bagong modelo ng telepono, lumang baterya. Sa panahon ngayon talagang mapapatanong ka sa sarili.. Ang binili mo ba ay bago nga kaya?

———————————————————

This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD

Possibly Related Posts:


Comments (37)

1984 ng una akong makapagbakasyon sa bansang pinagtatrabahuhan ng tatay ko. Tandang tanda ko pa ang mga bago at magagarang kagamitan sa bahay, na inabutan namin dito. TV, VCR, stereo, oven at kung anu-ano pa.

Wala na ang mga kagamitang iyon. Sira na. Naipamigay na. Naitapon na. Napalitan na ng bago.

Pero may isang gamit na hanggang ngayon ay gumagana at nagagamit pa. Ang aking kaibigan sa paglalaba.

Ang gamit na ito na may dalawampu’t-apat na taon na rin sa kanyang pagsisilbi. Walang kapaguran sa pag-ikot ng motor at lingguhan ang pagkusot at pagpiga sa naipong labahin.

Retirado na ang tatay ko. Nasa Pilipinas na. Pero bago sya tuluyang umuwi sa bansang sinilangan nagpang-abot pa kami dito sa Oman at ang tanging ipinamana nya sa akin ay ang lumang gamit na ito. “Ingatan mo ito” ang sabi nya. “Alagaan mo at mahalin. Pagsisilbihan ka nito ng walang reklamo”.

2008, may dalawampu’t-apat na taon ng nagsisilbi sa pamilya ang kagamitang ito. Nagmula sa tatay ko, hanggang sa akin, nagamit na rin ni Misis Azrael, at malamang na makikita rin ni Aila.

Luma na. Tuklap na ang pintura. Kinakalawang na. Pero matikas pa rin at hindi pa rin pumapalya sa pagtulong sa aking paglalaba.

Ang aking luma ngunit may pakinabang pang washing machine.

This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD

Possibly Related Posts:


Comments (16)