Archive for the ‘ Rants ’ Category

Dedma

Mahigit dalawang linggo na kitang hindi nakakausap. Wala akong pakialam kahit abutin pa ng isang taon yan. Sanay na ako. Hindi mo ako kayang pasukuin at kung inaakala mong ako na naman ang lalapit at gagawa ng paraan para makausap kang muli, sa pagkakataong ito nagkakamali ka.

Hindi aabot sa ganito kung hindi matigas ang kukote mo. Napaka-simpleng bagay, nauwi sa matinding away. Gusto ko lang ipamukha sayo kung saan ka nagkamali. At kung hindi mo kayang tanggapin ngayon na ikaw ang may pagkukulang, hintayin mo ang tamang oras dahil ipamumukha ko sayo lahat yan ng harapan.

Sagutin mo ang tanong ko. BAKIT HINDI MO AKO MATAWAGAN?

Tatlo ang numbers ko dito. Dalawang local sim at isang globe na roaming. Sa tuwing tinatanong kita kung bakit hindi ka makatawag, ang laging sagot mo.. “Puro ring lang eh! Yung isang number naman walang tone!”

Kalokohan. Gagawin mo pa akong sinungaling ngayon pag sinabi ko sayo na ni isang number sa tatlong yan eh wala naman nagri-ring? Hindi mo ba naisip na baka yang lintek na simcard mo ang may problema? Ahh naisip mo nga pala. Pero hindi sapat na dahilan yan para hindi ka maghanap ng ibang paraan para matawagan ako. Wala bang ibang celfone na pwedeng mahiram dyan, kargahan ng load, at gamitin na pantawag saken??? Wala?? Ok I rest my case.

I therefore conclude, ayaw mo lang talagang tumawag. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (27)

ESTUPIDA

1. Mayroon mga taong saksakan ng tigas ang kukote at sobra sa katangahan. Yung bang kahit paluin mo ng maso eh hindi man lang magkakaroon ng lamat ang bungo. Mapupudpod at mauubos ang talim ng drill bit kapag sinubukan mong barenahin ang ulo ng mga ito, at pwersahang lunurin ang utak sa tinunaw na libro ng kaalaman. Pero bihira lang yata ang ganitong klase ng tao, rarity sila ika nga. Kahit na ‘dumb chick’ magnet ako, sa awa naman ng dyos wala pa akong nakakatagpo at nakikilalalang taong ganito kalala in person. Some came really close, but due to a spark of brilliance and some perceptive views on a few topics discussed, my initial impression on them were disproved that instant.

2. Mayroon din naman taong sobra ang tapang. Katapangan na hindi naayon sa sitwasyon. Katapangan na bulok na idelohiya naman ang  pinaglalaban. Yun bang wala namang gulo, walang problema sa isang lugar at nanahimik ang lahat eh bigla na lang magpapapansin at magsisisigaw ng “jihad!” habang todo-japorms na ala-terorista  at literally dressed to kill. Why do some people really have to be this confrontative when everyone else around them is just minding their own business?? Bakit kailangan gambalain ang peace and order? Ano ba ang kinakain ng mga taong ito at nag-aanyong parang lead-toro sa isang bull run?? Puro abante ang alam :worry: May katapangan din naman ako sa katawan at alam ng karamihan yan, pero hindi naman ako basta basta sumusugod sa away lalo na kapag hindi ko naman alam ang pinagmulan, at hindi ko sigurado kung makakauwi pa ako ng buhay.

3. Idagdag mo pa dyan ang mga taong walang sense of humor. Masyadong seryoso sa buhay. Lahat ng bagay binibigyan ng seryosong kahulugan. Hindi ako magtataka kung ang ganitong mga klase ng tao eh namamatay na kunot ang noo. Hindi kasi marunong mag-differentiate between a serious matter and a joke. Laughter is the best medicine ika nga, that’s why from time to time, when other people are trying to contain their amusement because of something that was said or done, you need to flash that smile, roll on the floor giggling, laugh with the whole world, and at least go with the flow. If you can’t, then do everyone a favor, stay in one corner, shut the hell up and don’t ruin the mood!

Kapag pinagsama-sama mo ang tatlong bagay na yan at nilagay mo sa katawan ng isang babae (ok ok I’m a chauvinist pig, everyone hush!), what do you get?? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (37)

Lion King

Tatlo kaming magkakapatid na lalaki. Ako ang panganay. Kung isasama ang tatay ko, at ang dalawa kong pamangkin na batang lalaki, anim kaming boys sa pamilya.

Matanda na ang tatay ko, at kahit na noong kabataan pa nya, hindi naman yun umaasta na siga at astigin sa side ng family ko. Tanggap nya na mas astig sa kanya ang kanyang mga anak.

Yung pangalawa, nagmana sa tatay ko, at kahit na mas malaki ang katawan nya sa akin, talo ko yun sa basketball, swimming, bunong-braso at jack en poy dahil walang lakas yun, pero mahal ko yun at kahit na minsan hindi ko naisip na darating ang panahon na magkakasubukan kami sa isang no-holds barred caged wresting match.

Yung bunso naman, patpatin. At kung may lakas na parang malnourished na bata yung pangalawa, eto naman bunso eh ampaw. Saksakan pa ng tamad at hindi mo aasahan sa trabahong bahay. Magpalit lang ng pundidong bombilya hindi pa marunong.. Worthless piece of shit. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (39)

YM Crap

Sa aking pagkakaalam, naimbento ang Yahoo Messenger para makapagpalitan ng mensahe at makapagdaldalan ang mga magkakaibigan, magkakakilala, magkakamag-anak, at syempre kasama na rin dyan ang paglalandian ng mga taong nagpipilit na lokohin ang sarili nila na sa internet single sila, pero sa totoong buhay, sandosena na pala ang anak.

Kung iisipin mo, hi-tech replacement lang naman talaga ang mga messengers tulad ng YM dahil isa lang naman talaga ang purpose nyan. COMMUNICATION. Isipin mo na lang kung wala ang mga messengers ngayon, siguro nagsusulatan pa rin tayong lahat. Dinadaan pa rin sa mahal na singil na tawag galing abroad para lang makibalita sa mga kamag-anak na naiwan sa pinas. At kung wala ang webcam, malamang puro litratong padala lang ang pwedeng asahan para malaman mo kung ano na ang itsura ng kaibigan mong nasa ibang bansa.

Pasalamat tayo dahil sa teknolohiya. Napakadali na nating makibalita sa mga kakilala. Isang PM lang, simula na yan ng kwentuhan. Konting bola lang, mauuwi na yan sa paghuhubad ng nasa kabilang YM window. Hindi ko na dapat pang sinabi yan dahil ang totoo, wala akong hilig dyan. Example lang yan! Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (23)

Hindi na biro ang trabaho ko dito. Sobrang hirap na. Parang gusto ko ng sumuko. Nag-usap na nga kami ni Misis Azrael at sinabi ko sa kanya na parang gusto ko ng umuwi ng pinas. Nahihirapan na ako dito. Buti na lang mabait at understanding si Misis Azrael, at ang sabi nya sa akin, “Sige kung pagod ka na dyan, umuwi ka na dito. Ako na bahala sayo. Ako na lang ang magtatrabaho para sa ating tatlo ni Aila. Sa bahay ka na lang, at magpalaki ka na lang ng betlog!”.

Bwahahaha! Minsan nakakatawa ‘tong si Misis Azrael eh. Alam na alam na nag-iinarte lang ako kaya kung sagutin ako eh ganun-ganun lang. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (14)