Time flies fast.. Too fast. Especially for a dad of a cute one year old girl named Maria Aila Ysabelle.
Syet! Ang bilis ng paglaki ni Aila! Noong isang taon lang baby na baby pa yun eh. At nung huli kaming magkasama last feb, hindi pa sya masyadong makulit. Ngayon suko lahat ng tao sa bahay sa kakulitan ng prinsesa ko!
Eh paano hindi susuko? Si Aila lang ata ang baby doon sa lugar nila misis na alas diyes na ng gabi eh nagisisisgaw pa at ayaw pang matulog. Ayaw ng walker, gusto inaalalayan lang sya sa paglalakad kaya masakit ang bewang nilang lahat. May mga batang sapat ng ehersisyo ang ‘close-open’.. Si Aila gustong exercise maglakad sa mall at mag-window shopping
Tatlong baby yan na puro babae ang halos magkaka-edad sa lugar nila. Mga potensyal na barkada ni Aila ang mga yan paglaki. Si Camille ang pinakamatanda, si Bea ang sumunod, at si Aila ang pinakabata. Si Aila ang pinakamatangkad at pinakamabigat palibhasa malakas kumain at uminom ng gatas. At habang si Camille at Bea eh natutulog kapag hapon, si Aila namimitas ng dahon at nag-uubos ng bulaklak dun sa garden ng biyenan ko nyahahahaha!
Kung tutuusin, hindi naman talaga ako masyadong nagugulat sa pinaggagagawa ni Aila. Noong umalis ako ng pinas at bumalik dito, expected ko na ,na lalaking ‘mischievous’ ‘tong anak ko. Nasanay kasi na kapag may ginusto, binibigay sa kanya. Not because she’s ’spoiled’ or something but because she’s one smart and sweet ‘lil girl. Malambing kasi sa Aila at bata pa lang, she has this cute way of getting what she wants without crying or being such a pain in the ass lol. Natutuwa ang lahat kaya obligado kang sundin ang gusto nya. Ikaw ba naman ang pakitaan ng ‘beautiful eyes’ na may kasama pang ‘flying kiss’ at kembot habang nagtuturo na buksan ang aircon dahil gusto nyang maglaro at magtatalon sa kama, makakatanggi ka pa??
The BIG day is finally here. Matapos ang ilang linggo ng paghihintay at ng kung-ano anong ka ek-ekan, dumating na rin ang birthday ko! Some of you might be expecting something big and fancy today huh? Akala nyo siguro may party or may pakulo ako na nakahain. Sorry to disappoint.
WALA.
Oo nga walang biro. Wala talaga.
Dahil kung tutuusin, wala naman talagang saysay ang araw na ito. It’s just a motherfuckin’ date on the motherfuckin’ calendar. And I really think birthdays are overrated. Naniniwala ako na dapat lang yan sineselebra kapag 1 yr old ka, kapag 7, 18 (pag babae) at 21 (pag lalaki). Pagkatapos ng mga numero na yan, wala ng saysay ang birthday mo.
May tatlong taon na din pala akong blogger. Sa loob ng tatlong taon na yan, marami na rin akong nakilala. May mga naging kaibigan, may mga naging kaaway. Kapag naiisip ko ang mga taong minsan kong naging kakulitan, pero wala na ngayon na at burado na sa mundo ko, hindi ko maiwasan na sabihin sa sarili na…
“Tangna, ang malas ko naman. Ang daming taong pwedeng kaibiganin noon, bakit ang mga hindot at walang kwentang taong mga yun pa ang pinag-aksayahan ko ng oras!”
Pero sa kabila ng kamalasan na yan, may swerte pa rin naman ako kahit paano.
Ang mga taong mula pa lang sa simula eh hindi na nakialam kung ano man ang trip ko. Mga taong sa tinatagal-tagal ng panahon, eh andyan pa rin at masipag na bumibisita. Mga taong kahit walang bagong mix, nag-iiwan pa rin ng mga komento. Mga taong kahit hindi ko naigawa ng image headers (kase wala naman silang blog), eh nakukuha pa ring magpasalamat. Mga taong mula ngayon, itinuturing ko nang mga tunay na kaibigan at ipaglalaban ko ng patayan!
Sa blogosphere lang ha, wag sa totoong buhay dahil nagpapakabait na ako bwahahahaha!
Kilalalanin ang mga taong nagbibigay ngiti sa akin kapag ako ay nakatamabay sa aking munting espasyo sa blogosphere: