Archive for the ‘ Reminiscing ’ Category

When I started blogging almost 3 years ago, it was all for the purpose of killing time and boredom.

Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang OFW na malayo sa pamilya, at nag-iisang nakikipagsapalaran sa isang bansang dayuhan para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga pansamantalang iniwan sa pinas.

Ang unang mararamdaman mo ay lungkot – Lalo na kapag nasanay ka na lagi mong kasama ang iyong asawa, laging ka-kuwentuhan ang mga magulang at kapatid, laging kasama sa gimik ang barkada.. Pagkalapag pa lang ng eroplano sa bansang pagtatrabahuhan mo, parang gusto mo ng sumakay ulit, at bumalik sa iyong pinanggalingan. :lol:

After a while, you learn to deal with the loneliness, the seclusion, the isolation, and learn to move forward. Kung sa mga unang gabi na nagso-solo ka sa kwarto mo, ga-balde ang luha na lumalabas sa mata mo, pagkatapos ng ilang buwan, ga-kaldero na lang.. Hanggang sa umabot sa puntong wala ka ng maiiyak dahil sagad na. Kumbaga dehydrated na ang mga mata mo :lol:

Unti-unting napapalitan ang lungkot ng saya.. Bakit kamo? Dahil sa gabing nag-iisip ka ng malalim habang may hawak na calculator, at nagko-compute at nagko-convert ng equivalent sa peso ng sinuweldo mo, mapapangiti ka na lang. Unti unting maisasakatuparan mo na ang plano mo sa buhay..

Mabigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya..

Makapagpundar ng bahay at ari-arian..

Ma-regaluhan ng ginto, alahas at kung anu-ano pang borloloy ang asawa mo..

Makabili ng sangkatutak na gadgets di mo naman gagamitin..

Makapag-painom ng trak trak na beer sa walang kwenta mong mga barkada..

Pero may kulang pa rin eh..

Aanhin mo ang lahat ng yan kung wala naman ang isang bagay na tunay na makakapagpaligaya sayo? Ang isang bagay na makakapagbigay ng kaganapan sa iyong ‘existence’ sa mundong ito??

Nagpapakahirap ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ipon ka ng ipon para sa pamilya, eh nasaan ang pamilya kung wala ka naman anak??

Yan ang kulang sa buhay namin noon ni Mrs. Azrael, ang isang anak na makakapagbigay sa amin ng walang patid na ligaya.

Yan din ang dahilan kung bakit ’super-active’ ako sa blogging noong nagsisimula pa lang ako.

Pilit kong pinupunan ang kakulangan sa aking pagkatao sa pamamagitan ng pagku-kwento ng mga araw araw kong gawain dito, sa mga taong hindi ko naman kaan0-ano at kung tutuusin, eh wala naman pakialam sa mga pinagsasasabi ko.

May tatlong taon din, mula ng una akong nagtrabaho dito, ang pinaghintay namin ni Mrs. Azrael para makabuo ng baby. At ngayon na meron na, si AILA, unti-unti na naman may na-realize ako na bago…

I don’t need material things anymore – I have most of them already. Electronics, DSLR, Laptop, Gadgets, Helicopter, Private plane, Submarine, Laser Sword, Spaceship.. Lahat yan meron nako! :lol:

I don’t need the internet – It’s nice to surf the net from time to time, talk to friends once in a while, listen to the latest ‘chismis’ from your ‘flea market’ friends :lol: Pero sa isang pindot ng ‘OFF PC’, kaya kong talikuran ang lahat ng yan. :cool:

I don’t need to BLOG anymore (but I’m not saying I’ll stop. Maybe I will, maybe I won’t) – I have said my piece. Shared my views. And I don’t see any more reason to try and be someone I already am :D Repulsive, Evil, Opinionated, Talented, Mayabang, Maangas, Salbahe, Tarantado, Bastos, Walang Modo, Kupal.. Ano pa ang ang hindi nyo nakikita sa pagkatao ko? Wala na siguro.

I have a loving wife who in my honest opinion, is the best mom of all.

I have a pretty daughter, who never cease to amaze me.

MY LIFE IS COMPLETE. I DON’T NEED ANYONE OR ANYTHING ELSE. AND THAT’S THE BOTTOMLINE.

That being said, I’d like to post this ‘lil something for my daughter.. Hindi ko alam kung hanggang kailan buhay ang blog na ito. Hindi ko alam kung sa pagtanda nya eh mababasa nya pa ito. At hindi ko alam kung ito na ba ang last entry ko..

Pero, anak… My dear MARIA AILA YSABELLE.. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (20)

Sa sobrang tagal ng bakasyon ko at sobrang tagal kong hindi nakapag-blog, kinakalawang na ako punyemas. Hindi ko alam kung saan magsisimula, at kung ano ang tema ng susunod ko na entry.

Nagbakasyon ako sa pinas bago mag-pasko. Nanahimik ng matagal at lumipas pati ang bagong taon, wala rin akong nailagay sa blog.. Ang galing di ba???

So pano, dun na lang ako magsisimula? Babatiin ko na lang kayong lahat ng “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!”

Ok tulog nako. Bye!

:lol:

Pero seryoso.. Isang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh tinatamad pa rin akong mag-blog, eh dahil sa sobrang saya at sobrang enjoy ang nakaraan kong bakasyon sa pinas.

Noon ko pa sinasabi, ang blogging ay past time ko lang. Isang bagay na pinagkakaabalahan at pilit kinakarir para mapawi ang lungkot na nararamdaman habang malayo sa pamilya.

At dahil sa may halos dalawang buwan ko rin nakasama ang pamilya ko sa pinas, natural lang na talikuran ko muna ang kung ano mang responsibibilidad na meron ako sa blog ko na ito.

Pero hindi naman nangangahulugan yan na nakalimutan ko na kayo, ang aking mga kaibigan sa blogosphere. Paminsan-minsan, naiisip ko rin kayo noon walang biro. Hinahanap hanap din ang kulitan, kantyawan at katarantaduhang walang humpay. Napalapit na rin ang loob ko sa ilan sa inyo at bilang patunay dyan, taos-puso kong inalay ang ang aking kamay at nag-alok ng isang tunay na pagkakaibigan. Nakipagkita pa nga ako sa ibang bloggers di ba? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (19)

Si Ruben ay pangalawa sa limang magkakapatid. Ipinanganak na mahirap at lumaki sa hirap.

Naalala ko pa ang kwento ni Ruben sa akin noon. Dahil sa sya ay lumaki sa isang lugar sa probinsya na malayo sa kabihasnan, kinakailangan nyang maglakad ng may kulang na isang oras para lang marating ang pinakamalapit na tindahan. At pagdating sa tindahan na ‘yon, ang tanging bibilhin lang ay isang lata ng sardinas, isang sibuyas, isang kamatis, at isang salop ng bigas na syang magiging pagkain na ng buong pamilya nya sa isang araw.

Lubog sa kahirapan ang pamilya ni Ruben. Maaga silang naulila sa ama, at may karamdaman ang kanilang ina na naging dahilan upang hindi sila makapag-aral ng maayos. Walang aasahan sa pamilya kundi silang magkakapatid lang at dahil sa bata pa sila noon, kinailangan nilang itaguyod ang sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng kung anu-anong klase ng trabaho at pagsama-samahin ang perang naiipon dito pantawid gutom lang.

Ngunit hindi naging hadlang kay Ruben ang kahirapan nya at ng kanyang pamilya. Mayroon syang pangarap. Pangarap na makapag-aral at makatapos, at magkaroon ng sarili nyang pamilya balang araw.

Lahat ng klase ng trabaho pinasok nya. Nandyan yung maglinis sya ng dumi ng kabayo ng kapitbahay na kutsero. Minsan din nyang hinihiram ang kalesa ng kapitbahay nyang ito para i-byahe kapag araw ng sabado o linggo. Nandyan yung magtinda sya ng maruya at bananacue sa hapon, at ng balut at penoy naman sa gabi.

Dahil na rin sa pagsisikap, nakuha nyang pag-aralin ang sarili. Matalino si Ruben. Masipag. Mahilig mag-aral. Minsan akong namangha kay Ruben ng ikuwento nya sa akin na dati raw, naliligo sya na gamit ang isang kamay na nakahawak sa tabo na naglalaman ng tubig na pambuhos sa katawan, at ang isa naman ay nakahawak sa libro. Nerd eh no?? :meh: Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (40)

Babaero ako noong binata. Sabi ng iba hanggang ngayon eh ganun pa rin daw. Babaero pa rin daw ako. At gusto kong sabihin sa mga nagsasabi nyan, Pakyu! :lol2:

Kulang ang mga daliri sa kamay at paa kung bibilangin ang mga babaeng dumaan sa buhay ko. Hindi ko pinagyayabang yan dahil sa isang banda, kasiraan yan sa pagkatao ko. Dahil pwedeng ang ibig sabihin nyan, hindi ako ang tipo ng lalaki na nagse-seryoso kaya mabilis akong magpalit ng GF at kumawala sa isang relasyon. Pwede rin naman na hindi nagtatagal sa akin ang isang babae dahil sa hindi masakyan ang ugali ko na nauuwi sa maagang pagtatapos ng aming samahan. :/

Kahit na naging ganyan ako noon, masasabi ko pa rin na marunong akong magmahal. Pagmamahal na nasuklian ng mas higit pa dyan ng ilang babae na hinding hindi ko malilimutan. Sa mahigit kwarenta na babae na dumaan sa buhay ko, apat na pangalan lang ang pwede kong sabihin na totoong nagbigay kulay sa mundo ko. Syempre kasama dyan si Mrs. Azrael dahil sya ang asawa ko at ang pinakamahal ko sa lahat. Pero hindi sya ang bida sa kwento kong ito dahil sa dalawang importanteng dahilan. Una, wala pa sya sa buhay ko noon at  hindi nya kilala ang babaeng tinutukoy ko. At pangalawa, hindi pa rin kami nagkikibuan hanggang ngayon kaya asa pa syang maging bida. Kontrabida oo! :meh:

Ang entry nato ay tungkol kay Iza. Ang unang babae na nagpaiyak sa akin na parang bata na inagawan ng laruan. Ang pangalawang babae na minahal ko sa buong buhay ko. Ang huling babaeng pinangakuan ko ng isang bagay, pero sa kasamaang palad, hanggang ngayon hindi ko pa natutupad :worry:

———————————————————————————————————————-

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (20)

WARNING: A very long entry but definitely worth your time. If you want to take a peek at my past, this is the entry for you. A MUST READ!!!

Dear first love..

Alam mo ba na hanggang ngayon naiisip pa rin kita? Sino ako para makalimot sa pinagsamahan natin noon? Tanda mo pa ba ang una nating pagkikita? Sa isang music bar sa Greenhills na tambayan ng barkada ko at ng barkada mo. College days pa yun pero hindi ko maintindihan kung bakit gabi-gabi ka nagpupunta dun. Nalaman ko lang sa isang staff ng bar na ang tunay na dahilan pala eh dahil sa crush mo ‘yung cute na DJ dun na ang pangalan ay ROBIN (ehem ehem)…

Naintriga ka yata sa kasupladuhan ko kaya kinarir mo ako ng todo. Aaminin ko na, hindi kita type dati dahil masyado kang inglesera at nakokornihan ako sa bawat bitaw mo ng salitang “yuck” at “eww” kapag nakakakita ka ng kapiranggot na bakas ng dumi sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Minsan nga, pinagbalakan pa kitang paluin ng bote ng san miguel super dry para lang matigil ang bunganga mong puro kasosyalan at kaartehan ang lumalabas. Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (66)