Tales from the field 002: Disgrasya
Kanina, tatlong beses ako muntik ng mamaalam sa mundo ng di oras. Malas ako ngayong linggong ito pagdating sa fieldwork. Kung dati ay natatapos ko ng sandaling oras lang ang isang site, ngayon inaabot ako ng syam-syam dahil sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari. Ang buong akala ko, babae lang ang lumalapit saken, yun pala, pati aksidente, disgrasya at kung anu-ano pang kagagawan ni satanas eh parang gusto na ring matikman ang mura kong katawan. Tulad sa pag-iwas sa kalandian at pambababae, buti na lang medyo alerto pa rin ako at nakukuha ko pang iligtas ang aking sarili sa tiyak na kapahamakan.
Nagsimula ang kamalasan bandang alas-siyete ng umaga. Inaayos ko ang aking instrumento at abala sa pagkalikot ng mga kable at kagamitan ng bigla na lang akong napatunganga, napasindi ng yosi, at biglang nag-isip ng malalim. Premonitons? Hmmmm.. Akmang pahakbang ako patalikod, bigla na lang sumigaw ang isang helper ko ng “SNEK! SNEK! SNEK!”. Napatingin na lang ako sabay pasigaw ng “What?!!”. “SNEK! SNEK! DER IS SNEK AT YOR BACKSIDE!” ang sabi nya. Tadong yun, hindi ko naintindihan kaya sinigawan ko ulit, “What backside? Back? Or side? And what is there you idiot?!” Eh ano ba kasi sinasabi nun na backside? likurang-tabi? Meron ba nun??? At ano ang snek??? Huli na ng ma-realize ko na nakaapak pala ako ng isang medyo may kahabaang ahas, mga walong pulgada. Mahaba na saken yan kaya wag kayong magulo dahil kwento ko to. Pang-anim na beses ko ng makakita ng ahas kanina. Pangatlong beses ko na ring maka-apak ng bwakanasyett na animal na yan. Naiinis ako dahil sa sobrang lawak naman ng lupain dito, bakit lagi na lang akong nakaka-engkwentro ng pinaka-nakakatakot na hayop na ginawa ni Lord. Alam ng karamihan kung gaano ako katakot sa ahas. Read the rest of this entry
Possibly Related Posts:

