I almost closed this blog about a week ago. The drive wasn’t there anymore. The passion was gone. I was drained to the core…
Pakiramdam ko para akong isang kandila na unti-unting natutunaw at segundo na lang ang binibilang bago tuluyang mawala ang sindi..
Parang isang dahon na unti-unting nalalanta at nabubulok at sa isang iglap, bigla na lang mahuhulog sa lupa..
Para isang kakarag-karag na sakakyan na malapit ng maubusan ng gas at anumang oras, titirik na lang sa gitna ng isang malungkot at madilim na daan..
Pero ang sabi ko sa sarili ko, “Teka muna. Makahirit muna ng isang makabuluhang entry na gigising sa damdamin at pupukaw sa puso ng mga mambabasa.” Gusto kong mag-iwan ng isang post na punung-puno ng emosyon..
At pagkatapos ng entry ko tungkol sa pakikipag-away ko kahapon, ang sabi ko, “This is it. This will be my last post. No fancy goodbyes. I’ll just shut the blog down, walk away, and never look back…”
Then, the unexpected happened..
I got an email from a total stranger.. Something that caught me off guard…
I just had to share this. This is a beautiful letter from someone far away.
read on…..
Hello DJ Az!
Ako po si Cynch, wife ni Ray. Lagi ko pong pinapakinggan ang mixes niyo wherever I am – home, office, car. Ibinili pa nga po ako ng mp3 player ni Ray para mapakinggan ko mixes niyo while driving. Galing talaga ng mixes niyo! At sa sobrang tuwa ko sa mixes niyo, ipinamalita ko sa mga kamag-anak, ka-opisina, ka-klase (elementary, high school at college), kapitbahay at kaibigan ang site niyo. Ayun, merong natuwa ng husto at binanggit pa buong pangalan ko sa post niya dun sa site niyo. Kakahiya nga kasi shy po talaga ako, I prefer to be as low profile as possible. So why am I writing?
First, to thank you for sharing your mixes. Kahit po yung mga officemates ko na puti, intsik, Vietnamese at sari-saring pana eh nagagandahan sa mixes niyo. Mga mixes niyo po ang sumasalubong sa tenga nila tuwing pumupunta sila sa office ko.
Second, to thank you for sharing your photographs. Ang galing po, parang professional ang kumuha ng mga shots ninyo. Di na po kailangan pakunan ng picture si Aila sa studio.
Third, to thank you for sharing your writing. Sabi ko nga po kay Ray several days ago, bilib ako kung paano kayo mag-sulat. Nakakabilib na yung mga sinusulat niyo, mas nakakabilib pa lalo kasi whether English or Tagalog or both ang gamitin niyo, ang galing pa rin ng dating. I don’t agree with all the things you say or how you say it (hindi po kasi ako sanay makabasa ng ibang words na ginagamit niyo), but somehow I am drawn to finish reading what you wrote. Hindi ko po maiwan kahit dumudugo na ang mga mata ko sa nababasa ko.
Fourth, you have unknowingly lifted my spirits in so many ways, turn ko naman. Dapat po talaga nagtatrabaho na ako by this time. Hayaan ng mag-antay muna ang trabaho for this one night, email na lang muna ako sa inyo. Baka sakaling malibang kayo ng konti sa email ko at mapuknat kayo kahit sandali sa kung ano pang sama ng loob na nararamdaman niyo at this time.
Your post today brought me to tears. This is the first time I have read something with so many powerful and raw emotions in just one article – sadness, pain, anger, love, joy, trust, pride, pleasure, compassion, etc. I think you have accomplished in a few paragraphs in maybe an hour or two of writing what many authors strive to achieve through chapters in a lifetime. Ayaw ko po yung nangyari sa inyo at sa father niyo pero gusto kong sabihin na ang galing po talaga na pagkakasulat niyo.
Marami pong ibang sites na na-share si Ray sa akin, minsan ko lang tiningnan at di ko na binalikan ulit. Pero yung site niyo, araw-araw akong bumibisita. Ang objective ko lang initially was to download your mixes. But then, it became a habit for me to visit at least once a day – either before or after I work from home at night. Tinatawanan po ako ni Ray kasi addict na daw po ako sa site niyo. Kung addict ako, mas addict siya. Alam niyo bakit? Kasi ako dumadalaw sa site niyo from home, siya dumadalaw sa site niyo habang nasa office siya! Pero alam niyo, kung di lang naka-block ang site niyo sa office namin, malamang dumalaw din ako (at yung mga ka-opisina kong Pinoy) sa site niyo while at the office.
Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo, pinipigil ko lang. After reading your post today, hindi ko na po talaga mapigil. Kaya pasensiya na po kayo at medyo napahaba na ang email ko, yan ang resulta ng pagkimkim ko.
Salamat po ulit ng marami. More power to you po. Ingat po kayo.
Cynch
Thank you Cynch for this very moving letter. You have touched my heart and melted my soul. Ang mga taong tulad mo, at ni Ray, ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako ngayon. Tanggapin mo ang aking taos-pusong pakikipagkaibigan. I want to meet you and Ray personally one of these days. Let me shake your hands..
At dahil sa email ni Cynch, nagbago ang desisyon ko. I wont leave the blogosphere.. Not just yet..
Hindi ko pa kayang talikuran ang mga taong tumatangkilik sa akin…
Possibly Related Posts: