Madaming dahilan kung bakit tinatamad na akong mag-blog. Iisa-isahin ko…

1. Ayoko ng mag-share ng mixes. Bukod sa mahirap gumawa nito, wala na rin akong oras. At isa pa, wala na akong kailangan patunayan pa. I have made some people smile at tama na yan. I’ve given slices of a pie wholeheartedly to those who asked to be fed. I just can’t give the whole thing, sorry

2. Na-realize ko na mas masaya ako sa Photography kesa sa blogging. I can express more through Photography. With blogging, every single fucking word I say elicits different meanings and reactions from people. Ang daming bagay na hindi ko masabi, hindi mai-kwento. Dahil pagmumulan ng away mag-asawa.

3. Na-realize ko ulit na past time lang talaga ang blogging para sa akin. Ngayon, kung busy ako sa trabaho at sa iba pang bagay, alangan naman na unahin ko pa ang past time?? Kagaguhan.

4. Malapit na akong umuwi ulit sa pinas para magbakasyon. Hindi ko na mahaharap ang blog na ito para lang mag-update sa mga bagay-bagay na interesado man kayong marinig, eh wala naman akong balak na ikuwento pa.

At ang pinakamalaking dahilan kung bakit talagang tamad na tamad na akong mag-blog………

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (22)

AZRAEL: My lab! Love mo pa ba ako?

MRS AZRAEL: Oo naman. Bakit mo naman naitanong yan?

AZRAEL: Dahil parang nagbago ka na..

MRS AZRAEL: Loko! Hindi ah. Mahal pa rin kita tulad ng dati ano ka ba??

AZRAEL: Talaga?

MRS AZRAEL: Oo nga! Wag ka ngang mag-inarte dyan. Hindi bagay sayo.

AZRAEL: Eh kase..

MRS AZRAEL: Kase ano?? May gusto ka ba sabihin?

AZRAEL: Kase, kung talagang mahal mo ako…

MRS AZRAEL: Ano??????????????????? Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (12)

Si Ruben ay pangalawa sa limang magkakapatid. Ipinanganak na mahirap at lumaki sa hirap.

Naalala ko pa ang kwento ni Ruben sa akin noon. Dahil sa sya ay lumaki sa isang lugar sa probinsya na malayo sa kabihasnan, kinakailangan nyang maglakad ng may kulang na isang oras para lang marating ang pinakamalapit na tindahan. At pagdating sa tindahan na ‘yon, ang tanging bibilhin lang ay isang lata ng sardinas, isang sibuyas, isang kamatis, at isang salop ng bigas na syang magiging pagkain na ng buong pamilya nya sa isang araw.

Lubog sa kahirapan ang pamilya ni Ruben. Maaga silang naulila sa ama, at may karamdaman ang kanilang ina na naging dahilan upang hindi sila makapag-aral ng maayos. Walang aasahan sa pamilya kundi silang magkakapatid lang at dahil sa bata pa sila noon, kinailangan nilang itaguyod ang sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng kung anu-anong klase ng trabaho at pagsama-samahin ang perang naiipon dito pantawid gutom lang.

Ngunit hindi naging hadlang kay Ruben ang kahirapan nya at ng kanyang pamilya. Mayroon syang pangarap. Pangarap na makapag-aral at makatapos, at magkaroon ng sarili nyang pamilya balang araw.

Lahat ng klase ng trabaho pinasok nya. Nandyan yung maglinis sya ng dumi ng kabayo ng kapitbahay na kutsero. Minsan din nyang hinihiram ang kalesa ng kapitbahay nyang ito para i-byahe kapag araw ng sabado o linggo. Nandyan yung magtinda sya ng maruya at bananacue sa hapon, at ng balut at penoy naman sa gabi.

Dahil na rin sa pagsisikap, nakuha nyang pag-aralin ang sarili. Matalino si Ruben. Masipag. Mahilig mag-aral. Minsan akong namangha kay Ruben ng ikuwento nya sa akin na dati raw, naliligo sya na gamit ang isang kamay na nakahawak sa tabo na naglalaman ng tubig na pambuhos sa katawan, at ang isa naman ay nakahawak sa libro. Nerd eh no?? :meh:

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (40)

Si Misis Azrael. Ang aking kasabwat sa lahat ng kalokohan at kaakibat sa lahat ng bagay. Ang ina ng aking magandang anak na si Maria Aila Ysabelle.

Sa mga oras na nangangapa ako sa dilim, naliligaw, at nangangailangan ng gabay, si misis ang nagiging tanglaw sa daan at nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para ituloy ang paglalakbay at harapin ang pagsubok ng buhay.

Sa aking pansamantalang paglisan upang magtrabaho sa ibang bansa, siya ang walang kapaguran na sumusubaybay sa paglaki ng aming anak. Sumisigurong lalaki na malusog, masaya, at malayo sa kapahamakan si Aila.

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts:


Comments (13)

Bumili ako ng bagong celfone noong isang linggo. Naisipan na palitan na ang luma kong ginagamit dito. Pinag-isipang mabuti kung ano ba ang magandang modelo, at dahil na rin sa kasanayan sa paggamit ng Nokia, napagdesisyunan ko na N96 ang modelo na para sa akin.

Matapos ang ilang araw, napansin ko na madaling maubos ang karga ng baterya nito. Ibinalik ko sa tindahan at nireklamo ang bagong biling gamit ,at matapos ang pagtatatalo, pinalitan nila ng bagong baterya. Inusisa kong maaigi ang dahilan kung bakit nagkaganoon at ang tanging sagot sa akin ng mga tao doon, dahil daw ito ay gawang Tsina at maaring pinalitan ang orihinal na baterya na kasama sa kahon upang ibenta sa mas malaking halaga.

Bagong modelo ng telepono, lumang baterya. Sa panahon ngayon talagang mapapatanong ka sa sarili.. Ang binili mo ba ay bago nga kaya?

———————————————————

This entry also seen @ SHUTTERED-WORLD

Possibly Related Posts:


Comments (35)