I got tagged by LIMEGEMINI. Mabilisan na tag response ito. Madali lang kasi. Alam nyo naman ako mabilis pa sa alas-kwatro sa pagpatol sa tag na hindi na kailangang pag-isipan nyahahaha!

Pero bukod sa pagpatol sa tag, alam nyo ba na ang pinakapaborito kong klase ng pagkain ay Japanese? Ramen, Tempura, Sushi, Udon, Tofu, Sashimi, Donburi, Yakitori, Gyoza, Sukiyaki at kung anu-ano pa. Name it, I’ve tried it all (I think), and I love ‘em! At magaling din ako sa chopsticks!

At noong bata pa ako (mga isang taon pa lang ang nakakalipas), at mahilig pa ako maglaro ng Playstation, ang mga paborito kong games ay ang mga gawa ng mga hapon. Final Fantasy 7 & 8, Biohazard (Resident Evil sa English Version) are some of my favorites.

At sabi ng nanay ko, noong maputi pa daw ako, minsan mukha akong hapon o kaya intsik dahil may pagkasingkit ang mata ko. Noon yun, ngayon mukha na akong amerikano.. Na egoy! Bwahahaha!

Read the rest of this entry

Possibly Related Posts: